2008 ha..

No Comments » October 29, 2006 » 1239 days ago
inlove

oo……

pangako!

madami ang nagsasabi sa akin, ‘madami pa ang pwedeng mangyari.. 2008? 2 years pa un.. sigurado ka na ba?’ ilang beses na rin akong nagisip.. tama nga sila, 2 years pa.. bata pa raw ako.. may makikilala pa raw akong iba… siguro nga posible un, pero alam ko sa sarili ko na sya na talaga.. maaga pa para sabihing sya na ang gusto kong makasama habang-buhay pero un na talaga ang sabi ng puso at isip ko…

nakakabulag daw ang pag-ibig.. dahil pwede kang gumawa ng desisyong pabigla-bigla.. ano nga naman ang alam ko.. marami pa akong kakaining bigas ika nga.. nagsisimula pa lang akong mamuhay bilang isang ‘adult’.. la pa akong masyadong alam tungkol sa pag-ibig.. at pano naman ako nakakasiguradong pagdating ng 2008 eh ganon pa rin ang nararamdaman ko, naming dalawa.. pano nga ba?

tiwala? pwedeng mawala un, long distance relationship eh.. di maiiwasan ang magsekreto sa isa’t-isa.. pagmamahal? kahit na mahal nyo ang isa’t-isa, pwede ring magsawa diba? mapagod.. patience? pano nga kung nagsawa na kayo sa sitwasyon? pwedeng may mag-giveup eh.. ano nga ba talaga ang makakatulong para tumagal ang isang relasyong walang kasiguraduhan? ang hindi mo alam kung ano ang pwedeng maging ending?

stay in love.. hindi pwedeng mawala ang pagmamahal.. dahil ano pa ba ang dahilan para maghold on sa isang relasyon kung wala namang pagmamahal diba? acceptance.. pagtanggap sa reality na pwedeng hindi maging kayo bandang huli.. mas macha-challenge pa kayo pareho na pagtibayin ang relastionship.. mas mamahalin nyo pa ang isa’t-isa.. prayers.. importante din ang prayers.. kinakausap ko parati si Papa God na sya na ang bahala sa aming 2.. na kung ano man ang plano nya eh un ang mangyayari.. im just thankful na nakilala ko sya sa buhay ko..

2008.. 2 years pa nga pero im positive na magtatagal pa kami.. kahit na madami pang problema na ma-encounter, basta 2 kaming magso-solve nito, alam kong kakayanin namin..

2008.. pangako!

whattadate

No Comments » October 20, 2006 » 1248 days ago
inlove

nagising ako sa ring ng celphone ko.. 10:30pm na.. nagpa-alarm ako ng 11pm, buti na lang din at nagising ako ng maaga.. di pa ako bumangon.. ipinikit ko pa ang aking mata, medyo antok pa kasi ako.. may 30 mins. pa ako, para magayos.. nakatulog ako ulit saglit.. nagising ako, 10:50pm na.. bumangon na ko, pumunta ng CR tapos eh naghilamos.. nagsuklay ng buhok, inayos ang t-shirt at pajama na suot.. tiningnan ang sarili sa salamin, dapat di ako mukhang bagong gising.. dapat maganda ako! matapos magpaka-vain sa sarili, kinuha ko ung kumot at unan ko sabay punta sa harap ng computer.. malamig ang panahon ngayon kaya naisipan kong magdala ng kumot.. pagupo sa harap ng computer, nag-ayos ulit ng sarili bago nag-login sa Yahoo Messenger.. 11:30pm pa ang usapan namin.. 11pm pa lang, may konting oras pa ko para magmuta..

11:30pm dito, 12:30 naman ng tanghali sa kanila.. halos isang araw ang pagitan ng mga oras pero pipilitin pa ring magtagpo.. bakit nga ba ako gumising ng sobrang late? at bakit ako nag-aayos eh magco-computer lang naman? may date kasi ako.. may date kami ng pare ko..

naka-login na ako sa YM, naka-invisible mode pa nga para sya lang ang makausap.. pero syempre, kapag may nakikita akong kakilala, kinakausap ko naman.. tinanong nila ako kung bakit gising pa daw ako eh gabi na, sabi ko may date ako.. natawa lang ang kausap ko.. 11:30pm (Central Time) at 12:30pm (Philippines Time).. infairness, hindi sya late.. online na kami pareho.. syempre, kumustahan.. ininvite na nya ako mag-view ng webcam nya.. tapos eh ako naman.. nakita ko na naman sya.. nakita na naman namin ang isa’t-isa.. tinawagan na nya ako.. pareho kaming may headset, na parang nasa call center.. nag-ring ang aking computer.. sinagot ko, may narinig akong pamilyar na boses.. ung boses na lagi kong namimiss.. boses ng mahal ko.. lumabas ang ngiti sa aming mga labi.. officially, start na ng aming date..

ibang klaseng date ito.. walang patid na kwentuhan.. kahit na naka-pajama lang ako, syempre, kailangan presentable pa rin.. kulitan, asaran, tinginan.. parang nagliligawan.. nakakatuwa dahil kahit na malayo kami sa isa’t-isa ramdam na ramdam naman namin ang presence ng bawat isa.. parang magkasama talaga kami.. lang masyadong gastos ang date namin.. walang kainan at walang gastos sa pamasahe.. wala man kaming ibang mapuntahang lugar, ok lang, masaya pa rin naman.. sa gitna ng aming paguusap, bigla na lang syang titigil sa pagsasalita, magtataka ako kung bakit.. un pala eh nakatingin lang sya sa cam.. hay naku, kung pwede ko lang syang hugutin mula sa webcam ginawa ko na.. kulitan at asaran ulit.. nakikita ko sya, naririnig ang boses.. kulang na lang eh mahawakan.. pero ok na rin to sa ngayon.. magkikita pa rin naman kami balang-araw….

4 na oras tumagal ang date namin.. kailangan ko na kasing umalis dahil 4am na.. medyo antok na ako.. kailangan na rin nyang magpaalam dahil maglalaba pa sya.. hehehe… may part sa akin na ayaw umalis, kung pwede lang na lagi ko syang makausap.. laging makita.. sabi lang ni pare, next week daw ulit.. hanap kami ulit ng oras para mag-date… sabi ko, ok un.. sige date ulit kami… mahirap magpaalam pero kailangan.. basta next week ulit.. ^_^ unang naputol ang paguusap, di ko na naririnig ang boses nya.. pero nagty-type pa rin kami.. nakikita ko pa rin sya… matapos magpaalam, nagstop na rin ang webcam.. la na si pare.. nagmessage ulit sya.. ‘iloveyou’ ….iloveyoutoo…..

naging masaya ang date namin.. ang daming kwento at kulitan.. ganon pa rin.. lang pinagbago.. excited na kaming pareho sa muli naming pagkikita.. mas madaming kwentuhan un pagnagkataon.. mas masaya.. bago ako tuluyang mag-out, chineck ko ung blog ko.. nagiwan sya ng tag sa shoutbox ko…. hehehehe..

worth it ang paggising ng madaling-araw.. worth it ang pangangawit ng batok, tenga at leeg.. worth it lahat dahil nakausap ko naman sya…

next week ulit…

next week… ^_^

its a date!

nang magtampo ang aking blog

No Comments » October 19, 2006 » 1249 days ago
blog update

karmi,

o ano, musta ka naman? feeling ko pinapabayaan mo na ko.. ano ba pinagkakaabalahan mo? nakita kita kanina may kausap ka sa telepono, tuwang-tuwa ka, siguro kausap mo si pare no? 2 oras din kayong magkausap.. nakakainggit.. buti pa kayo may quality time for each other.. pano naman ako? kelan ka kaya magkakaoras sa akin? uli…

busy ka ba talaga o tinatamad lang? dati-rati sobrang sipag mong magsulat.. dati-rati ang dami mong naiisip na ideya.. pero bakit ngayon kung magsulat ka maiksi na lang ang kwento mo at feeling ko wala ka nang gana.. pagod ka nga siguro pagkagaling mo ng trabaho kaya di mo na ako hinahanap-hanap.. di kita masisisi, mahirap talaga ang panggabi, pero sana magkaoras ka naman para sa akin.. kapag day off mo, di mo na ko pinapansin masyado.. nanonood ka na lang ng TV dahil sa Pinoy Dream Academy na yan.. aba! paganahin mo naman ang utak mo.. di mo ba nami-miss ang pagsusulat? di mo ba namimiss ang mga kwento ng ibang tulad mo? di mo ba ako namimiss? ako kasi miss na kita.. binihisan mo nga ako pero un lang.. hindi na nadagdagan ang laman ko.. marami na ring dumadalaw dito sa akin pero wala ka parati.. nakakapagtampo tuloy.. hindi na masyadong nakakaengganyong bumisita..

pabigat na ba ako? hindi mo na ba ako kailangan? titigil ka na ba? wag naman sana.. kilala na kita.. ilang linggo ka lang ganyan tapos hahanap-hanapin mo na naman ako.. wag mong isiping isang obligasyon ang pagsusulat at pagbo-blog dahil nakakatulong din ako sayo.. lumalabas nga ang ‘hidden talent’ mo eh.. naks! nailalabas mo ang iyong nararamdaman kaya nakakapagisip ka ng maayos.. o…. wag mo akong bigyan ng ganyang mukha.. alam ko na busy ka.. ang hinihiling ko lang naman sayo eh konting oras.. wag mo naman akong pabayaan na lang..

pasensya ka na kung demanding ako ha.. sobrang miss na kasi kita.. wag mong idahilan na mula nung naging bawal nang mag-internet sa trabaho mo eh, la ka na ring gana.. nasa dugo mo na ang pagsusulat karmi, wag mong sayangin.. alam kong magbabago pa ang isip mo.. alam kong babalik ka rin sa dati.. magalig ka sa time management diba?

basta, andito lang ako.. isang click mo lang, buhay na naman ako.. iintayin ko ang pagbabalik mo…

naghihintay,
-ang iyong blog

huwag kang bibitiw bigla

No Comments » October 17, 2006 » 1251 days ago
Uncategorized

May mga taong hindi kayang bumitiw sa mga alaala ng nakalipas dahil tanging ang mga alaala lang ng tao ang hindi nagbabago, bukod pa dun ay wala nang iba, nabasa ko minsan sa blogspot ni textmates. Pero hindi ako sigurado kung yun nga yung nakalagay dun o yan lang yung pagkakaintindi ko.

Maganda siguro kung ang mga alaalang ito ay yung masarap balik-balikan.

Umiiyak ka nun, pagkakatanda ko. napatitig ako sa malungkot mong mukhang nabahiran ng luha. Nung una’y nakangiti ka pa, ngunit siguro ay para lang subukang pigilin ang nangingilid na mga mata. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko naman maitanong kung anong problema dahil alam ko na, at baka lalo ka lang malungkot. Hindi mo kailangang magpaliwanag.

Sana ay masabi ko sa iyo na nandito lang ako’t sasamahan kita ngunit nanatiling tikom ang bibig ko. Hindi ko kayang makita kang umiiyak, nahihirapan ako. Hindi ako makapagsalita.

Naisip mong wala akong kwenta, nandun nga, ngunit wala man lang nagawa upang maibsan ang iyong nadaramang kalungkutan. Pero siguro’y nakalimutan mo ang nangyari. Pero hindi ako.

Wala akong nagawa sa oras na kinailangan mo ako.

Tripol e

No Comments » October 11, 2006 » 1257 days ago
Uncategorized

“Ano yan? tripol e?”
“Unfortunately yes, hindi ako na-exempt e.”

Nakita nya ko, eto, nakaupo sa may koridor ng ikalawang palapag ng aming building, sa may tapat ng department, habang nagbabasa tungkol sa mga pagkokompute ng kuryenteng dumadaloy sa mga kabit-kabit na kable.

Sa humigit-kumulang na limampung estudyante, mga walo lang kaming hindi pinalad na naisalba ng iskor namin sa mga nakaraang exam, sabi ng teacher ko, “these students need to take the finals in order to pass the lecture class”.

bagsak ang standing ko.

“goodluck”
“oo nga, sana makapasa ko”

kahapon pa lugmok ang mukha ko dahil kailangan kong makakuha ng higit sa walumpung porsyento ng exam na tama kundi ay uulitin ko ang subject na ito, pero dahil sa nakausap ko siya, ngumiti ako kahit sa konting sandali lamang at bahagya akong nabahiran ng saya.

iniisip ko na sana ay masabi ko ito sa kanya.

“patabi ha”
“sige… ”

Nakakahiya, pero wala naman akong magagawa, hindi ako nag-aaral, o late ako kung mag-aral, kung kelan agaw-buhay na ang grades ko, kung kelan naghihingalo na, kung kelan 50-50 na ang pag-asa kong pumasa. Hindi tumatak sa isip ko na ang pag-iwas ang pinakamabisang gamot sa isang karamdaman.

Yun nga lang, hindi pa huli pero nag-sisisi na ko.

“….”
“… …”

Ang ganda niya talaga. kahit alam kong hindi ako dapat huminto sa kakaaral ay hindi ko mapigilang matigilan at mapatitig sa kanya, sa kanyang mukha. Sana ay dito na lang muna siya habang nag-aaral ako para naman hindi lamunin ng pagkatuliro ang isipan ko. Masaya kong katabi ko siya kahit hindi naman niya alam.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.