“salamat”
Yun ang isa sa mga pinaka ayokong marinig mula sa iyo. Sana huwag mo naman akong pasalamatan. Dahil para sa akin, ang sinasabihan lang ng salamat ay yung hindi mo kakilala o kung kakilala ma’y hindi naman ganun kalapit sa iyo. Sinasabi rin ang ’salamat’ kapag may ginawa ang isang tao na maganda ngunit hindi mo naman inaasahan o inakala na gagawin niya yun.
At ang pagsasabi ng salamat ay isa pang paraan para magpaalam. kaya sana ay hindi ko marinig ang katagang ’salamat’ na sinasabi mo sa akin at sa aking mga ginagawa.
Ang iyong ngiti ay higit na sa inaasam ko.


![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)







