Sali ka

Add comments November 22, 2006 » 956 days ago
Uncategorized

Mga mata nati’y nakikipagmoro-moro,
nakikiramdam, lumalapit, naglalaro
at sabay tatalikwas sa iilang sandali
bago pa man ang mga titig nati’y magtagpo.

mahirap tayain ang mga paglingon mo,
habang nag-iingat akong mahuli
ang mga pagtitig ko sa iyo.

Hinahanap kita kahit hindi nagtatago,
At makita ma’y hindi pong ang sasabihin ko
kundi mga katagang sana nga’y naririnig mo.

hinahabol kitang kahit hindi ka tumatakbo,
inaabot ang kamay mong hindi umiiwas
hinuhuli ko ang kilos mo,
hinuhulaan ang sunod na galaw mo,

at sana ay hindi lang ako
nag-iisa sa larong ito.

Mga Kahalintulad na Posts



Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.