kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with: karmi | komski | komski
*plugoo chat (opens in new window)

  • cHeRrY mAe: Maitanong lang. Sa prizes epek na 1 year domain name, ibig sabihin ba nun, after 1 year, tsugi na ang...
  • churvah: ay kumain po ako nyan,hahaha! at sakto rin ako sa tulog ng araw na nag comment ako. hahaha!wag na...
  • Aira Bongco: Wow cute contest. Very nice idea. May questions po ako. Kailangan po ba matagal na yung blog? And also,...
  • enday: waaah… haba ng mechanics.. gusto kong sumali… haha.. hanap nga ako ng problema para madrama...
  • LJ: parang masaya ito! at parang ang galing mo ring mag-market :)) EMO nga ‘tas masaya hahaha. Pero oo, masaya...
  • jeniffer: ang sweet.. malayo man.. mararating din.. parang globe lang.. piniktyur pa talaga hehehe.. :) adik nga raw...

Subscribe to my feed




February 12th, 2007 | Uncategorized

ninais kong isulat sa isang tula
ang kagandahang nakita ko sa iyo.
kung maisasalin ko lang sa mga salita
ang mga naipadama mo sa aking puso.

magaganda ang mga singkit mong mga mata,
na sa pag-ngiti’y gumuguhit sa iyong marikit na mukha.

hindi ko man makayang ika’y iguhit
ay mananatili ang larawan mo sa aking alaala,
na araw-araw kong nanaisin
na muli pang ikaw ay aking makita.

[refer]

Nasa bahay na ako ngayong umaga, natapos na ang 2-days, 3-nights na banaue-sagada field trip, at ang masasabi ko ay ito na ang pinakamagandang field trip na nasalihan ko, kahit na wala akong masyadong kasama dahil halos lahat ay hindi ko kaklase. Sayang nga lang dahil wala akong dalang camera dahil sobrang dami ng magagandang tanawin. Pero hindi yan ang ikukwento ko sa entry na ito, kundi ang pinakakinaaasaran kong kahinaan, babae.

Wala kong kwenta pagdating sa mga babae, lalo na kung nagugustuhan ko. Nabablanko ako, naguguluhan kung anong dapat gawin, natatameme, natotorpe. Kaya ang lagi na lang nangyayari, edi wala. Isa akong hopeful unromantic. Kung lagi kang nagbabasa sa blog ko, alam mo na siguro ang susunod kong ikukwento.

Hindi ko siya kilala. Ang totoo, wala naman talaga akong kakilala sa mga sumama sa fieldtrip. Wala kong ineexpect kundi ang mga magagandang tanawin na makikita. Hindi ko inakalang may makikita pala akong di hamak na mas maganda, at yun ay siya.

Her eyes are so much beautiful. Kahit pigilan ko ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kanyang mga mata. Hindi ko man masyadong nakita ay paniguradong ubod rin ng ganda ang kanyang ngiti at kay sarap sigurong pakinggan ang kanyang pagtawa. Maputi ang kanyang mukhang may pagka-chinese na sa hindi ko maintindihang dahilan ay parang gusto niya laging itago, dahil sa baseball cap at glasses na lagi niyang suot-suot. Maganda pa naman ang kanyang buhok na inipitan niya ng baby blue na clip na may glitters (ilang beses ko na bang nasabi ang “maganda”).

At ang pinagsisisihan ko ngayon ay nagkaroon ako ng pagkakataong mapalapit sa kanya ngunit pinalagpas ko ito, asar. Asar talaga.

Tinugunan niya ang mga pagtitig ko ng malimit na paglingon. Natabihan ko pa nga siya ng dalawang beses (nauna siyang pumasok ng dyip at tumabi sa kinalalagyan ng aking bag kaya kami nagkatabi nung umupo na rin ako) ngunit nanatili akong tahimik.

Pero may ginawa ata akong mali. Dahil nung unang beses na nakatabi ko siya ay sinubukan ko siyang akbayan, pero subok lang at hindi ko talaga nagawa dahil hindi rin ako sigurado kung ok lang sa kanya. Nailagay ko lang sa tapat ng kanyang likod ang aking kamay na nakapatong dun sa bintana ng dyip ( inaantay ko siyang sumandal ). Sigurado akong napansin niya ito dahil napapadantay siya sa aking baraso sa tuwing liliko yung dyip.

Parang ok naman sa kanya dahil nung bumaba kami para sa stopover, at pagkabalik ay sa tabi ko pa rin siya umupo. Nagtataka ako dahil hindi niya tinabihan yung kaibigan niya kahit na maluwag pa dun sa kabila kung saan nakaupo yung mga kasama niya nung una. Kaya lalong lumakas ang loob ko na akbayan siya ngunit hindi ko pa rin nagawa. Naidantay ko lang ang aking daliri sa kanyang balikat.

Asar nga at sandali lang ang biyahe at nakarating na agad kami sa may sagada cave. At ang pinagsisisihan ko ay pinalampas ko ang pagkakataon na samahan at alalayan siya sa pagtahak sa loob ng kweba. Sayang talaga. Asar.

At nung nakabalik na sa dyip ay hindi ko na siya nakatabi dahil naunahan na kami ng mga pesteng freshmen. Nagkatinginan na lang kami dahil sa may dulo na siya nakaupo.

Natapos ang araw na hindi ko man lang siya nakausap nang matino. Pinalagpas ko talaga ang isang napakagandang pagkakataon.

Natatakot ako. Fear of rejection. Sobrang natatakot ako sa mga kung anu-anong naiisip ko na hindi naman ako sigurado kung mangyayari talaga. Natatakot ako sa mga hindi siguradong mangyayari. Nadaig pa nito ang naisip kong sayang maaaring maidulot kung sakali ngang mapalapit ako sa kanya.

Ito ang aking kahinaan. Naaasar ako.

Makikita ko pa kaya siyang muli? Kung nagkaganoon kaya’y magagawa ko siyang kausapin o palalampasin ko ulit ang pagkakataon? Gusto ko na siyang makita.

[off topic: pangalawang beses na akong sinabihan ng isa akong "magandang lalake", ng isang ring lalake]