Ilusyonado

Post Info 1 year, 8 months ago by komski

Mahirap makasakay ng dyip kapag ganitong oras sa hapon, karamihan sa mga schedule ng mga estudyante ay natatapos ng 5:30. At mas mahirap sumakay lalo na’t dito ka nag-aabang sa may waiting shed sa Molave dormitory, dahil nakalibot na ang mga dyip sa buong UP at puno na ito bago pa man dumaan sa kinatatayuan ko. At di hamak na mang mas kaunti ang populasyon ng dyip na papuntang SM North kaysa sa Pantranco o Philcoa.

Swerte na lang kung may bumaba dito o kahit dun sa may kalapit na Kalayaan dorm, dahil hindi mo talaga aasahan na hindi pa puno. Kaya paniguradong hindi ako swerte ngayon dahil ngawit na ang mga paa ko sa kakatayo.

Inabot ako ng kalahating oras sa paghihintay bago pa man ako pinalad na makasakay. Pero hindi ako masyadong swerte dahil sa ako ang pinakahuling pasahero, at siyang uupo ngayon sa imaginary seat, ang upuang wala naman doon.

“Usod lang po may kanan, waluhan yan”

Lagi kong naiisip na minsan, titignan ko yung nakasulat sa gilid ng dyip na passenger capacity bago ako sumakay at titignan ko kung tutugma ito sa sinasabi ng drayber. Sa ilang sandaling paggigitgitan ng mga nakaupo na sa may bandang kanan ay unti-unting lumitaw ang kapirasong espasyo na parang kasya ako, pero wala na rin naman akong magagawa dahil umaandar na ang dyip. Umupo na ako, or I was just faking it. Pinilit kong isiksik ang aking pwet dahil masakit sa paa ang ginagawa ko.

Nakahawak ang isang kamay ko sa may estribo dahil kung hindi, sa konting liko lang ay sapat na ang malilikha nitong centrifugal force para ihulog ako, idagdag mo pa ang pressure exerted ng mga hita ng mga katabi ko. Gamit ang kanang kamay ay hinalungkat ko ang mga barya sa aking bag, kumuha ng 10-peso coin at nagbayad.

“Bayad o, pasuyo lang”

Ang teknik ay sabihin mo lang kung saan ka bababa kapag nakarating na sa kamay ng drayber ang bayad mo. Dahil madalas na hindi iri-relay ng ibang pasahero ang sasabihin mo.

“Yung sampo, SM, estudyante”

Sampung piso ang pamasahe papuntang SM North, pero kapag estudyante ka, pwede kang humingi ng discount na dalawang piso. Limang araw ang pasok ko, kung hihingi ako ng discount sa apat na araw ay magkakaroon na ako ng pamasahe para sa panglima, ok na rin di ba?

“…”

Pinapakiramdaman ko ang drayber. Pagkalagay niya kasi ng bayad ko sa dashboard ay humawak na siya sa manibela at nagpatuloy sa pagda-drive. Alam kong hindi na siya kukuha ng sukli at bigla kong natripan nung araw na iyon na hindi ito palagpasin.

“Estudyante po yun”

Pang-apat ako mula sa unahan at malakas naman ang pagkakasabi ko kaya’t alam kong narinig niya, pero sa itsura niya’y parang hindi. Nakatingin pa rin siya sa kalsada, medyo kunot ang noo’t parang badtrip. Hindi pa rin ako suko, laban kung laban, patigasan kami.

“Manong, estudante po yung sampo”

Aba’y mas matigas pa pala siya sa aking inaakala. Tengang-kawali pa rin siyang dinededma ako, pero bigla na lang, nagkatinginan kami sa kanyang rear-view mirror. Halos tatlong segundo kaming nagkatitigan, mata sa mata, este, mata sa salamin sa mata. Sigurado na akong nagbibingi-bingihan lang siya simula kanina, na siyang nagpalakas sa aking loob na lumaban, nakakaasar. Malayo na ang binagtas ng dyip mula nung nagbayad ako, at hindi ko pa rin nakukuha ang sukli.

Huminga ako ng malalim at binigkas, “Mano..” pero hindi ko pa halos nauumpisahan nang bigla na lang sumabog ang kanyang galit, hinanakit at sama ng loob.

“Sabi kayo nang sabi ng estudyante e hindi naman ako sigurado kung estudante nga kayo, e hindi naman kayo naka-uniporme, ‘tas hindi niyo pa pinapakita yung ID niyo. Ipakita mo kaya yung ID mo?”

Galit niyang sinabing halos pasigaw na. Gusto niya ata akong ipahiya sa lahat ng nakasakay, na medyo naramdaman ko nga. Kinuha ko ang ID ko sa aking bag at ipinakita sa nag-aalburotong drayber, para matapos na itong dispute. Kumuha na siya ng sukli kong dalawang piso at ipinaabot sa akin. OK na sana ang lahat nang bigla kong naisip at inihirit,

“Kung kanina niyo pa sinabi yun, edi nalaman ko na. Hindi yung nananahimik kayo diyan. Alangan namang hulaan ko yung iniisip niyo? Ano ka, GIRLFRIEND KO?”

Hindi ko alam kung nakaganti nga ba ako o hindi.

Post a Response Comment icon Posted March 2nd, 2007 at 4:50 pm

9 Responses to “ Ilusyonado ”

  1. komski kuno
    komski kuno

    no offense to girls, lam kong lahat ng nagbabasa dito e babae=)

  2. karmi

    buti nakuha mo ung sukli mo.. pampam nga minsan ang mga driver, kaya dapat eksakto dapat ang ibabayad mo.. :D

    nyahaha.. girlfriend?! mahirap ba talagang basahin ang GF? di naman.. minsan lang.. saka kaya ganon ang ibang babae (sige na nga, kasali na ako), para tanungin nyo kami.. :) dun namin nalalaman na mahalaga pala ang iniisip namin para sa inyo.. :D hehehe.. peace!

  3. wanderer
    wanderer

    aliw.. at syempre asteeg nung huling hirit! pero tanong muna: totoo bang nangyari to? naku, kung oo, parang ang off na sabihin sa driver un a, “ano ka gf ko?” nakakalalaki ka pre! hehe.. although it’s a witty comback sa epal at abusadong driver. tsaka pala kung may ibang girls na pasahero and mabilis ang pick up nila, baka hidi lang ung mamang driver ang nakasagutan at nataasan ka ng kilay, haha!

  4. wanderer
    wanderer

    aliw.. at syempre asteeg nung huling hirit! pero tanong muna: totoo bang nangyari to? naku, kung oo, parang ang off na sabihin sa driver un a, “ano ka gf ko?” nakakalalaki ka pre! hehe.. although it’s a witty comback sa epal at abusadong driver. tsaka pala kung may ibang girls na pasahero and mabilis ang pick up nila, baka hidi lang ung mamang driver ang nakasagutan at nataasan ka ng kilay, haha!

  5. wanderer
    wanderer

    aliw.. at syempre asteeg nung huling hirit! pero tanong muna: totoo bang nangyari to? naku, kung oo, parang ang off na sabihin sa driver un a, “ano ka gf ko?” nakakalalaki ka pre! hehe.. although it’s a witty comback sa epal at abusadong driver. tsaka pala kung may ibang girls na pasahero and mabilis ang pick up nila, baka hidi lang ung mamang driver ang nakasagutan at nataasan ka ng kilay, haha!

  6. wanderer
    wanderer

    sori.. didn’t mean to flood your comment box.=( akala ko kasi hindi nase-send ung comment ko kasi ung sa pc namin kapag ni-press ko ung send button, walang reaksyon kaya akala ko hindi pa nga nasi-send. ayun pala.. kaya sori po.

  7. super xienah

    hindi ko problema yan kasi lagi ako nakauniporme.
    :)
    wawa ka naman.
    ano plate number ni manong?
    baka naman hindi ka kasi mukhang estudyante nung mga panahong iyon?

  8. maenoodle

    haha. kaya ako hangga’t maaari laging sakto ang bayad sa jeep. sumasama kasi ang loob ko pag di nasusuklian ng tama. kaasar kaya!

  9. marijuana

    katuwa naman ito :D

    si manong driver naman, nasa UP nga siya, e maghanap ba naman ng uniform

    kaya ako, di na ako nagpapa-discount kasi yung mga driver nga mukha pang galit pag sinabi mong estudyante ka lang

    : )

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.