Ma’am, may we go out?

2 Comments » December 28, 2006 » 1178 days ago
Uncategorized

sa konting sulyap
’sing tagal nang ’sang saglit
sa konting panahong
makita kang pilit

sa gilid ng matang
dumako sa ‘yong labi
ninais kong mahaplos
ang matamis mong ngiti

humarang ka sa hangin
na sa akin ang pag-ihip
nang madala nito
ang taglay mong samyo

tumapat ka sa liwanag ng araw
nang kahit man lang
anino mo’y lumapat
sa kamay ko’y aking masapo

There she goes

1 Comment » December 26, 2006 » 1180 days ago
Uncategorized

There she goes again. She runs as fast as she does on my brain, flinging her long, next-to-black hair that never fails to catch my eyes. She mesmerizes me with every step, every turn, everytime. I await endlessly to chance upon her beautiful smile, which she casts with every conversation. How I wish I could the one to make her smile, smile so happily that her eyes would turn crescent?

The closer she gets to me, the faster my heart beats for her.

Aking panaginip

No Comments » December 24, 2006 » 1182 days ago
Uncategorized

Nabasa ko dati na ang panaginip daw ng isang tao ay sumasalamin sa kanyang mga hidden desires at mga ideyang palutang-lutang sa kanilang subconscious state of mind na sumusurface habang nakaidlip sa tinatawag na REM sleep ( Rapid Eye Movement Sleep ). Hinde, huwag kang masyadong maniwala dahil hindi rin ako sigurado sa mga kababanggit ko lang na medical terms.

Sa isang panaginip, kahit ano pwedeng mangyari. Pwedeng magbago ang mundo, maari kang lumipad, maaring masunog ang bahay mo pero paggising mo e ayos naman. Pwedeng kang maging parang superhero na nakikipaglaban sa mga masasamang elemento. Magkaroon ng limpak-limpak na pera, mansyon na sobrang laki, girlfriend na sobrang ganda o chicks na sobrang dami. Pwede kang magkaroon ng magarang kotse, sarili mong swimming pool at kung ano-ano pang mga hindi naman tunay sa totoong buhay. Pero kung kahit ano pwedeng mangyari sa isang panaginip, bakit nung nanaginip ako kagabi,

ay hindi ka pa rin naging akin. Kahit sa panaginip lang?

Karinderia

No Comments » December 23, 2006 » 1183 days ago
Uncategorized

isa’t kalahating kanin nga

Halos hindi ako makapili dahil karamihan sa mga nakadisplay sa salamin na estante nitong karinderiang suki nang karamihan sa mga nagtitinda at bumibili dito sa palengke ay gusto ko. Gusto ko ang anghang at kaibang lasa ng gata sa bicol express, ang tamis ng chicken hamonado, ang asim ng sinigang na bangus pero walang tatalo sa walang kapantay nilang kare-kare. Ito ang kanilang ispeysyalti kumbaga. kapag byernes at pinagtitinda ako ay ito kaagad ang unang pumapasok sa aking isipan dahil ang kare-kare nila, kahit walang bagoong ay masarap pa rin.

May kare-kare pa ba?

Sa sobrang patok ng ulam na ito ay lagi silang kinakapos, kahit na ang balita ko’y lagi nilang dinaragdagan ang luto. Nakatingin pa rin ako sa iba pang ulam na hindi ko inorder, parang nilalasap ang sarap nila kahit hindi ko makakain. At bigla na lang ay napabaling ang aking tingin sa babae sa likod ng salamin na estante. At naalala ko ang pangalawang bagay na pumapasok sa isip ko kapag alam kong magtitinda ako sa lugar na ito. At ang bagay na yun ay siya, makikita ko siya.

Meron, yun lang ba?

May nakatakas na konting ngiti sa aking mga labi kahit na pinilit kong itago ang sayang bigla kong naramdaman nang bumungad sa akin ang kanyang mukha. Ngunit sana ay hindi niya napansin ang aking mga mata, dahil alam kong hindi kayang magsinungaling ng mga mata ng tao sa pagpapakita ng kanyang nararamdaman. Natutuwa ako sa tuwing nakikita ko siya.

E pangalan mo? baka pwedeng malaman

Hinde, hindi lumabas sa bibig ko ang mga salitang yan kahit na matagal ko nang ninanais maitanong sa kanya ito. Ano kaya ang pangalan niya? Kinuha ko na lang ang iniabot niyang mangkok at naupo sa isang bakanteng mesa. Hindi ko siya magawang titigan dahil masyadong halata at paniguradong walang siyang ideya kung sino ako, kaya baka matakot lang siya sa akin. Baka mamya e isumbong pa niya ako sa kanyang tatay.

Tawagin mo nga yun ate mo

Narinig kong iniutos ng tatay niya sa isang batang paslit na siguro ay kanyang nakababatang kapatid. Natahimik ako, itinigil ang pagsubo ng pagkain, hindi man lang ako huminga kahit konti habang hinihintay ang sasabihin nung bata dahil baka banggitin niya ang pangalan niya. Pero sa laking dismaya ko, ( na dapat ay naisip ko na dahil ito rin ang ginagamit ko ), ang narinig kong sinabi niya ay,

Ate.. tawag ka

Kung bakit kasi masyadong magalang ang mga pilipino kaya may espesyal at sari-sariling tawag pa sa mga kamiyembro ng pamilya. Sana pangalan na lang niya ang sinasabi, sana yung tatay na lang ang tumawag sa kanya dahil malamang ay pangalan niya ang gamitin. Kaya binagalan ko ang aking pagkain nang sadya dahil baka nga naman makatiyempo ako.

At sa wakas ay lumabas ang tatay niya sa kusina, papunta sa kanya. At habang papalapit ay napansin kong akmang siyang may sasabihin, at pinakinggan kong mabuti dahil baka eto na ang pinakahihintay kong sandali, malalaman ko na ang kanyang pangalan. At nagsalita nga ang kanyang tatay..

Anak.. puntahan mo nga yung nanay mo dun…

Haay..

My Dunkin Lady

1 Comment » December 23, 2006 » 1183 days ago
Uncategorized

Sumama ulit ako sa tiangge kanina. Ang totoo, kapag walang pasok sa eskwelahan, lalo na ‘pag bakasyon tuwing summer, sembreak at pasko, malamang ay may pasok naman ako sa pagtitinda sa tiangge, sa palengke. ayus di ba? Pero teka, sinusulat ko ito ngayon dahil nakita ko si dunkin lady kanina, ang dunkin lady ko. Kung gusto mo malaman kung sino siya, basahin mo ang dalawang tula ko para sa iisang dunkin lady: 1 2.

Pero kanina ay hindi siya ang dunkin lady na nakilala ko. Wala siya sa maroon na unisex na uniporme, hindi naka-visor headgear at hindi rin naka-hairnet. Hindi naka-light make-up at konting lipstick. Hindi siya yung nakaupo sa likod ng salamin na estante na puno ng donuts, na nagpapaypay ng kardbord na hiningi pa sa amin habang nag-aantay ng mga bibili ng matamis na donuts na kadalasan ay mga batang maliliit na nangungulit sa kanilang mga magulang.

Hindi siya ang dunkin lady na nakilala ko dahil kanina ay hindi siya nagtitinda ng dunkin donuts.

Namamalengke lang ata, siguro para sa mga inaanak o baka nga mga anak niya. Hindi naman siya namansin o kahit konting ngiti man lang. Ni hindi nga halatang minsang nahanay rin siya sa hilera ng mga nagtitinda dito sa may palengke. Hindi rin ata siya napansin nung mga pampangenyong nagmamantel na kadalasang kabiruan niya dati.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.