Araw-araw, maliban tuwing linggo, ay dalawang beses akong sumasakay ng bus, paluwas ng maynila sa umaga at pauwi naman ng probinsya sa hapon. Paminsan-minsan, nalalagay ako sa isang sitwasyon na hindi ako sigurado kung ano ba talaga ang nararapat kong gawin, isang dilemma kumbaga.
Sa bus ay may dalawang hilera ng mga upuan. Kung papasok ka galing sa pintuan sa unahan, yung nasa kaliwa ay pangdalawahan at yung nasa kanan ay pangtatlong tao. Pero alam naman ng lahat na hindi naman talaga pangtatluhan yun kundi ay pangdalawa’t kalahati lang na tao (kung meron mang ganun).
Nakaupo ako dun sa may pangtatluhan, meron akong katabi na isang lalake, ako sa may bandang pasilyo at siya sa may bandang bintana, merong paparating na babae na kasasakay pa lamang at aakmang tatabi sa amin. Eto ang bagay na hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin;
Pauupuin ko ba yung babae sa gitna naming dalawa? Makakaupo siya nang maayos at makakasandal pa dahil hindi ko naman siya gigitgitin. Susubukan kong hindi man lang dumikit ang beywang ko sa strap ng shoulder bag niya kahit sinturon ko na lang ang nakaupo, pero napapagitnaan siya ng dalawang lalake at alam kong may mga babae na hindi komportable sa ganung posisyon dahil hindi naman niya kami kakilala; o kaya ay,
Dun ako sa gitna at siya sa may dulo. Hindi siya napapagitnaan ng dalawang lalake, wala nga siyang katabi sa may kanan niya pero malaki ang tsansang hindi siya makakaupo nang deretso kahit na hindi ako nakasandal, este, sumasandal pala ako pero hindi ang aking likod kundi ang noo kong dinidikit ko sa sandalan ng upuan sa harapan, kahit na iniuusod ko ang pwet ko para bigyan ng espasyo ang balakang niya (na malamang na mas malapad kaysa sa aming mga lalake, pero wala naman akong gustong palabasin dahil sa sinabi kong ‘to) at kahit na gitgitin ko yung katabi pa naming isa sa may bandang bintana na minsan ay halatang mag-aalburoto na.
Naintindihan mo ba ang sitwasyon ko? Hindi ko talaga alam ang gagawin. Tatanungin ko pa ba yung babae?
Kapag matanda, dun ko pinapaupo sa gitna dahil pag dun sa pinakakanan ay baka mahulog pa siya kapag nagbiglang preno yung bus. Sa gitna rin kapag mukhang may asawa na o nasa bandang 30’s dahil wala naman ata silang pakialam sa sinabi ko sa nakaraang dalawang talata. Sa mga teenagers at mga nasa 20’s ako medyo nahihirapan umestima. Dahil hindi ko naman talaga alam ang gusto nila.
Kapag dun ako sa may gitna at siya sa dulo, baka isipin niya na ang damot ko naman sa upuan. Kung siya naman ang nasa gitna, naaalala ko minsan isang beses, napansin ko na parang ang mukha nung babae ay takot at mukhang pagsasamantalahan siya. Edi ang hirap naman nun.
Ano sa tingin mo? Kung ikaw yung babae, san mo ba gustong umupo?













huwaw, isang entry na hindi isang tula, hehe=)
hehehe.. sa wakas nga di na isang tula.. :) mahahawa na naman ako sau nyan eh..
tungkol naman sa dilemma mo, depende rin kasi.. pwedeng ikaw mismo ang tumayo para alam nyang sa gitna sya uupo, o kaya naman umusog ka na para sa gilid sya.. kung sa gilid naman sya uupo, kung ayaw mo na bigla syang mahulog, pwede naman na medyo umusog ka na kalahati na lang ng iyong butt ang nasa upuan.. para makaurong sya.. :) hehehe.. un.. :)
what a coincidence. mejo napapadalas ang sakay ko ng bus these past few weeks. pabalik-balik kasi ako sa crame..
uhm.. kung ako.. ok lang kahit saan di naman ako maarte. pero mas komportable nga siguro kung dun na lang sa malapit sa pasilyo. ala lang. ayoko din kasi maipit. hehe. lalo na kung mejo may edad ung katabi kong lalake.
at kung super liit na lang ung space mabuti pa tumayo ka na lang at magpaka-gentleman para wala na ganung dilemma. pogi points pa. hehe.
kung mejo mabait si girl [gaya ko ehemm] makikita mo magbibigay sha ng space para makaupo ka sa tabi nia [ibig sabihin ok lang na nasa gitna sha] problema mo na lang eh kung panu pagkakasyahin sarili mo hehe.
siguro nagkasabay na tayo sa bus?? hmm…
sa wakas at hindi na nga tula.
yan ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko sumakay ng bus.
:)
as much as possible kasi sa babae ako tumatabi pero mas madalas na nangyayari tumatabi sa akin ang mga lalake na mukhang goons. ang katumbas na lang nun ay sandamukal na dasal na sana walang mangyari sa aking masama
:)
pero sa kaso mo
kung di ka naman mukhang goon sa gitna mo na lang paupuin yung babae pero kung mukha kang goon tumayo ka na lang para sa pogi points.
:)