dahil sa ingitera at isip-bata ako

13 Comments » April 10, 2007 » 1075 days ago
gadget and stuff

kanina habang naghihintay ako ng bus, may nakita akong babae, nakikinig sa PSP nya.. ang kulit.. ang gandang tingnan.. naisip ko tuloy bumili ng PSP ko.. ano nga kaya kung bumili ako ng sarili kong PSP? hmmmmm… feasible ba?

magkano nga ba ang isang PSP console? $200 kasi dati un eh.. kaya naman sa kung sa kaya pero masyadong mahal.. pero worth it naman siguro dahil madami ka rin namang magagawa sa PSP mo.. una, games — yup, madami rin namang games na mabibili, di rin naman ganon ka-mahal dahil may used games naman.. pangalawa, movies — pede pa akong manood ng movies dun.. pangatlo, internet — nakukuha nya ung wireless connection sa bahay namin.. panghuli, pede pang magsave ng pictures, songs at videos.. in short, lahat na nasa PSP.. feasible naman.. oo, pede.. bibili na ako ng PSP ko!

inintay ko ang 2 kong kapatid na lalaki dahil sila ang mga “games guru”.. tinanong ko pareho kung worth it ba ang bumili ng PSP.. ok lang naman daw.. pero sana PS3 na lang daw.. so nagpunta kami ng mall para magcanvass.. sabi ng kapatid ko, $175.99 daw ung huling kita nya.. ayos na rin.. kaya pa ng pera, sakto sahod din this week..

Read the rest of this entry »

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.