ano nga bang tunay na meaning ng happiness?

Post Info 1 year, 7 months ago by karmi

title pa lang, post na..

para sayo, kelan mo nga ba masasabing masaya ka na talaga? ung kasiyahan na nararamdaman ng mga bata.. ung kasiyahan na gumagaan ang pakiramdam mo.. ung kasiyahan na wala ka nang iniisip pang problema, na di ka nakakaramdam ng guilt dahil masaya ka pero ung ibang tao hindi.. ano nga ba para sayo ang happiness?

pinagtanong-tanong ko ito, may nagsabi sa akin na contentment daw ang happiness.. oo nga naman, kapag kuntento ka na, masaya ka na.. wala ka nang hihilingin pang iba dahil nakuha mo na ang gusto  mo.. pero ang tao kasi minsan, walang kakuntentuhan, so ibig sabihin ba nito, di mo rin masasabi kung masaya ka na talaga? so ibig sabihin rin ba nito, sa tao ung problema dahil pede na nga syang maging masaya pero mas pinili pa rin nyang mamoroblema at magisip pa ng iba? maari..

may nagsabi rin na ang happiness daw eh ung magaan na pakiramdam, di maipaliwanag kaya’t wala kang ibang magawa kundi ang ngumiti na lamang.. happiness daw ung kapag masarap ung halakhak mo, na kapag tinatawanan mo ang sarili mong pagkakamali.. in short, kahit na mababaw lang ang dahilan eh nasisiyahan ka na.. ganito ang mga bata diba? di na sila nagiisip ng dahilan para maging masaya.. basta masaya sila, masaya sila.. ganon lang kasimple..

so bakit ba ganito ang post ko ngayon? medyo malabo rin nga eh.. dapat kasi masaya na ako ngayon eh, pero bakit parang hindi pa rin? kung kelan naman posible nang mangyari lahat ng plano, saka naman parang nawawalan ako ng pag-asa.. saka naman parang malabo..

ako nga siguro ang malabo.. sa akin nga siguro ang problema..

Happiness is a journey, not a destination….

Post a Response Comment icon Posted April 9th, 2007 at 10:03 pm

16 Responses to “ ano nga bang tunay na meaning ng happiness? ”

  1. malaya

    First ako. hehehe. Nito lang Mahal na Araw pinanood ko ang The Pursuit to Happyness ni Will Smith.

  2. malaya

    (Ano ba yan na-submit ko agad.)
    Anyway, napanood ko ang The Pursuit of Happyness ni Will Smith. Maganda ang movie na ito, in relation sa iyong post.

    Eto ang isang quote sa movie na naibigan ko. “You got a dream…you gotta protect it. People can do something themselves, they wanna tell you that you can’t do it. You wan’t something? Go get it. Period.”

    So kung ano man yang gusto mong gawin, Karmi. Go gurl! Wag kang tamarin, para maging happy ka na.

  3. malaya

    Syanga pala, paano ko ipapadala ang Rejoice mo? hehehe

  4. melai

    simple lang yan….
    wag gawing kumplikado ang buhay

  5. miztakumi

    para sakin ang Happiness is yung alam mong masaya ka na sa mga nagiging desisyon mo sa buhay. happiness ung wala kang nasasaktan na ibang tao. and you dont care what they say :)

    happiness din yung blessed ka because you dont think negative things and you count your blessings and you always praise God :)

    OT:
    miss karmi, ala po bang niyog jan? :D un nalang po gawin nyo po :D coconut oil :D

  6. ann
    ann

    Para rin sa akin happiness talaga ay contentment nga at satisfaction. Happy family and friends w/ good health, sapat na para maging happy.

  7. karmi
    karmi

    @ate malaya - balak ko nga ring bumili nung movie ni Will Smith.. maganda nga raw ung kwento eh.. :)

    pano nyo po papadala ung rejoice? hmmm.. email ko sa inyo ng address ko.. hehehe.. ^_^

    @ate melai - pinipilit ko pong gawing simple lang buhay, kaso pasaway ako eh.. hehehe.. kaya heto ako ngayon, namomoroblema ng di naman dapat..

    @miztakumi - yup, yan nga ang happiness.. kaso minsan, maiisip mo pa rin ung sasabihin ng ibang tao sa mga decision na gagawin mo.. lalo na ung mga apektado…

    may niyog naman po dito.. :)

    @ate ann - korak mami ann.. :) kaso minsan diba, di mo naman sinasadyang masaktan din ung mga taong nagpapaligaya sau.. lalo na kung di nila maintindihan ung mga plano mo.. pano na un?! itutuloy mo pa rin ba? hmmmm…

  8. miztakumi

    mis karmi, sabagay mali rin talaga nagagawa ng feedback or say ng tao. whether positibo or negative.

    mis karmi, ayan pwede na po kau mag hotoil ng buhok nyo po :D salamat as niyog. heheheh. peace po :D kung ayaw nyo po ng niyog, pede rin po yung mayonnaise. :D

  9. karmi
    karmi

    @miztakumi - o nga eh.. bakit ba kasi kailangang ganon no? hay.. hehehe..

    pede mayonnaise? talaga? aun, may mayonnaise dito ngayon sa bahay.. hehehe..

  10. kneenong
    kneenong

    hapiness is the opposite of loneliness :)

  11. karmi
    karmi

    @kneenong - aun eh! :) hehehe.. galing talaga ni kneenong ko.. the best ka!!! :D

    korak ka dyan!

  12. rHo
    rHo

    andito lang ako…. di ako nawawala! medyo busy sa mga kung ano! hihihi!! aymissshuuuu karmimay!

    happiness??! ako happy ako… nyahahaha! :) para sa akin, yung “contentment” ang nagpapasaya sa buhay ng isang tao! kahit pa gaano kababaw yan, basta kuntento ka.. for sure, magiging happy ka!

    e kamusta naman?! sabay ganun! hahaha! may dapat pa tayong pag-usapan… ayos na ba?! basta, tatawagan kita okies?! gudlak!

  13. manilenya

    wag ka kasing pasaway :)

  14. miztakumi

    ung purong mayo lang po ate. tapos apply mo sa buhok. hayaan mo lang po for 10mins. tapos rinse well nyo po after.

    *masama naging exp ko sa ganyan eh T___T mommy ko pinilit ako lagyan ng mayo sa buhok ko. katatapos ko lang maligo saka nilagyan ng mayo ung buhok ko. malalate na ako aun, minadali ko pag linis ng buhok ko, aun!! AMOY MAYONAISSE lang naman ako pumasok. amf ang kwento ko! haha

  15. karmi
    karmi

    @rho - i know happy ka sis! :) and im happy for you.. hehehe.. naks.. :)

    ahhh un ba? hehehe.. o nga eh, di pa kita nakakausap tungkol dun.. :) plano-plano na nga eh… cge tawag ka! :)

    @ate melai - mahirap ate! hehehe..

    @miztakumi - nyahahah.. ganon ba? so dapat pala di ako nagmamadali kung sakaling gagawin ko yan.. cge ma-try nga kapag wala akong pasok.. :)

  16. yal
    yal

    gnun bkit ka nmn ndi prng kuntentu ?yeah i thnk parehaz tau .hehe .

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.