una
spongecola
muli na namang umihip sa akin
ang hangin ng pag-iisa
liwanag kang dagling sumilaw
sa ‘king mga mata
nililingon, sinusundan
dumadalas ang minsan
ika’y nariyan, abot-tanaw
kahit walang dahilan
maiiwasan ba
ang bawat sandaling ika’y laman ng isip ko
maiiwasan ba
ngayong lilipas nang hindi kita nasisilayan
magbabalik sa ‘yo
nararapat bang pigilan ang damdamin nasa[?]
maiiwasan ba
lalong mahulog sa iyo
walang maitutulad sa sumpang iyong nilikha
putulin man ang tali ay sadyang walang kawala
sa pagkaakit at di paglapit
nananalangin at umaasa
hindi padadala
hinding-hindi padadala
hindi padadala











