programmer ka ba? Ako po!!

Posted almost 6 years ago blabbers, gadget and stuff, homesickness

chineck ko ung Yahoo Groups namin ng mga classmates ko nung college.. at ito ang nakita ko.. wow! na-miss ko tuloy ang programming..

*ito naman ang normalized form ng diagram sa taas.. ang saya talagang balikan ng nakaraan…

IT graduate ako sa PEYUPI.. ung diagram sa taas, yan ata ung project namin sa DBMS… basic na diagram lang yan.. sinakto ata ng prof. namin since pagka-graduate namin, maghahanap na rin kami ng trabaho.. saya.. hahaha! buong second sem. ata eh DBMS at Visual Basic ang pinag-aralan namin.. sarap mag-isip..la kang ibang poproblemahin kundi un lang dahil kapag di kami nakagawa ng working system eh, mas malaking problema ang kakaharapin namin.. bangag, puyat at may bitbit na CPU.. yan ang itsura namin every week, tuwing may defense.. habang mage-explain kami sa prof. eh sabay pagiisip at pagdarasal na sana hindi palpak ang pinagpuyatan namin.. medyo naging maayos naman ang defense namin dahil nakapasa naman kami… sa awa ng Diyos, grumadyate naman ng tama sa oras…

habang tinitingnan ko ang mga files namin dati sa Yahoo groups, ngayon ko lang naisip na, masipag pala akong mag-aral noon! hehehe.. dahil, di ko maisip na natutunan ko ang mga ganitong bagay.. aus! at noon pa lang pala eh mahilig na akong magmulti-task.. biruin mo, habang may overnight kaming barkada (barkada ko ang kagrupo ko sa thesis), gumagawa kami ng system, nanonood ng TV, may nakikipagtelebabad at nagtetext sabay inuman! nak naman! hahaha.. kaya rin siguro kami kinakabahan sa bawat defense dahil baka pumalya kami sa page-explain..

nakakatuwa lang.. programmer.. wow.. ang gandang pakinggan.. “anong trabaho mo?” Systems Analyst.. bigatin! hehehe.. di ko naman talaga pinangarap na maging programmer.. pero, gusto ko rin maging web developer.. siguro kaya rin ako nahilig sa pagbo-blog at pagde-design ng website.. sana lang matupad rin ung pangarap ko na un.. ang hirap kasi mag-apply ng trabaho na related sa course.. kailangan ng experience.. eh gudluck naman, pano ko magkakaroon ng experience eh ayaw nga nila akong tanggapin?! pero alam ko, one of these days, matutupad din ang pangarap ko!

may isa pa palang image.. Extended Entity-Relationship Diagram** yan.. pinapakita rito ung relationship ng bawat entity sa isang diagram.. gets? haha..

isa itong workflow.. halimbawa, sa pagawaan ng sapatos.. diba may mga supplier ng sintas, takong, balat, at kung anu-ano pang gamit sa paggawa ng sapatos.. bawat isang supplier ay may kanya-kanyang sinusupply… tapos, kapag nakapagorder na ang pagawaan ng sapatos ng kailangan nilang gamit, dadalhin ito ngayon ng supplier sa workcenter kung saan, ginagawa ang mga sapatos.. then ung mismong product eh o-orderin naman ng isang tindahan.. yan ung order… dito, nalalaman kung ilang box ba ng sapatos ang kailangan ng tindahan.. then, kapag binili na ito ng customer, kailangan nya ng sales invoice kung saan nakalagay kung magkano ang kanyang binili..

diba.. napakasimple lang! hahaha.. ewan ko ba kung bakit kailangan pang gawing kumplikado… hay.. pero masaya ang mag-programming!!

**Entity Relationship Diagrams are a major data modelling tool and will help organize the data in your project into entities and define the relationships between the entities. This process has proved to enable the analyst to produce a good database structure so that the data can be stored and retrieved in a most efficient manner.

uncertainty

Posted almost 6 years ago Uncategorized

Kung meron man akong bagay na hindi nagugustuhan, yun ay ang “uncertainty”, wala akong maisip na tagalog na salita na aangkop para dyan, siguro ay pwede na ang “walang kasiguraduhan” (o baka yun nga ang tama). Ayoko talaga ng walang ideya o isang malabong bagay na hindi ka sigurado. Para kang nag-exam na hindi nagreview, e mali pala, dahil kapag hindi ka nagreview sa isang exam ay kahit paano ay siguradong malamang na bumagsak ka. Hmmm, siguro ay parang kapag nag-aantay ka sa isang bagay na hindi mo naman alam kung darating pero nag-aantay ka pa rin. parang kanina, halos isang oras namin inantay ang instructor namin, one-third kasi ng tatlong oras ay isang oras siyempre. Hindi siya dumating. Hindi rin ako bilib sa mga sagot sa isang oo o hindi na tanong na hindi oo o hindi, at dinadaan na lang sa isang mahaba’t magulong pasikut-sikot na sagot hanggang sa makalimutan mo na kung ano yung tanong sa umpisa pa lang. Uncertainty, walang kasiguraduhan, hindi mo alam, wala kang ideya, at ang kinaiinisan ko sa lahat ng ito ay kung bakit kailangan mong magdesisyon base sa mga bagay na ito.

kaya ayokong sumali sa deal or no deal. Dahil di tulad ng isang trivia quiz show na either alam mo o hindi ang sagot, sabihin man ni kris na isang tanong lang ang kailangan mong sagutin, hindi ako isang taong naniniwala sa isang bagay na solely based on chance. Alam kong risk-taker ako paminsan-minsan pero i always try to put some form of logic or reasoning. Pero kung solely based on chance, para kang tumakbo sa isang overpass na walang railings nang nakapikit. Kaya nga hindi ko lam kung bakit naririnig ko pa si kris na sinasabi sa contestant na isipin dapat ng mabuti kung anong briefcase ang bubuksan, e di ba nga, deal or no deal lang kailangang sagutin?

Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa deal or no deal.

Sana sabihin mo na lang na wala akong pag-asa, na hindi pwedeng maging tayo, na walang patutunguhan ang pag-ibig ko sa iyo, dahil nananatili akong bilanggo sa rehas na gawa ng puso mo, bilanggo sa gapos na dulot ng pag-isip sa iyo. Hinanap ko tuloy yung mp3 file ng rizal underground song na bilanggo na pinapatugtog ko na ngayon. ayan, nasabi ko tuloy ang dahilan kung bakit ko inumpisahang isulat ang entry na ito. madrama talaga kung minsan, lalo na pag ganitong depressed.

ginawa ko na naman, sinulat ko sa message editor na mahal kita at sinubukang i-send. message sending failed… message sending failed… sending failed… failed… message sent! Shit, gago, langya, t*ngina, shit, langya, shit. Limang minuto ata ako napamura, sinakal ang sarili, sinubsob sa unan ang mukha hanggang hindi makahinga. HIndi ko lam na meron pala akong load.

thursday ngayon ng gabi, mga ala-diyes. Huli kong load ay nung huling hwubes, umaga, eload na 30. Hindi ko alam kung hanggan kailan bago mag-expire yun, kaya nung sunday ay nag-text ako nang nag-text. Ang alam ko ay wala akong load kinabukasan, lunes. Martes ng gabi, nagpasaload ako mula sa phone ng nanay ko, 5 pesos. nakapgtext pa ko ng miyerkules ng umaga.

Yun ang chronological timeline (redundant ata) na paulit-ulit kong inisa-isa habang nagmumura in between pauses.

I turned-off the phone thinking that i don’t want to know your response or in this case, reply or even just to delay it for the night. (bakit ba ako nag-iingles, hehe) pero naisip ko na baka hindi naman ako makatulog kung ganun, pero naisip ko rin na baka hindi ka naman magreply, kaya bimuksan ko ang phone. Pero naisip ko naman na baka magreply ka at baka kung anong heart-breaking response ang mabasa ko kaya sinara ko ulit ang phone. Nakatulog ako rin naman ako.

alas dos ng madaling-araw, nagising ako, binuksan ko ang phone pero namatay dahil low-batt, binuksan ko ulit, namatay ulit, nag-antay ako ng limang minuto, binuksan ko ulit, message received… the moment of truth naisip ko, o death (magkaibang context yun a).

(,”)? Still, thank you…

Pero wala naman akong tinatanong talaga, sinabi ko lang naman na mahal kita, alam mo bang sa yo ko unang sinabi yan? 3years ago, at inuulit ko lang ngayon, mahal kita, dun, sigurado ako. deal na ko sa yo, pero no deal ka sa akin, siyempre naman, marami pang higher amounts out there.

Pero siyempre, hindi naman ganun kasimple yun. Deal or no deal na, manonood pa ko.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.