1 year, 7 months ago by karmi araw-araw double job ako.. araw-araw, halos ilang oras lang din ang tulog ko, depende na lang kung day-off ako dun sa isa kong trabaho.. di naman nakakapagod, enjoy pa nga.. enjoy ako dahil gusto ko naman ung ginagawa ko.. minsan busy, minsan din naman petiks lang ako.. minsan nga lang kailangan kong umabsent sa isa kong trabaho dahil sa sobrang pagod ko dun sa isa.. pero ayos lang, nakakabawi naman ako kinabukasan.. tambak man ang mga gagawin, kaya pa naman.. :)
pang-gabi ako sa una kong trabaho.. mula 12mn-9am ang oras ko.. ok naman ung kita, nakakabili pa naman ako ng mga luho ko at may pambayad pa sa mga kautangan.. sa ospital ako nagtatrabaho.. di ako nurse, sa computer operations ako ng ospital nagtatrabaho.. magdamag kaming nagbabantay ng mga servers, programs at applications na ginagamit ng mga users sa ospital.. magdamag nakaharap sa computer at nakikigamit ng internet.. sa 8 oras na un, minsan sumasakit ang mata ko.. minsan din ay dinadapuan ng antok.. masaya ako sa trabaho ko, kahit ano atang trabahong related sa computers, minamahal ko..
pagpatak ng 9am, aalis na ako sa trabaho ko para pumunta sa second job ko…
pagkalabas na pagkalabas ko ng ospital, sasakay ako ng bus, papunta sa pangalawa kong trabaho.. walang sahod, wala ring eksaktong oras kung anong oras ako makakarating.. walang clock in o clock out.. walang bossing dahil hawak ko ang oras ko.. saan ang pangalawa kong trabaho? sa bahay.. bilang isang blogger/youtuber/multiplier (may multiply account)/ka-friendster/chatter.. pagkadating ko ng bahay, magbibihis ako agad ng pambahay na kumportable ako.. di ko kailangang magpormal-pormalan dahil wala namang nakakakita sa akin.. pagtapos magbihis, kukunin ko na ang laptop ko at dadalhin ito sa kusina habang naghahanap ng malalafang.. iisa-isahin ko nang bibisitahin ang email ko, friendster at itong blog ko.. iisa-isahin ko na ring replyan lahat ng nag-message sa akin at dadalawin ang mga ka-blog habang kumakain ng noodles na may itlog.. walang eksaktong oras kung kelan ako magsisimula at matatapos.. depende rin kasi sa dami ng naka-pending na gagawin.. depende rin kong may kausap ako sa YM.. depende rin kong may pasok ako kinagabihan sa ospital.. kapag may pasok ako sa gabi, 1pm kailangang tulog na ako.. kung wala naman akong pasok, magO-OT ako para matapos kong panoorin ang mga chinovelang pinapanood ko sa youtube.. kaso madalas akong umabsent sa trabaho kong ito.. kapag kasi sobrang antok, natutulog na lang ako.. bumabawi na lang ako kinabukasan o kung kelan ako libre..
dalawa ang trabaho ko.. wala akong iiwan dahil kailangan ko pareho.. dahil kung wala ang isa, di ko kakayanin.. malamang, dahil kung aalis ako sa trabaho ko sa ospital, pano ko na lang magagawang bayaran lahat ng gastos ko sa pangalawa kong trabaho? at pano na lang ang social life ko kung di ako magiging active sa second job ko? :)
*************
ang post na ito ay na-inspire sa post ni ate melai tungkol sa kanyang amo at trabaho..
hasus! e kung nagpopro blogger ka e di may kita ka sana sa pagbablog lol!
@ate melai - un ba ung blogprofit ate? hehehe.. kaso kasi ang hirap sa akin, minsan tatamarin, minsan sisipagin.. pabago-bago ng isip.. diba? hehehe..
hindi yun, advertisement lang yun, yung magpost ka about blogging or anything na gagamit ka ng mga keywords na makakaattract ng magagandang ads syempre maglalagay ka ng google ads mo.
@ate melai - ahhh, iba nga pala un.. :) ads lang dito sa blog.. pede no? nagbo-blog ka na, nagkakapera ka pa! :) hehehe… pang-commercial na…
nako! di ka kaya mamatay ng maaga donya? kaya mu yan? dalawa? tsk, gurlaloo ka pa naman. :|
Oo nga karmi, mag-sign-up ka sa google adsense at nang mag-umpisa ka nang maging problogger :)
@bry - yakang-yaka kuya bry!! :D ako pa.. hehehe..
@kuya jlois - o nga kuya, para magkapera na! :P hehehe..
ang sipag naman. haay, wala akong napala sa google ads. i remember earning only .99 cents. lol. kaya tinigil ko na :)
@chelsea - hi.. :) kailangan eh.. hehehe.. minsan nga nitatamad na rin.. pero ang saya pa rin kasi ng double-job.. :)
hirap nga ring magmaintain ng google ads.. pwera na lang kung sikat na sikat na ung blog…
ang sipag naman ni bunso, bata pa lang papunta na sa pagiging donya…balato ko….
@ate cielo - hehhe.. sipag-sipagan lang ate.. :) nyahha.. donya karmi! sana nga po… :)