1 year, 10 months ago by komski ipasa mo ang sa iyo’y naipasa na
sabihin sa akin ang sinabi ng iba
isend mo ulit matapos mong mabasa
iforward sa akin ang sa iyo’y pinadala
ang bawat salitang ninais mong aking makita,
ay para lang ba sa aking mga mata?
hindi ko napigilan na sa puso’y madala
ang damdaming nakahabi sa mga letra
mensahe ba’y sa iyo nanggaling talaga?
kasalanan bang sa pisong mensahe umasa?
mali ba na sa mga ito’y maniwala?
sinend mo ba ito para lang muling maipasa?
ako ba o ang text message ang mahalaga?
tol! dito na talaga ako tatambay! :) dalawin mo ko ha.. hehehe..
peace awt!
oist, pano ko makukuha ung script? gusto k rin nun.. :)
teka, pede ba palitan ung pic ko? hehehe.. ang laki ng mukha ko eh…
galing! ibalik mo kaya sa kanya? tingnan natin ano maging reaction nya.. kilig cguro! ha.ha. ha.
ah ok… :) basta sabihan mo ako kapag ok na ung code ha.. :)
di ka ba maglalagay ng shoutbox mo dito tol? hehehe.. pinupuno ko na ng comments tong entry mo! :)
princess hours na!! hehehe..