Sept. 4, 2004..
naglalakad ako sa Ortigas, papuntang Maersk.. pormal-pormalan ng onti dahil may medical exam kasi ako.. excited na may halong lungkot.. excited dahil bagong trabaho, sa wakas makakapagtrabaho na ko sa Ortigas! malapit na sa Megamall, malapit sa galaan.. kasama ko pa ang mga kabarkada ko sa opis.. aus! ang saya.. dream come true kumbaga..
pero malungkot din ako.. kasi di na kita makikita.. di na kita makakasabay sa pagpasok o paguwi dahil di na kita ka-trabaho.. malayo rin ang Libis sa Ortigas ha.. di tulad dati eh, ilang workstation lang ang pagitan natin, kaya madali kitang makukulit.. malungkot dahil di ko makakasama ang taong importante para sa akin.. at ikaw un..
isa lamang ordinaryong araw.. lang espesyal na plano.. pero, di ko inaasahan na may mangyayari pala na makaka-apekto ng malaki sa ating dalawa.. nagkita tayo.. di inaasahan.. parang kagabi lang eh iniisip kita.. kung pano tayo magkikita, tapos, nandito ka ngayon sa harap ko at kinakausap ako.. parang nahalata mo nga na hanggang tenga ang ngiti ko, pero pinilit ko itong itago.. tinanong kita kung san ka galing, sabi mo nagpasa ka rin ng application sa Maersk at nagbakasakali na makapagexam na rin.. actually, di ko nga masyadong maintindihan ang sinasabi mo dahil iniisip ko pa rin kung destiny ba ang tawag dito? bakit ngayon? alas-otso pa lang ng umaga.. bakit?……. saglit lang din tayo nagusap kasi kailangan ko na ring pumunta sa HR, may lakad ka rin sabi mo.. kaya’t tayo’y nagpaalam na sa isa’t-isa pero ayokong umalis ka.. gusto kong makasama ka ngayon.. isip karmi.. isip…
kung i-text kaya kita? ayoko baka isipin mong may gusto ako sayo.. pero nanalo pa rin ang puso laban sa utak kaya’t tinext pa rin kita.. sabi ko ililibre kita.. message sent.. la na akong ibang magagawa kundi ang maghintay.. muntik ko na atang maitapon ang celphone ko, sumagot ka sabi mo sige, kita tayo after ng medical ko.. nang mga sandaling iyon, gusto ko nang hilahin ang oras.. pwede bang ipa-resked ang medical? waaaa.. ang bagal ng oras…
nagkita tayo.. di pa nga natin alam kung san tayo pupunta.. sa makati tayo dinala ng ating mga paa.. sa glorietta.. kumain, nagkwentuhan, gumala, nagkulitan.. ok ka pala talagang kasama.. nangyari na ang kinakatakot ko.. mas napapamahal ka na sa akin.. tinanong mo ko, kung gusto kong manood ng sine.. sabi ko naman, wag na, uuwi na ko.. pero parang nananadya ang panahon, biglang umulan ng malakas.. kaya pumayag na rin ako.. kahit na napanood mo na ung palabas, un pa rin ang pinanood natin.. sayang di nga lang natin natapos ung palabas dahil tinext na ko ng tatay ko, uwi na raw ako.. gabi na…
hinatid mo ko dito sa bahay.. natapos ang buong araw na kasama kita.. sobrang saya ko.. parang planado ang lahat.. la akong pagsisisi sa ginawa ko.. masaya ako.. at sana ikaw rin…
nung gabing un, saka ko lang naisip, ako ang dapat manlibre sau, pero ikaw ang nanlibre sa akin…
Sept. 4, 2006…
haba ng flashback.. 2 years ago na, pero parang kahapon lang nangyari.. 2 years ago na ang nakakalipas pero sariwa pa rin sa aking ala-ala ang mga kwentuhan at kulitan natin.. gusto na kitang makasama ulit.. para naman next time, ako naman ang manlibre sayo…