sana malaman mo

No Comments » November 25, 2006 » 1203 days ago
Uncategorized

pagsalita mo’y pumuputol sa mga sinasabi ko
pagkita sa yo’y nagpapatigil sa utak sa pagtakbo
puso ko’y humihina sa pagtibok nito
sa tuwing nakikita kita, ulirat ko’y naglalaho.

hininga ko’y nasasakal, loob ko’y di mapalagay
ang sarili ko’y unti-unting namamatay
pagkat sa aki’y ikaw ang siyang nabubuhay.

Paano ko naman maipapakita na may gusto ako sa iyo kung minsan lang sa isang linggo kita makita? At ang minsan pa na yu’y hindi pa kita nakakausap. Sana masabi ko sa iyo, na ikaw ang gusto kong mahalin.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.