You can’t control everything, your hair was put on your head to remind you of that
maiksi, mahaba, shaggy, layered, boy-cut, may bangs, kinulayan.. lahat yan nagawa ko na sa buhok ko.. kapag mainit, pinapagupitan ko ito ng parang gupit panlalaki.. kapag trip ko namang magpahaba, di ako dumadalaw sa salon ng mga ilang buwan.. sa awa naman ng Diyos, halos lahat ng gupit ko sa buhok eh bumabagay naman kahit papano.. sabi nga nila diba, Your hair is your crowning glory.. kaya dapat laging maayos ang buhok natin.. kaya nga nauso ang mga conditioner, shampoo, pa-relax, pa-rebond para lang mapansin ang buhok natin at masabing “nakapangasawa ka ng mayaman no”.. pero syempre, ang isasagot natin eh “shinampoo lang yan”…
noong nasa highschool at college ako, feeling ko, connected ang buhok at puso ko.. weird pero totoo.. bakit? ganito kasi un…
kapag broken-hearted ako, nagpapagupit ako kaagad.. hehehe.. ito ay isa sa mga paraan ko para makalimot.. di ko na maalala kung san ko nabasa o kung sino nagsabi sa akin nun na nakakagaan daw ng loob kapag nagpagupit ka.. parang sa bawat buhok na nagugupit eh kasama ang problema kaya pagtapos mong magpagupit, ok ka na ulit.. ewan ko kung epektib sa ibang tao ito, pero sa akin kasi oo.. kaya nga ung unang beses akong masaktan, nagpagupit ako agad.. pagpasok ko ng iskul (classmate ko kasi ang ex ko), madaming nakapansin sa akin, pati ung ex ko.. lumiwanag daw ang aura ko.. masaya na ko nun, kahit na walang reconciliation na nangyari.. (ok na rin un, kesa naman, magpagupit na naman ako after 1 month diba?) ilang beses kong binago-bago ang gupit ng buhok ko hanggang sa nagpunta na kami dito sa States.. dahil na rin siguro medyo may kamahalan ang pagpapagupit, mapilitan akong magpahaba ng buhok.. ok naman sa umpisa..
pero mahirap din pala ang may mahabang buhok eh… dahil….
napansin ko ang buhok ko ngayon, medyo di na sya maganda.. magaspang na sya kapag di nalalagyan ng conditioner, merong konting split ends at kapag nagsusuklay ako, madaling maputol.. brittle daw ang tawag dun sabi sa commercial.. mula kasi noong di na ako nakakabili ng rejoice, sumubok na ako ng iba’t-ibang klase ng shampoo.. hanggang ngayon di pa rin ako nakakahanap ng tulad ng rejoice.. sa umpisa, maganda ang epekto ng shampoo pero pagtagal, nahihirapan na naman akong magsuklay.. tumigil na nga ako sa pabago-bago ng shampoo na ginagamit dahil sabi ng kapatid kong lalaki, malamang isa ito sa mga dahilan kaya pumapangit na ang buhok ko.. malamang nga tama sya.. pero kailangan ko pa rin ng shampoo na magiging masaya at kumportable ung buhok ko.. ung shampoo na muling mag-aalaga sa na-damage ko nang buhok..
baka naman may maisu-suggest ka?
***********
karmi’s note: dahil sa Biyernes Santo at walang magawa, nagawa ko ang post na ito habang nakaharap sa salamin.. naisipan kong magpagupit pero naisip ko na mas mura ang bumili na lamang ng conditioner kesa sa magpagupit.


![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)







