rockstar wannabe

Add comments April 27, 2007 » 1055 days ago
gadget and stuff

idol ko sina avril lavigne, michelle branch, kitchie nadal, barbie almalbis at yeng constatino.. paborito at idol ko sila dahil magaling silang lahat mag-gitara at gumawa ng kanta.. naalala ko nga nung highschool ako, nagpumilit talaga akong mag-aral maggitara.. tinuruan ako ng aking kapatid na lalaki ng mga chords at nag-aral ng mga kantang madaling gitarahin pero sa huli, Leaving on a Jetplane lang ang mejo matino kong natutugtog.. kinaiinggitan ko ang aking mga pinsang babae dahil sa tuwing magkikita-kita kami, halinhinan sila sa paggigitara, samantalang ako’y audience lamang o kaya nakikikanta rin.. sabi ko, ang galing nila.. pano nila nagagawa un.. di ko kasi mapagsabay ang pagtipa ng chords at pag-strum ng string.. magaling akong magmulti-task pero di ko talaga kinaya un… dumaan ang ilang taon, nawalan na ako ng interest sa pag-aaral ng gitara.. siguro nga di lahat ng tao may angking kagalingan sa pagtugtog ng kahit anong instrumento… o baka naman ibang inrtrumento ang kaya kong tugtugin… baka nga naman….

pa-graduate na ako ng highschool nang mahilig akong gumawa ng tula.. sabi nila lapatan mo lang daw ng melody o tono ang tula na iyong ginawa, instant kanta na.. muling bumalik ang aking pagkagustong matutong mag-gitara.. gusto kong gumawa ng kanta.. gusto kong ilabas ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng awit.. pero di pala ganon kadali.. nalaman ko ring di sapat ang self-study na ginagawa ko, inborn gift o kaya nama’y mula pagkabata pa lang eh dapat mahilig na ako sa pagtugtog.. eh ang kaso, di ako nahilig sa musika noon.. muli kong iniwan ang pangarap na maging musikero.. patuloy akong humanga sa mga bagong talent na isinasakatuparan ang aking pangarap.. pero ayos lang sa akin.. dahil sa ibang paraan na lang ako nagpapahayag ng damdamin.. :)

kanina nagpunta kami ng kapatid ko sa Game Stop, bibili sana ng bagong bala para sa PSP ko.. may nakita ako, Galaga.. :) nice, gustong-gusto ko ung larong un.. may nakita na ring game ung kapatid ko.. kaso di namin nabili.. iba ang binili namin….


guitar hero II

Guitar Hero.. di man totoong gitara, isa namang game na nagre-require ng mabilis na kamay at mata.. :) sakto! hehehe.. may trial game kasi dun sa binibilhan namin ng mga bala kaya sinubukan ko.. nakakaaliw.. parang totoong naggigitara pa rin.. matagal ko na ring gustong bumili nito eh.. matagal ko nang gustong laruin.. sa wakas nakabili na rin.. :) salamat rin sa aking kapatid na pumayag namang maghati kami..

paguwi ng bahay, ginamit na namin kaagad.. tama nga ung mga taong nagsasabi na nakaka-addict ito.. :D muling bumalik ang pagkagusto ko sa pag-gigitara.. malay nga naman natin, sa susunod, totoong gitara na ang gamitin at pag-aralan ko.. sana.. sana.. :)


nga pala, bagay na bang maging rakista? :D

Mga Kahalintulad na Posts



2 Responses to “ rockstar wannabe ”

  • eli says:

    wow, though mas cute ung girl na drummer, cute na cute din gitarista! dapat ipagpatuloy mo yan!.. Don’t worry sa una lang mahirap, pag napaka kapal na ng kalyo ng left hand mo, matututo ka na..hehehe..

    good luck!

  • karmi says:

    @kuya eli – hehehe.. mas kyut ba ang girl na drummer? :) gusto ko ring matutong magdrums eh, kaso di naman pede sa bahay.. ang ingay na nga namin, sosobra pa!!! hehehe.. :)

    salamat kuya..

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.