April 2, 2007 » 1083 days ago
blog update
10:41pm na.. dapat nagreredi na akong pumasok pero hindi, heto ako sa harap ng ng aking computer at gumagawa ng welcome message para sa bago kong blog… teka, bago?? di rin.. :)
kahit na ilang beses na akong nagpa-welcome sa blogging world, sana i-welcome nyo pa rin ako.. :) di ko alam kung ano na nangyari dun sa isa kong blog eh.. bigla na lang nawala.. :( nakakalungkot lang dahil kung kelan naman sinisipag na ako, saka naman ako iniwan na ng tuluyan ng blog ko.. buti na lang at muli akong inampon ng aking ‘online nanay’ na si ate melai.. salamat ulit ate.. :)
ayan, nakagawa na ako ng welcome message.. :) pede na akong pumasok ng trabaho.. bukas na lang ako ulit gagawa ng mas matinong entry.. :D
tc!
April 2, 2007 » 1084 days ago
Uncategorized
ang misteryong bumabalot sa iyo’y
nakadaragdag sa iyong kagandahan,
sa pananabik sa mukha mong
walang anumang kasiguraduhan.
ang itsurang hindi mabatid ninuman
ay tanging sa panaginip pinupunan.
sa lahat ng aking mga katanugan,
sino, saan, paano, kailan?
ilaan mo sana ang kasagutan
dahil sa aking mga pinapangarap,
ikaw ang siyang lubos na katuparan.
ang mga mata mong hindi nasisilayan
ay nagniningning rin bang parang
mga tala sa kalangitan?
ang boses mong hindi napakikinggan
siguro’y parang pagtawag ng kanyang ina
sa isang anak na naliligaw.
na marinig lang ang pagsambit mo
sa aking pangalan,
lahat ng aking kinakatakutan
nawawala, naglalaho, lumilisan.
haplos mo ba’y yakap sa kalungkutan?
ngiti ba’y liwanag sa kadiliman?
halik mo ba’y kasing sarap ng tubig
sa katawang bilad na naaarawan?
maisasalba mo ba ang pusong nalulunod
sa karagatan ng kagandahan mong hatid
sa isang sa ilog lang naranasang lumangoy?
hahayaan mo ba akong tangayin ng iyong alon
at sa iyong kalaliman ako’y malamon?
o magtatampisaw na lamang
sa laan mong dalampasigan na bukana lang
ng tunay na taglay mong kaligayahan?