Asl pls?

No Comments » November 9, 2006 » 1229 days ago
blabbers

1 week na tong sakit ko.. dalawang araw na rin akong uma-absent sa trabaho.. ang sabi sa akin magpahinga.. pero heto ako ngayon, naka-online at nagdownload pa ng mIRC.. makulit! sobrang kulit ko nga.. pero ayoko namang matulog na naman dahil lalong sumasakit ang ulo ko.. lalo ko lang nararamdaman ang pagkakaroon ko ng sakit.. kaya rin siguro ako nag-download ng mIRC, para may makausap.. para makalimutan ko na may sakit ako…

pagka-download na pagka-download ng IRC sa aking PC, sinubukan ko na ito agad.. bumungad sa akin ang screen na kabisadong-kabisado ko pa rin kahit na 3 taon na akong di nagcha-chat.. nag-isip ng magandang nick.. dapat eh ung madaming makakapansin.. pero la akong maisip kaya, _karmi_ na lang ang naisip kong ilagay.. pumili ng server.. ang default eh Undernet, ayoko nun, gusto ko DALnet.. bakit? dahil dun ako nasanay na server.. sa aking chatting experience, mas marami akong matinong nakakausap sa DaLnet.. matapos umisip ng nick at piliin ang server na gusto, kinlick ko na ung Connet button.. ang bilis ng connection.. connected na ako agad sa server.. wow! di tulad noong nagaaral pa lang ako, ang bagal ng connection sa mga rentals sa may PUP.. kakaaliw ito!

nasa loob na ako ng server, pasok naman ako sa chatrooms/channels.. iniisip ko ulit kung san-san ba akong channels sumasali noon.. #ateneo, #ust, #manila, #qc, #dlsu.. tinry ko rin ang #pup_online, kung san moderator ako.. kaso walang tao.. panay eskwelahan ang pinipili kong channel noon para kapag may EB (eye ball) eh malapit lang.. tinype ko ang /join (name of room).. hanggang ngayon eh alam ko pa rin ang pasikot-sikot ng IRC.. ngayong nasa loob na ako ng room, oras na para mapansin.. wala pa akong ilang minuto sa IRC eh may nag-PM na sa akin.. di ko na lang ilalagay ung nick nya at baka mapadpad pa sya sa blog ko.. nagtanungan ng asl, ung mga basic info na kailangang malaman kung nakikipag-chat ka.. syempre, nung tinanong ang location ko, malamang sinabi ko na wala ako sa pinas.. ok naman ung paguusap namin.. madami agad kwento.. parang close na kami.. di lang isa ang nakausap ko, may 5 pa atang nag-PM sa akin, kaso nung nalaman nila na wala ako sa pinas, bigla na lang silang nawala.. malamang dahil di naman nila ako makaka-EB kaya ganon.. nawala na rin ung kausap ko kaya dinisconnect ko na ung IRC ko..

ultimate chatter ako dati.. ang daming nakaka-EB, ang daming nami-mit.. nakagawa na nga ako ng entry tungkol dito eh, kinuwento ko na dati kung gaano ako ka-addict sa pagcha-chat.. may nanligaw pa nga sa aking ka-chatmate, pero la ring nangyari.. nanligaw din nga pala sya sa barkada ko.. buhay ko dati ang chatting.. ang ngayon, sinubukan ko ulit balikan ang buhay ko na un.. kung ganon pa rin ba ang feeling.. kung malululong ba ako ulit.. chatter ako dati.. dati na pala un.. masaya sa umpisa pero nagsawa na rin ako.. kaya naman i-uninstall ko na ung mIRC sa PC ko.. di na ako tulad ng dati..

ang pagiging certified chatter ko eh parte na ng aking nakaraan pero paminsan-minsan eh nagnanais na lumabas.. inuninstall ko nga ngayon ang mIRC pero madali namang i-install ulit.. :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.