bakit daw ako nagbo-blog?

Post Info 1 year, 7 months ago by karmi

medyo matagal-tagal na naman pala bago ako nakapag-update.. madami lang kasing ginagawa at wala sa hulog minsan kaya wala ring maisulat dito..

ok, ano bang post ko ngayon? tag-ay ulit galing sa aking pinakamamahal na ate melai.. BAKIT DAW AKO NAGBO-BLOG? hmmm.. bakit nga ba?

1. DAHIL SA GUSTO KO. natural diba? di naman ako gagawa ng blog kung ayaw ko.. matagal na rin akong blogger at nakailang lipat ng blog pero di pa rin ako nagsasawa.. minsan nga lang kulang sa oras magblog at walang mai-blog pero di pa rin mawawala sa puso’t isip ko ang blogging.. nasa dugo ko na nga ata.. :)

2. DAHIL SA MGA BAGONG KAIBIGANG NAKIKILALA. malayo ako sa Pinas kaya naman nakakatuwang simula noong nagblog ako, madami na akong nakilala.. nakakawala ng pagka-homesick dahil parang pamilya at kaibigan talaga ang turingan dito sa blogging community.. kahit na di nagkikita-kita, ramdam mong handa silang tumulong kahit na anong mangyari.. :)

3. DAHIL SA NAIPAPAKITA KO KUNG SINO TALAGA AKO. kapag masaya, i-blog lang.. kapag malungkot, why not magdrama sa blog, kapag naman galit, ilabas lang ang galit sa pagbo-blog. di ko kailangang mangpanggap na ibang tao dahil malalaman naman sa mga entries ko sa blog.. kung matagal man akong mag-update, ito’y dahil sa tinatamad ako o kaya nama’y tinatamad.. hehehe…

4. DAHIL NAGKAKABOSES AKO. di talaga ako outspoken na tao in real life kaya dito ko sa blog nailalabas lahat ng gusto kong sabihin.. parang ang dami kong alam kapag gumagawa ako ng entry.. di na matigil sa pagtipa sa keyboard dahil sa mabilis na paglabas ng ideya.. dito sa blog ko, feeling ko, mahalaga ang bawat salitang aking binibitawan..

5. DAHIL MADAMI AKONG NATUTUTUNAN. sobrang dami! dahil sa palitan ng kuro-kuro dito sa WWW, madami talaga akong nalalaman.. sa araw-araw na pagbo-bloghop ko, sari-saring impormasyon ang aking nasasagap.. para na rin akong nanood ng TV, nakinig sa radyo at nagbasa ng dyaryo.. :)

madami pang dahilan kung bakit ako nagbo-blog.. iba’t-iba ng dahilan ang bawat blogger pero iisa lang naman ang gusto nila, ito ay ang mai-share sa ibang tao ang buhay at kaalaman nila.. :)

Post a Response Comment icon Posted April 24th, 2007 at 10:48 pm

9 Responses to “ bakit daw ako nagbo-blog? ”

  1. melai

    kaya nga tuloy lang angblog…..hanggang sa walang hanggan :)

  2. rHo
    rHo

    korekek!! ang dami talagang reason… basta, ang blog e parang kasama na sa sistema natin! ang hirap tanggalin… adik na! hahahaha!

    susme! gagawin ko pa pala itong meme na ito! waaahhhh…. utan ko ke kay te pipz!

  3. malaya

    Hello Karmi! We have every reasons why we love blogging! Blogging rocks!

  4. ralphT

    … at sa kagustuhan mong magpahayag. :)

  5. eli
    eli

    geezz.. i always thought nagbo-blog ako para lang sakin, para marecord, ma document mga nangyayari sa buhay buhay..

    tama pala post mo, daming friends na nakikilala, daming natutunan, atbp…

    kaya naman, keep on blogging!

  6. Janis

    Tama! Lalo na yung una. Dahil gusto ko. :]
    Totoo naman eh. diba?

  7. karmi
    karmi

    @ate melai - korak ate! hanggang sa dulo ng walang hanggan… :)

    @rho - hahaha.. ang dami mo na atang utang na meme.. :P

    @ate karen - blogging rocks talag ate.. :D

    @ralphT - ..at sa kagustuhan kong mangulit! hehehe..

    @kuya eli - kaya rin naman tau nagbo-blog eh para sa sarili natin, un naman talaga ung unang dahilan.. pero eventually, dumarami na ang ating kaibigan at nalalaman,, kaya rin tau patuloy na nagbo-blog… :)

    @janis - naman.. tama ka sister! :D

  8. potpot

    hihihi.. makes me think ha. :) baket nagboblog.. ang dameng reason. at hindi ko alam kung san magsisimula. kaya nga nung huminto ako magblog for a while, mejo naging boring ang buhay ko. :)

  9. karmi
    karmi

    @potpot - naman sis, tama ka!!! hehehe.. kulang talaga ang buhay kapag walang blogging..

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.