Sensya na ulit, naayos nman b love life mo tpos nun?
D mo nman ako cnusmpa noh? Haha
Hindi naman talaga ako naging mahalaga para sa iyo. Sa iyo’y hindi ako ako, kundi isa sa mga dating kaibigang nabighani sa mga katangian mo. Isa lamang ako sa dinami-daming mga lalaking nakilala ka at nabihag sa lahat ng magagandang bagay na bumubuo sa iyong pagkatao.
Hindi mo naman talaga ako sineryoso, wala ka naman talagang pakialam sa akin, wala naman talagang nangyari sa lahat ng mga pinaggagagawa ko dati para sa iyo na walang kabuluhan [dati siguro meron], puro hangin lang naman ang mga pinagsasasabi ko sa iyo tungkol sa aking nararamdaman.
Isang kalokohan lang naman ang pagmamahal ko para sa iyo, kaya binalewala na lang, isinantabi, hindi inintindi at kung anu-ano pang pamamaraan para malaman kong hindi mo naman kaya itong suklian.
Hindi naman talaga ako naging isang parte ng buhay mo na tulad ng inaakala ko. Malaman mo sanang alam ko na ang lahat ng dapat kong paniwalaan. Masakit talaga ang katotohanan.
Isang malaking biro lang naman talaga ako di ba? Pero sana malaman mong hindi naging biro ang naramdaman ko para sa iyo. Alam ko sa sarili ko na pagmamahal yun. [Muntik na akong maiyak kanina, kung hindi lang sana nandito ang mga tatay ko sa aking likuran ngayo'y baka napaluha na ako]
Hindi mo nga pala kailangang mag-sorry dahil sa tingin ko’y ako lang naman ang gumawa nito sa sarili ko. Hindi naman kita masisisi na maging ikaw. Wala ka naman kasalanan. Ako naman ang laging nagsabi sa iyong kaibigan lang ako, para naman hindi mo ako layuan, nagkamali pala ko.
Pero maaari ba ako humiling sa iyo? Sana’y huwag mo nang ipaalala sa akin ang mga nangyari dati, tuluyan mo na sanang kalimutan ang lahat, kung may natitira pa nga sa mga alaala. Huwag mong idadaan sa biro ang mga ganitong bagay. Lalo na kung ang kausap mo ay ang taong involved. Ang totoo’y posible ngang isumpa kita at hindi yun nakakatawa para sa akin. Minamahal kita nang sobra ‘tas bigla na lang, isusumpa kita? Hindi talaga nakakatawa yun. Mas malaking emotional burden ang idudulot nun at ayoko nang mas pahirapan pa ang sarili ko.
Gusto ko na lang na kalimutan ka o kahit man lang ang nararamdaman ko para sa iyo.
Siguro yun lang talaga ang hinihintay ko. I was just “waiting for you to break my heart” gaya ng sabi ng kanta.
Sure, no prob.
Alam kong masaya ka, ok na ko dun.
Magsilbi sanang itong index sa lahat ng aking mga naisulat na may kinalaman sa iyo, dahil kinukumbinsi ko ang sarili ko na ito na ang huli. Narating ko na ang dulo.
Ikaw ang tinutukoy, kinakausap, pinaglalaanan, dahilan, iniisip ko sa mga sumusunod:
parte ka pa rin ng aking mga tula | uncertainty
hindi ko na ata kaya to | iyong likha
nagdadrama-dramahan na naman | bilbord
naririnig mo ba ako? | maniwala ka sana
sampung taon | ihip | pagtatapos
. . . . . . . . . | sana hindi na lang
magulong kausap | isang tasang kape
Kasama ka sa mga tinutukoy sa mga sumusunod:
isang letra | episodes
Parang kasama ka ata sa mga iniisip ko nung ginawa ko ang:
bilog ang mundo
Salamat sa mga naipadama mo sa akin.













emo alert.
emo alert.
ok lang yan.
move on ka na lang.
alam ko madali sabihin
mahirap gawin
pero nasa iyo pa rin
ang effort na
kailangan ng pagbabago.
pwede copy-paste? kunwari sulat ko tapos may pagbibigyan din ako. hehe. joke lang. haiz. dami talaga tae sa mundo.
ayoko na din kantahin ung
“I’m here, waiting for you to break my heart… AGAIN”
move on. move on. apir!
hindi ako galit dun sa tinutukoy ko dito sa post. matalik na kainigan ko yun. sigurado naman akong nung nakasama ko siya, mas kailangan niya ng kaibigan kaysa sa isang lover. ako lang naman ang nagpumilit.
hindi talaga ako galit dun.
wow..