kwentong barbero

Post Info 1 year, 7 months ago by karmi

You can’t control everything, your hair was put on your head to remind you of that

maiksi, mahaba, shaggy, layered, boy-cut, may bangs, kinulayan.. lahat yan nagawa ko na sa buhok ko.. kapag mainit, pinapagupitan ko ito ng parang gupit panlalaki.. kapag trip ko namang magpahaba, di ako dumadalaw sa salon ng mga ilang buwan.. sa awa naman ng Diyos, halos lahat ng gupit ko sa buhok eh bumabagay naman kahit papano.. sabi nga nila diba, Your hair is your crowning glory.. kaya dapat laging maayos ang buhok natin.. kaya nga nauso ang mga conditioner, shampoo, pa-relax, pa-rebond para lang mapansin ang buhok natin at masabing “nakapangasawa ka ng mayaman no”.. pero syempre, ang isasagot natin eh “shinampoo lang yan”…

noong nasa highschool at college ako, feeling ko, connected ang buhok at puso ko.. weird pero totoo.. bakit? ganito kasi un…

kapag broken-hearted ako, nagpapagupit ako kaagad.. hehehe.. ito ay isa sa mga paraan ko para makalimot.. di ko na maalala kung san ko nabasa o kung sino nagsabi sa akin nun na nakakagaan daw ng loob kapag nagpagupit ka.. parang sa bawat buhok na nagugupit eh kasama ang problema kaya pagtapos mong magpagupit, ok ka na ulit.. ewan ko kung epektib sa ibang tao ito, pero sa akin kasi oo.. kaya nga ung unang beses akong masaktan, nagpagupit ako agad.. pagpasok ko ng iskul (classmate ko kasi ang ex ko), madaming nakapansin sa akin, pati ung ex ko.. lumiwanag daw ang aura ko.. masaya na ko nun, kahit na walang reconciliation na nangyari.. (ok na rin un, kesa naman, magpagupit na naman ako after 1 month diba?) ilang beses kong binago-bago ang gupit ng buhok ko hanggang sa nagpunta na kami dito sa States.. dahil na rin siguro medyo may kamahalan ang pagpapagupit, mapilitan akong magpahaba ng buhok.. ok naman sa umpisa..

pero mahirap din pala ang may mahabang buhok eh… dahil….

napansin ko ang buhok ko ngayon, medyo di na sya maganda.. magaspang na sya kapag di nalalagyan ng conditioner, merong konting split ends at kapag nagsusuklay ako, madaling maputol.. brittle daw ang tawag dun sabi sa commercial.. mula kasi noong di na ako nakakabili ng rejoice, sumubok na ako ng iba’t-ibang klase ng shampoo.. hanggang ngayon di pa rin ako nakakahanap ng tulad ng rejoice.. sa umpisa, maganda ang epekto ng shampoo pero pagtagal, nahihirapan na naman akong magsuklay.. tumigil na nga ako sa pabago-bago ng shampoo na ginagamit dahil sabi ng kapatid kong lalaki, malamang isa ito sa mga dahilan kaya pumapangit na ang buhok ko.. malamang nga tama sya.. pero kailangan ko pa rin ng shampoo na magiging masaya at kumportable ung buhok ko.. ung shampoo na muling mag-aalaga sa na-damage ko nang buhok..

baka naman may maisu-suggest ka? :)

 ***********
karmi’s note: dahil sa Biyernes Santo at walang magawa, nagawa ko ang post na ito habang nakaharap sa salamin.. naisipan kong magpagupit pero naisip ko na mas mura ang bumili na lamang ng conditioner kesa sa magpagupit.

Post a Response Comment icon Posted April 6th, 2007 at 9:53 pm

9 Responses to “ kwentong barbero ”

  1. miztakumi

    buti nalang kulot ako, hindi halata. hehe.

    ate try nyo po mag apply ng VIRGIN COCONUT OIL (ung iniinom po) sa buhok nyo. effective sya ate — promise. sa shampoo naman po, maganda din ung pantene. dati rejoice gamit ko kahit kulot ako ang lakas makapag pa dandruff. sa conditioner, try nyo po ng creamsilk. :D ung pink. or pantene conditioner din maganda :)

    awtz, nag advertise? :D

  2. karmi
    karmi

    @misztakumi - wala kasi dito sa San ANtonio nung coconut oil.. kakainis nga.. ang daming shampoo ko nang nasubukan pero ganon pa rin.. :( may sunsilk at pantene sila dito pero iba pa rin ata ung dyan sa pinas.. hehehe..

    maganda pa siguro magpadala na lang ako ng shampoo galing dyan no? hehehe.. ^_^

  3. malaya

    kng meron dyan, maghanap ka na lang ng coco milk (hindi yung nakalata ha?) o kya mag-alaga/magtanim ka ng gugo (hala kaya kaya ng klima dyan?). ang kulet! Rejoice lang ba kailangan mo? Padadalhan kita! hehehe

  4. cha
    cha

    try mo conditioner lang, wag ka mag-shampoo,,
    sabi kasi nila, masama raw yung laging shinashampoo yung hair,,

    ^advice lang sa kin

  5. ninong

    ewan ko, problema ko rin ang shampoo e… hehe… sa una lang umeepekto. :D hehe.

  6. ralphT

    lol

    binayaran ka ng rejoice? haha

    honga, ano kayang solusyon sa pangit na buhok? pangit kasi buhok ko. kaya laging maiksi ang gupit ko. hahahaha =P

  7. karmi
    karmi

    @ate karen - di ata kakayanin ng gugo ang klima dito ate, matutuyo eh..

    papadala ka ate? cge! hehhe.. email ko na lang ng address ko sau.. :D

    @cha - salamat sa advice.. nabasa ko nga rin sa isang magazine na dapat daw every other day ung pagsha-shampoo..

    @ninong - hehhe.. oo nga sa umpisa lang ung epekto.. :)

    @ralphT - webak kuya! hehehe..

    la ngang bayad ung rejoice eh.. free advertisement.. buti ka pa nga maiksi lang ung buhok.. madaling ayusin.. :)

  8. komski

    haay, sa simula’t sapul, ang buhok ko na ang isa sa mga pinoproblema ko sa buhay, hehe=) para kasing hindi na siya naging matino. ewan ko ba, minsan lang ako makuntento.

  9. karmi
    karmi

    @komski - magulo talaga ang buhok.. wan ko ba.. kaya rin cguro gumugulo ung mismong tao eh! hehehe.. :P

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.