1 year, 7 months ago by karmi crush na kita noon pa, alam ko nga alam mo na eh.. alam na nga rin ata ng buong klase, pero gentleman ka pa rin dahil kahit na tinutukso tayo sa isa’t-isa di ka nagtake advantage sa sitwasyon.. tahimik ka lang at ngingiti-ngiti kapag inaasar tayong 2.. ako pa nga ang nahihiya para sayo, kung bakit pa kasi nakita nila ung tula na ginawa ko na nandon ang pangalan mo.. ano nga ba ang nagustuhan ko sayo? hmmm.. matangkad, gwapo rin naman, mabait at mapangasar din.. nakakatuwa kang panoorin kapag nakikipagkulitan ka sa mga kaklase nating lalake.. tapos ngingiti ka pa, hay.. wala na, mahuhulog na naman ako sa kinauupuan ko..
PE natin ngayon, social dance.. maghahanap ng dance partner.. bunutan ang mangyayari.. ilang santo na ata ang natawag ko para lang maging partners tayo.. pati ata ung mga kaklase natin eh gusto na tayo ang magkapareha.. tutal, pareho kasi tayong magaling sumayaw.. malamang sa malamang eh uno* na ang grade natin dito.. no sweat para sa atin, tapos malay mo pa maging more than dance partners tayo…. hay, iba pala ang epekto kapag hotdog lang ang nakain kapag lunch, gutom na nga, ang dami ko pang iniisip.. pero sana nga makapartner kita.. sana.. sana…
isa-isa nang nagtawag ung teacher natin, ikaw na ang susunod.. tumigil ata ang pintig ng puso ko pati na rin ang oras.. para akong aatakihin sa kaba.. sana ako.. sana ako…
………….. **
ha? ano? sino daw? bakit parang di ko ata pangalan ang nabanggit? hay, hindi nga.. dun ka pa na-partner sa pinagseselosan ko.. ayos! wala na, di ka na magiging akin.. wala nang pag-asa sa ating dalawa… dahil sa sobrang ka-depressan ko, di ko na narinig na tinawag na pala ako ng teacher natin.. may ibang dance partner rin ako.. nakakatuwa naman ung partner ko dahil maloko rin, pero di ko mapigilang hindi ka tingnan.. mukhang nage-enjoy ka rin eh.. saka bagay kayo ng partner mo…
uwian na.. halos sabay rin ung grupo mo at mga kaibigan kong lumabas ng eskwelahan.. pero wala akong ganang makipagbiruan.. di ka rin nagsasalita.. bigla ka na lang nagpaalam sa grupo mo at sa amin.. may daraanan ka pa sabi mo.. ni hindi ka nga tumingin sa akin.. lalo tuloy akong nalungkot.. nahalata iyon ng mga kaibigan ko kaya naman inalok nila akong tumabay muna sa bakery dun sa kanto.. wala akong gana pero dahil sa magiintay rin naman ako ng patok ***, pumayag na rin ako..
iniisip pa rin kita.. kung bakit ganito ako ka-apektado eh hindi naman tayo.. simpleng crush lang naman kita ah.. di na ako bumili ng pagkain, di ko na rin inintindi ung mga kwento ng mga kaibigan ko.. hay, ang tange ko talaga.. crush lang un.. crush lang… lumilipad na ang isip ko nang biglang makarinig ako ng hiyawan ng mga kaibigan ko.. nakaharap kasi sila sa akin at parang mga batang kinikiliti sa kilig.. di ko alam kung ano un, kaya’t lumingon ako patalikod.. at nandun ka.. o nga pala, kasabay mo kasi ung isa kong barkada pauwi.. nakalimutan ko.. nginitian lang kita dahil di ko naman alam kung anong sasabihin ko sayo.. pati ata ikaw eh nahiya na rin.. may hawak ka at inalok mo sa akin..
gusto mo ng Coke****?
at doon na nagsimula ang lahat….
*************
ang kwentong ito ay base sa tunay na buhay.. kaya’t kung kaklase kita noong 1st yr college malamang sa malamang kilala mo kung sino ang mga charcacter sa itaas.. :) wag ka na lang maingay.. hehehe..anong katapusan? naging partners kami sa loob ng 2 buwan.. pareho ng kaming marunong sumayaw pero magkaiba naman kami ng gustong tugtog.. kaya medyo di rin nagwork-out.. naisulat ko ito dahil sa naalala ko lamang sya habang umiinom ako ng Coke.. :)
–isang bote ng Coke ang title dahil ang pangit naman ata ng dahil sa Coke na naka-plastic.. hehehe..–
* - di uno ang naging grade ko sa social dance, 1.25 lang..
** - ayokong ilagay ung pangalan ng babaeng naka-partner nya.. mahirap na baka mapadpad siya dito sa blog ko.. hehehe..
*** - patok-un ung mga jeep na makukulay at malakas magpatugtog.. kadalasan mula sa skul ko hanggang cubao eh nakukuha ng 30 mins. na dapat eh 1 oras! kadalasan rin eh may magnanakaw na nakasakay..
**** - inalok nya ako ng Coke sa plastic.. hehehe.. di pa naman daw nya naiinuman un kaya’t sa akin na lang, bumili na lang sya ng bago.. :)
bat di Pepsi??? mas matamis pakinggan hehehe :P
naalala ko tuloy iyong crush ko noon, Rootbeer naman ang dahilan ;)
hmmm, gusto mo ng Coke, Karmi? Hehehe. Cno ba prof mo sa social dance. yan din PE ko dati eh…hehehe. Wala lang.
San ka nga pala sa Lucena, lapit kami sa RGR at sa Magbuhos Coliseum.
Reminiscing ito ah?, di kaya magselos si pare mo? :)
kinilig ako dito :)
social dance, kinuha ko rin yatang PE yan ewan ko kung nakapasa ako kasi sa dinami dami ng kinuha kong PE , yes as in sa dinami dami gayung dapat apat na PE lang :)
ate karmi.. namiss kita kaya eto.. bumalik ako… hahaha
mejo nahook ka ata sa coke ah. adeek ka na rin ba?? hihihi
hindi ako umiinom ng coke kasi acidic ako.. ewan ko o ayoko lang talaga nun…
hahaha… ^^ at ang swt nio.. kaya lang… bat nga kaya coke?dahil ba un ang sikat? noon at ngayon? bakit hnd pop, o pepsi, o royal??
@ate kisses - rootbeer ba ang dahilan ate? buti rootbeer at hindi beer talaga! hehehe.. actually, mas gusto ko nga ang pepsi kesa sa coke ngyon eh, nagkataon lang na binigay sa akin ung coke..:P
@ate karen - hehehe.. ^_^ may coke ka ba ate? sinong prof. ko sa social dance? di ko na maalala eh.. hehehe.. saka mga student teacher ung kadalasang nagtuturo sa amin..
sa may brgy. gulang-gulang kami ate.. di ko na maalala ug pangalan ng subdivision eh..
@kuya jlois - hehehe.. di naman po siguro.. wala na syang dapat ipagselos.. :)
ito’y alaala na lamang ng nakalipas.. naks!! hehehe..
@ate melai - kinilig ka ba ate? hehehe.. epektib!!! :P
nyahaha.. ilang PE ba nakuha mo ate?!
@potpot - buti na lang bumalik ka na!!! yehey!!! :) acidic ka pala.. eh di hindi sau pede kahit anong soda? pero ok na rin yan, at least di ka tataba! hehehe..
bkit coke? ewan.. hehehe.. un kasi siguro ung unang nabibili? sana pala tinanong ko sa kanya no? hehehe..
Yikee ang cute ng story :D hehehe galing naman, dahil nagrereminisce nakagawa ng true to life story :)
sis, sana man lang, Pepsi diba? para sosyal hahaha
@janis - hahaha.. salamat at nagustuhan mo.. :) nakakagawa nga ako ng kwento kapag madaming naaalala.. kaso, bihira namang lumalbas na maganda ung kwento ko.. hay.. hehehe..
@k - nyahaha.. sis naman, inalok na nga ako, la na akong right na magdemand ng pepsi diba> :P
hahahaha! karmi! kilalang kilala ko nga yang kolokoy na yan…:p eh hindi naman umiinom ng tubig yun eh puro coke lang…
hindi ko rin makakalimutan yang social dance na yan kasi yan ang kaisa isa kong PE na 1.75…yung iba 1.0 na lahat
@jesse - kilalang-kilala mo ba? hehehe.. malamang no?! kaw lang naman ata nakakaalam ng blog ko kaya safe pa!!! :P
yaman.. 1.0 lahat ng PE.. hehhe.. buti ka pa!!! :D
alam mo pala ung patok! haha! halimaw sa bilis yun! may nakasabay nga akong umiiyak doon eh! nakakatakot daw! ansaya kaya! :D
@kuya bry - hehehe.. kamusta naman ang pagbabalat? :P
oo naman, patokera ata to! hehehe.. nakakatakot na masaya! kaso naholdap na ko sa loob ng patok eh.. pero di un ang nagpatigil sa akin para makasakay ng patok! hehehe..
Uso nga sa atin ang coke na naka plastic dahil mahal ang bote.
Oo nga baka magselos si pare nyan.
uyyyy… reminiscing the past ha!! lagot ka kay pare! nyahahahaha!!
sana sinamahan na rin nya ng tinapay.. o db? instant meryenda ka na! nyahahaha!
@ate ann - actually, di pa nababasa to ni pare.. hehehe.. opo, mahal ang bote, tapos may deposito pa! hehehe..
@rho - nyahaha.. lagot ba? di naman.. :P loyal na to eh.. hehehe..
may tinapay naman syang binigay pero la lang, coke kasi ung una nyang inalok.. :)