kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with: karmi | komski | komski
*plugoo chat (opens in new window)

  • Aira Bongco: Wow cute contest. Very nice idea. May questions po ako. Kailangan po ba matagal na yung blog? And also,...
  • enday: waaah… haba ng mechanics.. gusto kong sumali… haha.. hanap nga ako ng problema para madrama...
  • LJ: parang masaya ito! at parang ang galing mo ring mag-market :)) EMO nga ‘tas masaya hahaha. Pero oo, masaya...
  • jeniffer: ang sweet.. malayo man.. mararating din.. parang globe lang.. piniktyur pa talaga hehehe.. :) adik nga raw...
  • pmonchet: Ito na ang pagpapakalat ng contest. ang problema lang baka walang magbasa ng blog ko....
  • Rob: hindi man ako madrama, sadyang malungkot ang buhay ko. hindi nakakapagtaka na sa edad kong ito, hindi ko pa alam...

Subscribe to my feed




Hello=) Ako nga, isa rin nyan.
Sandali lang ha, marami pang order eh.
Ok, antayin ko na lang.

Isang epektibong business strategy talaga ang malaman mo kung anong produkto ang papatok sa mga tao. Kung anong bagay ang napapanahon, ang bebenta, ang pagkakaguluhan. Maging ito ma’y bulaklak at tsokolate tuwing valentines, gamit pang-eskwela kapag pasukan o kaya’y mga kandila’t glow-in-the-dark bracelets tuwing sasapit ang undas.

Pero kapag ganitong tag-araw at sobrang init ng panahon, na ang bahay mo’y nagmumukha nang isang malaking improvised solar-powered oven, ay wala na talagang makatatalo pa sa masarap at higit sa lahat ay malamig na halo-halo.

Dagdagan mo ng pinipig ha?
Gusto mo puro pinipig na lang eh, hehe=p
Nye, syempre hindi naman.

Para sa akin, the perfect halo-halo ay may pinipig, minatamis na saging na saba, nata de coco, beans, makukulay na sago’t gulaman, melon strings, langka, garbansos, leche flan, halaya, asukal, maraming gatas at nag-uumapaw na yelo. Iniisip ko pa lang, naglalaway na ako.

Pero kahit hindi isang perpektong halo-halo, kagaya ng hinihintay kong maserve sa akin ngayon, ay ok pa rin, basta ba kasing ganda niya ang nagbebenta.

Gusto mong lagyan ko ng leche flan?
Basta ba libre e, bakit hinde.
Oo, libre na dagdag=)

Makita ko pa lang siya’y napapawi na ang kainitan ng panahon na nadarama ko. Na para bang ang ihip ng hangi’y nagiging presko sa oras na masilayan ko ang kanyang mukha, di kaya’y marinig ang kanyang boses. Kaya nga hindi lang ang halo-halong itinitinda nila ang pinuputahan ko rito kundi higit dahil sa kanya mismo.

Pinagmamasdan ko siya habang ginagawa ang malamig na miryendang ito sa aking harapan. Una niyang inilalagay ang asukal sa malaking baso. Pagkatapos ay isa-isa niyang kukunin ang mga sahog sa garapon at kukutsarahin para maisama sa halo-halo. Isusunod naman niya ang ginadgad na yelo at kaunting leche flan bilang topping. Lalagyan niya ito ng gatas bilang panghuli.

Alam mo ba kung bakit nasa ilalim ang sahog ng halo-halo?

Nung una ay nauuna ang yelo at huling inilalagay ang sahog, ngunit ang naging tendency ng mga kumakain nito ay tirahin kaagad ang sahog imbis na haluin muna ito. At bakit pa ito tatawaging halo-halo kung hindi mo naman hahaluin? Kaya pinagpalit nila ang yelo sa sahog and the rest was history.

Madalas ganun naman talaga dapat di ba? We must dig in deeper to find something delightful. Kaya lang naman nasa taas ang sahog ng halo-halo sa Chowking ay para lang mas mahal tignan.

O, halo-halo mo.
Salamat=) Asa’n ang kutsara?
Ay sori, teka.

Sino kaya ang nagpangalan sa halo-halo? Parang uncreative naman kasi. Kung ang mga desserts sa ibang bansa, pangalan pa lang nakakatakam na, tulad ng sherbet, sundae, frostee, mousse, tapos sa atin, halo-halo? Ano yun, mix-mix?

Paabot nga ng asukal, parang ang tabang.
O? Ok naman na yung inilagay ko ah.
Ewan, parang ang tabang nito e.

Iniabot niya sa akin ang bote ng asukal at agad ko namang nilagyan at inihalo sa aking baso. Siguro ay hindi pa lang natutunaw masyado ang asukal kaya ganun ang lasa.

Penge pa ha, tabang talaga e.
Baka naman may nakain ka lang na matamis kanina.
Ganun ba ‘yon?
Oo kaya.

Mabuti na lang at tumigil pansamantala ang mga bumibili sa kanila kaya’t nakausap ko siya ngayon nang mas matagal sa karaniwan. Madalas kasi ay sobrang busy niya. Minsan pa nga e tinutulungan ko pa siya.

Tabang pa rin talaga.
Baka nga may nakain ka lang na mas matamis.
Hinde… Alam ko na..
O, tingin mo bakit?
Tama ka nga, nasasapawan lang ang lasa.
Sabi sa ‘yo e.
Nasasapawan nga, sobrang tamis kasi ng ngiti mo.
=) … … salamat *blush*

Kahit ang perpektong halo-halo ay hindi makatatapat sa tamis ng kanyang ngiti.

Kaw naman, joke lang yun, naniwala ka ata, hehe.
Langya ka, hinde no. Hmph.
‘Pag tanghali, halo-halo, tapos sa gabi, may barbeque.
Asensado e. Teka, babalik ka ba mam’ya?

Ang totoo, hindi kumpleto ang araw ko nang hindi kumakain dito sa kanila, este hindi pala, hindi kumpleto kapag hindi ko siya nakikita. Parang may kulang kapag hindi ko siya nakakausap di kaya’y masilip man lang kahit sandali’t masilayan ang nakabibighani niyang mukha.

Mamaya? Bakit naman ako babalik pa?
Ganun?
E hindi naman kasi ako aalis.
=)

Ang katawan, kailangan ng pagkain. Ang puso, kailangan ng minamahal.

Pac-man wagi!

San Antonio, Texas - Matapos ang walong rounds ng umaatikabong na laban, babalik ng pinas si Manny “Pacman” Pacquiao na lalong nagpatunay na sya nga ang “People’s Champ”. Napatumba nya ng dalawang beses si Jorge Solis sa kalagitnaan ng Round 8 sa kabila ng pagkakaroon nya ng hiwa sa kanyang kaliwang kilay. Ito ang itinatalang unang pagkatalo ni Solis at sya namang pang-44 na panalo ni Pacman. Di mapigilan ng bawat manonood sa loob ng Alamodome, Pinoy man o hindi, ang pagtili at pagsigaw sa bawat suntok na binibitawan ng bawat boksingero. Nakagawa na ng pangalan noon si Pacman dito sa San Antonio nang kanyang talunin si Marco Antonio Barrera at ngayo’y lalo syang ginagalang dahil panibagong Mexicano na naman ang kanyang napabagsak. Marahil ang pagkanta ni Geneva Cruz ng pambansang awit at ang libo-libong mga Pilipino sa buong mundo ang naging inspirasyon ni Pacman sa laban na ito. Tunay ngang ang laban nya’y laban ng bawat Pilipino.

ayos.. sports writer ang dating! hehehe.. :) waaaaaaaa.. panalo si Pacman!!!

Read the rest of this entry »