Isang love story

Posted 5 years ago Uncategorized

i caught a glimpse of your eyes as they turn away from looking. in turn, i was the one caught by your cheeks and hair flowing like the black night pierced by moonlight as it slowly covers it whole as you turn away from me.

i tried to freeze the image of your face on my mind but like a dream it vanished as i woke up to see that you are gone. Swift like a forest nymph, you disappeared amidst the forest of innocent lives who unknowingly let an angel pass without notice.

Fast as i catch up to you, the faster you slip away from me.

nakita ko ang mga mata mong tumalikwas sa pagtingin sa akin. at mula sa mata’y natuon ako sa pisngi mo’t malagong buhok na parang ang madilim na gabing bumabalot sa maliwanag na buwan. Mga mata mo’y bituin na hindi kayang saklawan ng haring araw, pagkat ang ningning nito’y ang kapares lamang ay ang iyong ngiti sa kagandahan.

nanatili akong nakatayo’t nakatitig sa iyong kariktan, dahil sa puntong ito’y ako’y binihag mo na at ngayo’y ako’y napapasunod sa bawat galaw, bawat kilos at bawat gawin ng iyong mayuming katawan.

makaligtaan ma’y hindi ko malilimutang tignan ka sa iyong ginagawa at nagbabakasakaling ako’y muli mong di sadyang mapagbalingan ng tingin.

Mahal kita

Posted 5 years ago Uncategorized

wala na kong sasabihin pang iba
dahil hindi na rin naman mahalaga
ang aking nadarama

pero kahit na,
minamahal pa rin kita

wala na rin akong maisip pa
wala na akong ibang magagawa
pag-ibig ko’y walang mapapala

pero hindi ko rin naman maikakailala
damdamin ko’y hindi mawawala

mahal na mahal kita
ikaw ang tanging sinisita
ikaw ang araw sa umaga
ang hanging aking hinihinga

ang buhay ko pati kaluluwa
ay mapupunta sa wala
kung hindi rin lang ikaw
ang paglalaanan

mahal na mahal kita.

Selos

Posted 5 years ago Uncategorized

nagseselos ako sa ngiti mong hindi ako ang lumikha
kundi ang mga biro niyang hindi ko kayang bitawan.
tahimik akong nakikinig sa iyong tawang nakawiwili
kahit hindi dapat, selos ko’y hindi ko napigilan.

ang kaya ko lang naman ipakita’t ipadama sa iyo
ay kung sino talaga at ano talaga ang totoo
na hindi ako katulad niyang halata namang kinagigiliwan mo.

natatakot akong tuluyang mahulog ang loob mo sa kaniya
lalo pa’t sa iyo’y siya’y may gusto talaga
at ano naman ang magagawa ko pa
kung tinatawag mo siya sa pangalan niya
at sa akin, ang ginagamit mo lang ay ‘kuya’?

parte-ka-pa-rin-ng-aking-mga-tula

parte ka pa rin ng aking mga tula

Posted 5 years ago emo daw, heart-to-heart, writings

matagal ko ring niloko ang sarili ko. lumikha ako ng isang malaking birong hindi ko kayang aminin. naniwala ako sa huwad na mundong nilikha ng paghahangad ko sa iyo. nanatili ako sa kahapong, sa aki’y, hindi pa rin naglalaho.

gumuho ang lahat ng ito kahapon. nasira ang mundong pilit kong pinaniniwalaan, lahat ng aking inaasahan. ang mga pinapangarap ko’y naglaho bigla sa iilang salitang iyong binanggit, na ang naging kapalit ay ang aking kinabukasan.

naaalala mo ba, siya yung tinutukoy ko

oo, naaalala ko, pagka’t lahat nama’y naaalala ko. at ito ang pumipigil sa aking umusad, umahon, kumawala sa pagkakagapos sa pag-ibig ko sa iyong walang patutunguhan. hindi ko magawang ikaw ay kalimutan.

sa bawat makita’y ikaw ang aking hinahanap. katangian mo ang siyang basehan sa lahat ng makilala. ikaw pa rin ang aking nakikita sa bawat mukhang aking tinititigan, boses mo ang aking naririnig kahit sa katahimikan.

hindi ko ineexpect, pero mahal ko siya

mahal mo siya, mahal mo siya, pero mahal na mahal kita. hindi mo panigurado alam na sinasaktan mo ako. bawat sinasabi mo’y tinik na bumabaon sa aking puso.

naaalala mo rin ba, dati tayo’y magkasama. sana malaman ko kung naramdaman mo na mahal kita. dahil kung hindi’y hambambuhay kong iisipin na hindi ako marunong magmahal pala.

ikaw, magkwento ka naman please

tingin mo ba’y makakapagsalita pa ako pagkatapos mong sabihin ang lahat ng ikinakatakot ko? di ba makailang ulit ko nang sinabi sa iyo ang nararamdaman nitong aking puso, na ikaw ang siyang nilalaman nito?

pinapatay mo ako nang dahan-dahan nang hindi man lang namamalayan. sinasaksak mo ng punyal ang nagdurugo ko nang puso. inubos mo kakaunting pag-asang bumubuhay sa akin. dahil ikaw ang dahilan ng paggising ko sa umaga, ang tanging kasama ko sa aking mga panaginip ngunit lahat nang ito’y naglaho na lang bigla

umiiyak ako ngayong hindi lumuluha, tumatangis akong nakangiti ang aking mukha. Magpapatuloy ang ikot ng mundo kong ngayo’y kumawala na sa kalawakan. nawalan ako ng direksyon at patutunguhan

May love life ka na ba?

hindi ka na ba talaga magiging akin?

Hanggang sa aking huling hininga’y uulit-ulitin ko pa rin ang pagsabi na mahal na mahal kita. hanggang sa huling letra’y ngalan mo pa rin ang aking isusulat.

Sana hindi ka lang isang parte ng aking mga tula.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.