Forward text

5 Comments » January 1, 2007 » 1172 days ago
Uncategorized

ipasa mo ang sa iyo’y naipasa na
sabihin sa akin ang sinabi ng iba
isend mo ulit matapos mong mabasa
iforward sa akin ang sa iyo’y pinadala

ang bawat salitang ninais mong aking makita,
ay para lang ba sa aking mga mata?
hindi ko napigilan na sa puso’y madala
ang damdaming nakahabi sa mga letra

mensahe ba’y sa iyo nanggaling talaga?
kasalanan bang sa pisong mensahe umasa?
mali ba na sa mga ito’y maniwala?
sinend mo ba ito para lang muling maipasa?

ako ba o ang text message ang mahalaga?

Isa pang pagkakataon

1 Comment » January 1, 2007 » 1173 days ago
Uncategorized

marahil ay sa konting panahon lang nagkulang
sa iilang sandaling hindi napaglaanan
kung oras lang sana’y hindi napagkaitan
isang masaya sanang kwento ang siyang nasimulan

natapos kaagad nang wala pang napupuntahan
kahit nakalatag na itong patutunguhan
kung nagtagal lang sana ang bawat saglit, kinalaunan
lumalim pa sana itong nararamdaman

hiling ngayo’y tadhana’y pagbigyan
muling magkrus itong nilalakaran
isa pa sanang pagkakataon na samahan
baka mas mahabang oras lang ang kinailangan

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.