i guess im down to my last cry….
this past few days, feeling ko lagi na lang akong pagod kahit na wala naman akong ginagawa.. nakakapagod pala ang gumawa ng wala.. mas nakakapagod ang sobrang pagiisip sa kung ano na ba ang dapat gawin.. feeling ko nangangayayat na ako kakaisip.. lagi rin akong iritable di dahil sa ‘meron ako’, mataray, at laging naninigaw.. halata tuloy sa bahay na may problema ako.. ako?! may problema? ako pa!
nakakapagod magisip, nakakapagod magalala.. siguro dumating na rin ako sa point na tama na.. tigilan na muna.. pahinga na muna ako.. hahayaan ko na lang muna sya kung san sya masaya.. sobra na ang pagiisip ko tungkol sa kanya.. feeling ko sobra na.. this time, ako naman.. its ‘me time’.. hahanapin ko muna ang sarili ko.. mamahalin ko ulit ang sarili ko.. di ko naman sya iiwan ng tuluyan.. di ko rin sya ginive-up.. mahal ko pa rin sya, oo, pero ayokong tuluyang mapagod at mawala na ang pagmamahal ko para sa kanya..
di ko alam kung kakayanin ko ba tong desisyon ko.. pero kailangan ko rin kasi to.. aja!
Posted almost 5 years ago
LSS
Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.
Umagang Kay Ganda – Bamboo
Halika na pumikit limutin ang problema
Hihintayin ang umaga
Magpahinga, panaginip ang ikaliligaya
Darating din ang umaga
.
[Chorus]
Basta’t tayo’y magkasama
Laging mayroong umagang kay ganda
Pagsikat ng araw
May dalang liwanag
Sa ating pangarap, ooh
Haharapin natin
Simple lang, kasama ka naman
Kung ayaw nila sa akin, ok lang
Kung di mo makuha sa tingin
Idaan mo sa taas, kung ayaw pa rin
Gumising na (gumising na)
Araw ng pag-asa’y narito na
Dumating din, haharapin natin
Haharapin natin
darating din ang umagang kay ganda….. makakasama rin kita…..
Hindi ko alam kung bakit kita iniisip, gayong hindi naman kita kilala. Bakit paggising ko kahapo’y naging laman ka kaagad ng aking isipan gayong ang nalalaman ko lang ay ang iyong pangalan? Pangalang hindi ko man lang alam kung tunay, ngunit, ito’y sa iyo’y aking naiuugnay.
Hindi ako sigurado kung bakit ako nangangarap ng isang araw na kasama ka, gayong hindi man lang kita kakilala. Bakit ko iniisip ang mga lugar na pwede nating mapuntahang dalawa? Bakit ako nangingiti sa tuwing nakikinita ko ang sayang idudulot sa akin ng mukha mong nakatawa? Isang mukhang kahit hindi ko pa nasisilaya’y sigurado akong kaaya-aya.
Hindi ko alam kung bakit ako nakararamdam nang ganito, gayong hindi kita kilala. Bakit ako nalulungkot sa iyong pagkawala, gayong, nung una pa lamang ay wala ka na talaga?
Hindi ko alam kung bakit kita iniisip, pinapangarap, sinisinta, gayong hindi naman kita kilala. Bakit ako nagkakaganito, gayong wala naman akong nalalaman sa iyong mahalaga? Pero ano ba talaga ang dapat na aking ipinagtataka, ang lahat ng mga bagay na sa aki’y iyong ipinadarama gayong hindi naman kita kilala?
O kung bakit hindi kita kakilala?
i’ve loved, fell out of love and loved again.. and im still in love up until now.. i read a lot of books about love and heartaches but i never really had a favorite quote about loving somebody.. but now, i think i found one…
Loving someone requires a leap of faith, and a soft landing is NEVER guaranteed….
true.. so true….
…a soft landing is never guaranteed….
if you have time, try reading “This Lullaby” by Sarah Dessen… :)