Imahe nya [s]iyon

Posted 5 years ago Uncategorized

Sumara na ang pintuan ng elevator at sa nabuong apat na mala-salamin na dingding nito’y makikita mo ang lahat sa sampung sakay nito. Nakita ko siya, naroon sa may likuran, ngunit ang hindi ko nakita ay ang kanyang ngiti. Wala rin ang kislap sa kanyang mga mata at naglaho bigla ang tuwa sa kanyang mukha.

Nakita niya akong nakatingin sa kanya kanina. O baka siya ang nahuli kong sumulyap sa akin, hindi ako sigurado, sana pareho. Hindi rin ako sigurado kung bakit ko ito kinukwento.

“Buti pa ang t-shirt mo, bagay sa ‘yo”
- grin department, stuff toy

Galak niya’y daig pa ang kahit na anong magarang damit at ngiti niya’y walang kasing tamis, mapula man o hindi ang kanyang mga labi.

Siya’y pumapangalawa sa pinakamaganda, at ang una’y siya rin kapag siya’y masaya.

Naaalala ko pa dati, sa may labas ng MH 517. Nakita ko siyang nakaupo’t nakasandal sa dingding. Unang beses kong napansin ang kanyang malarosas na pisnging may bahid ng manipis na kolorete at ang mga labi niyang makintab sa lip gloss. Nakakapanibago.

Sino ba ang iyong dahilan? Sino ang nais mong makakita sa iyong kagandahan?

“Nakita mo ba siya ngayon?”, ang itinanong sa iyo ng kaklase natin noon. Ang tanging narinig ko lang na isinagot mo’y ang iyong nakawiwiling tawa at ngiting hindi ko nasilayan.

Sino siya? Bakit hindi ko siya nakikitang kasama ka? Binabalewala ka ba niya? Hindi ka ba niya pinapansin? Bakit mo ito kinakailangang gawin?

Mahilig akong magtanong kahit alam kong hindi masasagot.

10 Responses to “ Imahe nya [s]iyon ”

  • komski kuno said,

    senti mode ulit

  • super xienah said,

    ok yun ah. :)
    ang hirap sa iyo hanggang titig ka lang.
    torpe. :)
    kaibiganin mo kasi yung mga gusto mo else malulungkot ka forever at ang mga posts mo ay puro na lang emo-ness. :)

  • komski kuno said,

    ganun ako e, hehe=) ang hirap kasing magtago ng motives e, para sa akin. hindi talaga ako friendly, ewan.

  • super xienah said,

    hindi problema yan.
    simulan mo ang pagtingin mo sa mga kaibigan mo. at least kaibigan mo na sila diba? wala ng hassle to start over again.
    minsan kailangan lang talaga ng 2nd glance. ingat lang kasi baka madalian kang mahulog.
    yiki.
    :)

  • maenoodle said,

    ganun ba talaga.. pag may kolorete sa mukha ibig sabihin meron pinagpapagandahan? hmm… gumaganda ba ang babae sa paningin ng lalake pag may make-up? eh kala ko mas maganda ung natural. labo naman.

    wag ka mashado tumitig nakakatakot na un. hehe =p

  • komski kuno said,

    hindi naman dahil may make-up siya ay nagpapaganda siya sa kung sino=) yun nga yung isa sa gusto kong malaman. ang kanyang mga dahilan. hehe, hindi ko pala nasabi yun. may unposted entry kasi ako tungkol sa kagustuhan kong malaman ang kanyang mga dahilan, her reasons, motivations.

    yun pa yung isang point, ikaw ba, kung gusto mong maging mas maganda, hindi mo ba maiisip na mag-makeup? pero sinabi ko naman na “Galak niya’y daig pa ang kahit na anong magarang damit at ngiti niya’y walang kasing tamis, mapula man o hindi ang kanyang mga labi. ”

    mas gusto ko pa rin ang simple=) (at may iniisip akong post na tungkol sa view ko on girls wearing makeup to school)

    sensya na kung nalabuan ka. nung ginawa ko tong entry ko e alam kong sabog yung pagkakalahad ko ng mga detalye. Masyado kasi akong maraming iniisip na hindi mo mapagdugtung-dugtong=)

    sobrang tagal ko na kasing iniisip nung mga ito kaya naipon nang lahat. hindi ko pinost dati kasi alam kong i have lost my anonymity=)

    hindi ako masyado tumititig dahil ayokong mabuko, hehe=)

  • karmi said,

    maganda ba ung kantang stuff toy ng grim department? maidownload nga sa limewire! hehehe.. :P

    yan ka na naman tol eh, ligaw tingin.. nasasabihan ka tuloy na torpe.. hehehe.. basta sundin mo lang mga payo ng mga avid readers mo dito at pihadong makaka-gf ka na nyan! :D

    peace awt!

  • maenoodle said,

    ah basta. malabo pa rin. hehe…

    likas na nga siguro sa mga babae ang magpaganda. kahit ako marunong na magpulbos at magsuklay at maglagay ng blush on at lip balm. minsan nga pati eye shadow meron din. bakit nga ba. hmm.. para maganda. hehe! labo ko din? wahaha..

    shangapala. mahilig din ako magtanong… kahit alam kong hindi masasagot. haiz.

  • komski kuno said,

    sana nga ganun lang=)

  • mean said,

    ,,,,,,,,ahmm….heheheh!!!..

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.