panalo si idol kuya master! :)

Add comments April 15, 2007 » 1068 days ago
sports minded

Pac-man wagi!

San Antonio, Texas – Matapos ang walong rounds ng umaatikabong na laban, babalik ng pinas si Manny “Pacman” Pacquiao na lalong nagpatunay na sya nga ang “People’s Champ”. Napatumba nya ng dalawang beses si Jorge Solis sa kalagitnaan ng Round 8 sa kabila ng pagkakaroon nya ng hiwa sa kanyang kaliwang kilay. Ito ang itinatalang unang pagkatalo ni Solis at sya namang pang-44 na panalo ni Pacman. Di mapigilan ng bawat manonood sa loob ng Alamodome, Pinoy man o hindi, ang pagtili at pagsigaw sa bawat suntok na binibitawan ng bawat boksingero. Nakagawa na ng pangalan noon si Pacman dito sa San Antonio nang kanyang talunin si Marco Antonio Barrera at ngayo’y lalo syang ginagalang dahil panibagong Mexicano na naman ang kanyang napabagsak. Marahil ang pagkanta ni Geneva Cruz ng pambansang awit at ang libo-libong mga Pilipino sa buong mundo ang naging inspirasyon ni Pacman sa laban na ito. Tunay ngang ang laban nya’y laban ng bawat Pilipino.

ayos.. sports writer ang dating! hehehe.. :) waaaaaaaa.. panalo si Pacman!!!

first time kong manood talaga ng isang boxing match.. di kasi ako nanonood ng boxing dahil naaawa ako dun sa mga boksingero.. wasak at maga na nga ang mukha, talo pa.. sakit siguro sa puso nun.. malamang no? kaso iba kasi ngayon, dahil sa dito sa San Antonio ginanap, at di kami makakapanood ng Live. talagang bumili pa kami sa Pay per view ng HBO para lang mapanood namin ung laban.. medyo mahal kasi ung ticket.. kaya ayos na rin ung PPV.. Live pa rin naman.. :)

medyo nakakatuwa nga lang ung laban.. lalo na ung mga tungkol kay Pacman.. sa bawat pakilala sa kanya, kasunod na ung “Congressional Candidate”.. kulang na nga lang na tawagin na rin syang Recording Artist (since kanta nya ung background music nya nung papasok na sya sa ring), Movie Star at Product Endorser.. alam na alam ng mga commentator na tatakbo sya sa eleksyon sa Mayo.. pati ung mga banner ng mga pinoy na nanonood eh may Vote for Manny na nakalagay.. hehehe, nagmistulang campaign rally na rin pala ang laban nya.. may nagsabi pa ngang commentator na sigurado na daw ang pagkapanalo nya kapag nanalo sya sa laban nya.. siguro.. malamang..

nasa headline ng Sports Section ng San Antonio Express-News kahapon (April 14):

Pacquaio, Solis box for honor
Filipino tries to sway voters, while Mexican fighter wants to avenge countrymen’s losses.

manalo man o manalo si Pacman sa pagtakbo nya, goodluck na lang sa kanya.. basta ma-KO lang sana nya ung mga pa-pampam sa gobyerno at di ung sasali pa sya.. :)

Mga Kahalintulad na Posts



13 Responses to “ panalo si idol kuya master! :) ”

  • ann says:

    Galing talaga si idol! Napasaya na naman nya ang lahat ng pinoy sa buong mundo.

    Hapy weekend Karmi. Busy pero nakasilip pa rin.

  • karmi says:

    @ate ann – pansin ko nga po medyo busy kau.. :)

    salamat sa pagsilip ate.. :D

  • malaya says:

    Kahit naman sino, proud sa kanyang galing bilang boksingero, kaya lang sana sa boxing na lang siya tumutok.

  • karmi says:

    @ate karen – opo, kahit di pinoy si pacman ang manok dito.. hay, sana nga po sa boksing na lang sya magconcentrate….

  • eli says:

    alam mo di ko napanood yan..busy kasi ako sa computer shop eh.. sira ung isang pc, try ko gawin pero si lois napanood nya, 6th round nga daw naging exciting! galing mo idul!

  • karmi says:

    @kuya eli – hehehe.. opo, 6th round kasi ung nagka-cut sya sa kilay.. at dun na nagsimula ang higanti! hehehe.. :D astig talaga kuya!

  • rHo says:

    naku naman, kagulo rin kami dito! sama-sama ang mga pinoy dito sa isang bahay! gaya nyo, kumuha rin kami ng PPV… ambagan kaming lahat at ang dami pang pagkain! haaay… ang saya ng weekend! hehehe!

    sana sa boxing na lang sya laging manalo!! hehehe!

  • karmi says:

    @rho – hehehe.. o nga, sakto ung pagtapos, papasok na ko ng trabaho.. ang saya!!! sayang nga lang di kami talaga nakapanood sa LIVE..

  • kisses says:

    ako nanalo din ;)

    musta na? mwuahhh

  • ralphT says:

    may Pacquiao dinner daw jan sa SA. kasama ka sa mga nagpiyesta?

  • karmi says:

    @ate neng – tapos na pa ang kampanyan ate? panalo na ba? :D

    miss na kita ah.. ok nman ako.. eh kaw po?

    @ralphT – talaga? may dinner? heheheheh.. di ko alam.. oo, kasama akong nakipiyesta – in spirit – kasi nasa trabaho ako eh.. :D

  • ralphT says:

    napanood ko sa TV… hehe.

    everytime daw na may laban si pareng Manny, nagpapa Pacquiao dinner ang Pinoy restau na yun. hehe

  • karmi says:

    @ralphT – aaaahhh.. hehehe, di ko kasi alam.. pero malamang nga na may dinner para kay pacman.. lalo na;t nanalo.. :)

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.