Selos

Add comments December 11, 2006 » 1189 days ago
Uncategorized

nagseselos ako sa ngiti mong hindi ako ang lumikha
kundi ang mga biro niyang hindi ko kayang bitawan.
tahimik akong nakikinig sa iyong tawang nakawiwili
kahit hindi dapat, selos ko’y hindi ko napigilan.

ang kaya ko lang naman ipakita’t ipadama sa iyo
ay kung sino talaga at ano talaga ang totoo
na hindi ako katulad niyang halata namang kinagigiliwan mo.

natatakot akong tuluyang mahulog ang loob mo sa kaniya
lalo pa’t sa iyo’y siya’y may gusto talaga
at ano naman ang magagawa ko pa
kung tinatawag mo siya sa pangalan niya
at sa akin, ang ginagamit mo lang ay ‘kuya’?

Mga Kahalintulad na Posts



4 Responses to “ Selos ”

  • komski kuno says:

    paalala nga lang pala sa lahat ng mga nakakabasa ng mga pinopost ko dito sa blog. huwag sana kayong masyoadonh maniwala dahil hindi lahat dito ay totoo. medyo mas marami nga ang kathang-isip lang. kapag bigla mong naitanong na “sino kaya yun?” sa isip mo habang nagbabasa, ang sagot ay wala, madalas.

    pero hindi ko naman sinasabi ng lahat e gawa-gawa ko lang. meron din diyang totoo, kung gusto mong malaman,m tanungin mo na lang siguro ako=) salamat!

  • tina says:

    napaka makata. nice poem. :)

  • karmi says:

    inspired gumawa ng tula kuya ko ah!!! :)

    galing.. *hands down* pa rin ako sayo…

  • super xienah says:

    come on!
    ganado si *kuya*
    seloso ka pala.
    :)
    so sino ba talaga yan?
    yiki. <3

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.