Kapag magka-camping, isa sa mga pangunahing alalahanin ay kung paano makakapagluto ng pagkain. At ang mabisang solusyon dito ay ang magsiga, lalo na kapag walang nakapagdala ng outdoor stove. At marami ka ring mapagpipilian sa kung ano ang gagamitin mo para makagawa ng apoy.
Papel. Eto na siguro ang pinakamabilis na masindihan. Kahit posporo ang gamitin ay agad-agad kang makagagawa ng apoy. Ngunit ang init na dulot nito ay panandalian lamang. Kung anong bilis nitong magliyab ay ganoon din kabilis itong matupok. Kaya kahit na gaano kadami ang papel na iyong gamitin, kahit paulit-ulit ang paglagay mo ng papel pagkatapos maubos nung naunang inilagay ay wala ka pa ring mararating. Hindi maluluto ang iyong ulam o sinaing.
Uling. Ginawa ang uling para talaga sa nais mong mangyari, ang makapagluto, ngunit hindi ka makakakita nito kung saan-saan lang. Mas mahirap itong pagliyabin kaysa sa papel ngunit kapag nagawa mo na ay siguradong makakaluto ka. Mahirap hanapin ang uling, kailangan mo pa ngang bilin, madalas, kaya huwag mo itong sayangin. Hindi ka lang naman isang beses lang kakain di ba?
Kahoy. Kung wala kang makitang uling, marahil ay naisip mo na kahoy na lang, galing naman sa kahoy ang uling di ba? At paniguradong marami kang makikitang kahoy sa paligid (gubat naman siguro ang campsite niyo). Ngunit hindi lang basta-basta kahit na anong kahoy ang gagamitin mo, maghahanap ka, mamimili, dahil hindi naman ang kahoy ang lalapit sa iyo. Pwedeng mong suriin ang lahat ng makikita mo para makahanap kaagad pero ang gusto ng iba ay yung maglalakad lang at aantaying may matsempuhan na madadaan na magandang kahoy. Pero meron ding kinukuha na lang ang kahit anong abot ng kanyang kamay.
Mas mahirap gumawa ng apoy gamit ang kahoy kaysa sa uling dahil kailangan mo talagang maghirap para dito. Matagal, mangangawit ang kamay mo kakapapay, kakaihip ngunit walang kapantay ang sayang dulot ng pagpapaliyab sa kahoy dahil hindi ka talaga sigurado nung una pa lang kung pwede. Makakapagluto ka na sa wakas.
Nakakita na ako ng uling ngunit binuhusan ko ng tubig ang alab nito. Mapagliliyab ko pa kaya ang init ng pagmamahal niya sa akin?













pinag-uusapan namin to ni kyosoke kahapon. haha.. sabi ko uling sha. magandang uri ng uling. kahit buhusan ng tubig hindi namamatay. sabi naman nia kahoy daw ako. hmm..?
nakakatawa. siguro kung may nakakarinig samin eh mawiwirduhan sa pinag-uusapan namin.
alam kung hindi pwede pero umaasa akong makakahanap ako ng uling na bigla na lang darating sa buhay ko.
hmmm, weird ngang pag-usapan to, hehe=)