Hate at first sight
Lumabas na ako ng lobby ng ilang-ilang residence hall, dahil tingin ko’y matagal pa bago magising ang kagrupo ko. Naglalakad na ako sa may driveway nang makita ko siyang paparating mula sa kalsadang Guerero, isang chinitang naka-puting blouse at asul na pantalon, maputi ang balat, buhok na hanggang balikat at may bitbit na isang brown na mailman bag.
Malapad naman ang sinasabi kong driveway, kasya nga ang isang one-way na daanan ng sasakyan [driveway nga di ba?] pero habang papalapit kami sa isa’t-isa’y parang iisa ang tinatahak naming ruta [rawta]. Kumbaga sa isang barko sa laot, spaceship sa kalawakan o dalawang tao sa driveway, nagbabanta ang isang head-on collision.
Sa aking point of view, may likong pakanan mula sa pintuan ng pinanggalingan kong dorm kaya kung pagbabatayan ang “keep right” policy, ay ako ang dapat dumaan sa part na mas malapit sa inner curve nung paliko [yung narrower curve o the edge with a smaller radius], pero sa direksyon niya’y parang gusto niyang buwagin ang prinsipyong itong itinatag ng aking mga pre-school teachers.
But I will not yield, patigasan kami kaya hindi rin ako mag-iiba ng direksiyon. Magkabanggaan na ang magkakabanggaan, hindi niya ako masisindak**note. At nang malapit na kaming magkauntugan ay wala na akong ibang naisip kundi ang huminto. Oo, tumigil ako sa aking kinatatayuan at hinintay ang pagtama ng ulo naming dalawa [pumikit pa nga ata ako]. Pero parang nananadya ata siya.
Dahil huminto rin siya sa paglalakad, kaya kami’y nakatayong magkaharap sa driveway sa harap ng dorm.
excuse me
ekskiiiyuuuuus Me
Aba, matapang. And the confrontation began. Tiningnan ko siya sa mga mata, at bakas ang kanyang kasungitan sa talas ng pagtingin niya sa akin. Hindi ako patatalo, akala niya ata’y kaya niya ako, sinasabi ko sa iyo’y nagkakamali siya.
ikaw dapat ang magparaya.
huh? ikaw dapat ang tumabi no.at bakit naman?
hindi ka naman diyan nakatira di ba?pero iskul ko rin ‘to.
pero dorm ko ‘yang nasa likuran mo.
Tama siya, talo ata ako dun. Mas localized ang pagiging dormmate niya sa bahay ng dorm manager. Pero akala niya ata’y panalo na siya sa ganung klaseng argumento.
Hindi ba itinuro sa ‘yo ni Miss Tapia na “Always Keep RIGHT”??
… … …
Haha, hindi ngayon siya nakapagsalita pero mukhang babanat pa ata. Tumataas ang kanyang kilay, bumibilog ang butas ng ilong at nagpapantig na ang mga tenga. Pero halata namang may konting ngiting namumuo sa kanyang mga labi.
O baka hindi mo alam ang kanan?
teka, HINDI mo ba KILALA kung sino AKO???
Napipikon na ata siya, hehe. Hindi ko naman siya gustong mapagalit. Kahit wala pang dalawang minuto ko siyang nakakausap, unti-unti kong nakikita ang tipo kong babae sa kanya, matapang, hindi umaatras sa pakikipagtalo, kahit sino, kahit nga hindi kakilala [tulad ko], hindi nag-aatubiling makipagsumbatan, walang sinasanto [pero huwag naman barumbado]. Ok na rin dahil nakausap ko siya pero baka isumpa na niya ako magpakailan pa man, at ayoko syempre nun.
Hindi nga e… pwede ko bang malaman ang pangalan mo?
Na sinabayan ko pa ng pinakamatamis kong ngiti.
… … …
=)
**Pero siyempre, babae siya kaya ilang segundo bago kami magtama ay tumalikwas ako pakaliwa, na muntik pa nga ako madapa dahil napilipit ang sapatos kong kumapit sa semento [at syempre nasa loob yung paa ko]. Natigilan ako at tinanaw siya habang papasok sa loob ng dorm. Hindi na nga niya nakuhang lumingon pa sa akin, para siguro isipin kong wala siyang pakialam. At nung oras na iyo’y naisip ko kaagad ang kwentong inilahad ko kanina.
Hindi na siguro mahirap malaman kung alin sa dalawang ending ang totoo at alin ang likha lang ng aking imahinasyon.
Ganito ako sumulat ng mga kwento, madalas ang unang ilang talata lang ang totoo at inihahabi ko lang ng ibang katapusan. Maniniwala ka bang hindi ko naman iniisip na ako ang nasa aking mga kwento kahit na parang ganun? Mas madali para sa akin na gamitin ang aking sarili sa aking mga kwento, ang gamitin ang aking mga karanasan, dahil yun lang naman ang meron ako.
Hindi ito isang purong fictional blog. Pero madalas oo. Bihira ang entring purong imahinasyon lamang. May mga entring purong totoo, kapag malungkot yung post, mas malamang na totoo yun. Kapag sobrang galit at malungkot, totoo yun.
Kung itatanong niya sa akin ang tungkol sa isang post at kung paano ko ito ginawa’y pauunlakan ko. Tsaka nga pala next time, hindi ko na lalagayan ng ganitong part ok?





Hindi kayang i-explain ang mga entries ko sa isang paliwanagan lang=) masyadong halo-halong totoo at imahinasyon in varying degrees
mas maganda nga kung wala ung “ganitong part” muntik na ko mahilo weh. nyaha… parang mahilig ka sa chinita. hmm.. ^_^
yikee.
:)
nagpapaliwanag ka pa ha.
kung ako yung makaksalubong mo talagang tatarayan kita.
lalake ka.
matuto kang magbigay.
:)
“Hindi ito isang purong fictional blog. Pero madalas oo. Bihira ang entring purong imahinasyon lamang.”
ito ang dahilan kaya hindi ako nakakapagbigay ng comment dito sa blog mo eh. naguguluhan kasi ako kung totoo ba yung nabasa ko o hinde. kaya ayun, di na lang ako nagco-comment…