baka lang naman

Posted 5 years ago Uncategorized

Nanaginip ako kagabi
Horror, maraming multo.
Pero sana, mapanaginipan ko ulit ito.

dahil kasama kita sa panaginip ko.

Nagkaroon ulit ako ng dahilan para kantahin ito

baka naman
stonefree

di magawang alisin ang aking mata
sa anghel na nakikita
iniibig na ba kita, o ewan ko ba

di magawang magtanong ng aking bibig
irog na dalaga sino ka nga ba talaga?

chorus:
kasi, kasi, kasi
baka naman may minamahal ka nang iba
iba naman ang iyong tinitignan
sige, sige, baka magsisi

umiiwas sa yong mga tingin
tuwing ika’y tumitingin
tuwing ika’y tumitingin din sa ‘kin

nalilito, gustong ilabas
gusto rin namang magtago na lang
ngunit baka naman iyong pagtawanan lamang

(repeat chorus)
baka naman…

baka naman may boyfriend ka na
baka naman may mahal kang iba
baka naman duling ka lang
baka lang naman

baka naman may minamahal ka nang iba
iba naman ang iyong tinitignan
baka may minamahal ka nang iba
iba naman ang iyong tinitignan

sige, sige, baka ako’y magsisi

sa pangalan ko lang siya kilala, minsan ko lang siya nakausap at hindi ko na kaya na hanggang dito na lang

sana malaman mo

Posted 5 years ago Uncategorized

pagsalita mo’y pumuputol sa mga sinasabi ko
pagkita sa yo’y nagpapatigil sa utak sa pagtakbo
puso ko’y humihina sa pagtibok nito
sa tuwing nakikita kita, ulirat ko’y naglalaho.

hininga ko’y nasasakal, loob ko’y di mapalagay
ang sarili ko’y unti-unting namamatay
pagkat sa aki’y ikaw ang siyang nabubuhay.

Paano ko naman maipapakita na may gusto ako sa iyo kung minsan lang sa isang linggo kita makita? At ang minsan pa na yu’y hindi pa kita nakakausap. Sana masabi ko sa iyo, na ikaw ang gusto kong mahalin.

i imagine you

Posted 5 years ago Uncategorized

i imagine you

at a rural bus stop
wearing your usual jeans
and some faded striped blouse
with a large handkerchief around your neck
and your next to dusty hands
holding a botle of water.

i imagine you

carrying a backpack
wearing a pair of sandals
the sun shining on your face
and your hair, struggling with the wind

i imagine you
best of all, with me.

NOTE:
pangit pero nai-imagine talaga kitang kasama ko sa isang out-of-town adventure, probably a mountain trek. Us waiting in a bus stop with all the dust and heat, with you looking great with the outdoor look.

Sali ka

Posted 5 years ago Uncategorized

Mga mata nati’y nakikipagmoro-moro,
nakikiramdam, lumalapit, naglalaro
at sabay tatalikwas sa iilang sandali
bago pa man ang mga titig nati’y magtagpo.

mahirap tayain ang mga paglingon mo,
habang nag-iingat akong mahuli
ang mga pagtitig ko sa iyo.

Hinahanap kita kahit hindi nagtatago,
At makita ma’y hindi pong ang sasabihin ko
kundi mga katagang sana nga’y naririnig mo.

hinahabol kitang kahit hindi ka tumatakbo,
inaabot ang kamay mong hindi umiiwas
hinuhuli ko ang kilos mo,
hinuhulaan ang sunod na galaw mo,

at sana ay hindi lang ako
nag-iisa sa larong ito.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.