Selos

Posted 5 years ago Uncategorized

nagseselos ako sa ngiti mong hindi ako ang lumikha
kundi ang mga biro niyang hindi ko kayang bitawan.
tahimik akong nakikinig sa iyong tawang nakawiwili
kahit hindi dapat, selos ko’y hindi ko napigilan.

ang kaya ko lang naman ipakita’t ipadama sa iyo
ay kung sino talaga at ano talaga ang totoo
na hindi ako katulad niyang halata namang kinagigiliwan mo.

natatakot akong tuluyang mahulog ang loob mo sa kaniya
lalo pa’t sa iyo’y siya’y may gusto talaga
at ano naman ang magagawa ko pa
kung tinatawag mo siya sa pangalan niya
at sa akin, ang ginagamit mo lang ay ‘kuya’?

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.