teacher ang nanay ko.. almost 30 years na rin syang nagtuturo bago sya tuluyang nagretire dahil sa pagpunta namin dito sa States.. nakapagturo sya ng Grades 2, 3, 4 and 6.. English at Math ang specialty nya pero di ko alam kung bakit hate ko ang Math.. nakapagturo rin sya ng HEKASI at MSEP.. swerte ko at ng mga kapatid ko dahil may nanay na kami, may teacher pa.. napadali ang pagpapaturo ng assignments dahil alam na ni inay ang mga sagot.. may katulong kami sa paggawa ng projects at taga-review sa amin kapag may test.. jackpot talaga kapag ang nanay mo ay teacher na rin..
maaga akong nakapag-aral.. 4 years old pa lang ako, ’saling-pusa’ na ako sa kindergarten.. teacher kasi ang nanay ko sa eskwelahang pinasukan ko.. wala kasing kaming katulong noon kaya parati akong kasama sa iskul.. sa murang edad daw eh nagkaroon na ako ng interest sa pag-aaral.. nagtataka nga lang ako kung bakit medyo tinamd akong mag-aral mula noong tumuntong ako ng highschool.. hehehe.. 4 years old pa lang ako, isinama na ako ngaking ina sa kanyang mundo sa labas ng aming bahay.. ibang-iba ang dating ng nanay ko.. sa eskwelahan, naka-high heels sya, pencil cut na palda, at posturang-postura sa harap ng mga batang nakikinig sa kanya.. ibang-iba sa nanay ko sa bahay, na naka-bestida lamang at minsan ay nakayapak.. noon ko nalaman na ang tikas pala ni nanay.. biruin mo, nakikinig ang mga batang un sa kanya upang matuto.. proud na talaga ako mula noon.. teacher ang nanay ko..
maraming perks and privilages kapag teacher ang nanay mo.. una, instang stardom.. makikilala ka agad sa buong iskul.. normal na ung tanong na ‘Anak ka ni Ma’am Francia?’ sa araw-araw kong pamumuhay.. celebrity ako sa buong section dahil anak ako ng teacher.. kulang na lang eh manghingi sila ng autograph sa akin at magpapicture.. syempre, nandun din ung respeto.. wala atang nang-away sa akin dahil anak ako ng teacher.. hmmm.. meron din naman ata.. pero kahit na may nangaaway sa akin, di ko dinadawit ang pangalan ng nanay ko.. malamang dahil ako rin ang masasabon pagdating sa bahay.. isa pa sa advantage ng pagkakaroon ng teacher na nanay ay mga libreng pagkain, regalo and all the good stuff.. kapag anak ka ng teacher, kung may gathering sila outside the school kunwari field trip o kaya kainan, kasama parati ang family.. kasami kami parating magkakapatid.. kung may libre namang pagkain sa iskul ang nanay ko, ibinibigay nya sa akin.. ang saya! kapag pasko, closing party o kahit na anong okasyon na may handaan sa loob ng classroom, maraming regalo kay mama.. marami ring pagkain.. kaya tuwang-tuwa kami sa bahay kapag tapos na ang christmas party.. tatawag na si mama sa bahay para sabihin na pumunta na ako sa iskul at kukunin na ang mga regalo at pagkain.. Merry Christmas talaga! dumami rin ang mga kaibigan ko dahil pati mga estudyante ni mama eh naging ka-close ko..
pero syempre, may disadvantage din ang pagiging anak ng teacher.. yan ay kapag nagtsismisan na ang mga nanay ng ibang estudyante.. na may favoritism, mataas ang grade dahil sa teacher ang nanay at kung anu-ano pang gawa-gawang tsismis na dinaig pa ang The Buzz.. pero nalagpasan naming magkakapaitd un.. dahil pinatunayan namin na kaya namin at deserving kaming magkaroon ng mataas na grade di lamang dahil sa anak kami ng teacher.. naka-graduate naman kaming lahat at nalagpasan ang mga ‘tsismis’ na iyon… lalong naging proud ang nanay ko..
teacher ang nanay ko.. actually, pati ng tatay ko.. nasa dugo na talaga namin ang pagtuturo.. ung bunso kong kapatid gustong maging art teacher.. pero ako, ni minsan di ko naisip na maging teacher, di naman sa ayaw ko.. pero kasi iniisip ko pa lang, pano kung katulad ko ang mga magiging estudyante ko.. patay tayo dyan! di na lang.. hehehe..












