Tripol e

Posted almost 6 years ago Uncategorized

“Ano yan? tripol e?”
“Unfortunately yes, hindi ako na-exempt e.”

Nakita nya ko, eto, nakaupo sa may koridor ng ikalawang palapag ng aming building, sa may tapat ng department, habang nagbabasa tungkol sa mga pagkokompute ng kuryenteng dumadaloy sa mga kabit-kabit na kable.

Sa humigit-kumulang na limampung estudyante, mga walo lang kaming hindi pinalad na naisalba ng iskor namin sa mga nakaraang exam, sabi ng teacher ko, “these students need to take the finals in order to pass the lecture class”.

bagsak ang standing ko.

“goodluck”
“oo nga, sana makapasa ko”

kahapon pa lugmok ang mukha ko dahil kailangan kong makakuha ng higit sa walumpung porsyento ng exam na tama kundi ay uulitin ko ang subject na ito, pero dahil sa nakausap ko siya, ngumiti ako kahit sa konting sandali lamang at bahagya akong nabahiran ng saya.

iniisip ko na sana ay masabi ko ito sa kanya.

“patabi ha”
“sige… ”

Nakakahiya, pero wala naman akong magagawa, hindi ako nag-aaral, o late ako kung mag-aral, kung kelan agaw-buhay na ang grades ko, kung kelan naghihingalo na, kung kelan 50-50 na ang pag-asa kong pumasa. Hindi tumatak sa isip ko na ang pag-iwas ang pinakamabisang gamot sa isang karamdaman.

Yun nga lang, hindi pa huli pero nag-sisisi na ko.

“….”
“… …”

Ang ganda niya talaga. kahit alam kong hindi ako dapat huminto sa kakaaral ay hindi ko mapigilang matigilan at mapatitig sa kanya, sa kanyang mukha. Sana ay dito na lang muna siya habang nag-aaral ako para naman hindi lamunin ng pagkatuliro ang isipan ko. Masaya kong katabi ko siya kahit hindi naman niya alam.

bulong sa hangin

Posted almost 6 years ago emo daw, inlove, ldr

Mahal na hangin,

medyo malamig na naman ang hangin dito sa Texas.. malapit na kasi magpasko.. pero teka, birthday ko pala muna.. hehehe.. birthday ko na naman.. di ko pa rin kasama pare ko..

hay… lalo ko tuloy na-miss pare ko..

ano kaya ginagawa nya ngayon no? malamang nasa trabaho sya.. iniisip nya kaya ako? siguro naman.. miss na miss ko na kasi sya eh.. ilang araw ko na rin kasi siyang hindi nakakausap.. naging busy kasi ako.. kanina, nabasa ko ung email nya.. sobrang saya ko! habang binabasa ko ung email, naririnig ko ung boses nya, nakikita ko sya habang ikinukwento ung nakasulat sa email.. ang galing, parang nandyan lang sya..
alam mo po hangin, mahal na mahal ko sya.. kahit na di ko sya nakikita, kahit bihirang mage-mail, bihirang makausap.. dahil na rin po siguro nandito na sya sa puso ko.. pero syempre po, di ko pa rin mapigilan ang hindi mag-alala.. kung OK lang ba sya? kung nakakatulog ba sya ng maayos.. tulad na lang po nung nakaraang bagyo.. buti na lang OK pala sila.. OK sya.. pumasok pa nga sya ng trabaho at nakagala.. hehehe.. pare ko talaga..

mahal kong hangin, pewede po bang humingi ng pabor?

pwede po bang bantayan nyo pare ko.. ingatan nyo po sya ha.. habang wala ako sa tabi nya.. sa 2008 pa po kasi kami magkikita ulit..

paki-halik na lang po ako.. pakiyakap.. paki-paramdam ang aking pagmamahal at alaga kahit malayo kami sa isa’t-isa..

salamat po hangin..

ay last na favor po..

pakibulong po na….

‘mahal na mahal ko sya.. at nandito lang ako naghihintay sa kanya….’

– karmi

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.