sa aking pagtulog

Posted 5 years ago emo daw

tanong lang..

pwede bang matulog na lang…

habambuhay?

…….

kung pwede lang na matulog na lang maghapon, ginawa ko na.. kesa naman gising nga ako pero di naman makausap, di malapitan.. kung matutulog lang ako, di na ako makakaramdam ng sakit.. payapa ang aking pag-iisip, walang problema.. walang gulo.. ang saya siguro ng ganon.. palaging masaya at walang iniisip na inis o galit.. sa aking pagtulog, tinatakbuhan ko ang realidad.. pwede akong mapadpad sa malayong lugar, pwede kahit saan.. basta malayo sa mundong aking ginagalawan.. tanging sa aking pagtulog ko lamang masasabing masaya talaga ako..

sa bawat oras na ako’y nalulumbay, ipinipikit ko na lamang ang aking mga mata.. walang anumang problema ang pwedeng lumapit sa akin.. protektado ako.. balnko ang isip.. hinahayaang mawala ang sakit at pangamba sa puso at katawan.. lang kausap.. lang maingay.. tahimik.. payapa.. kalmado..

minsan, ayoko nang gumising, dahil alam kong masasaktan lang ako.. ayokong dumating ang oras na maging manhid na ako.. kung patuloy lang akong masasaktan at iiyak, mas mabuti pa nga ata talagang matulog na lang…

… gigising na lang ako kapag ok na ang lahat….

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.