rockstar wannabe

Posted almost 5 years ago gadget and stuff

idol ko sina avril lavigne, michelle branch, kitchie nadal, barbie almalbis at yeng constatino.. paborito at idol ko sila dahil magaling silang lahat mag-gitara at gumawa ng kanta.. naalala ko nga nung highschool ako, nagpumilit talaga akong mag-aral maggitara.. tinuruan ako ng aking kapatid na lalaki ng mga chords at nag-aral ng mga kantang madaling gitarahin pero sa huli, Leaving on a Jetplane lang ang mejo matino kong natutugtog.. kinaiinggitan ko ang aking mga pinsang babae dahil sa tuwing magkikita-kita kami, halinhinan sila sa paggigitara, samantalang ako’y audience lamang o kaya nakikikanta rin.. sabi ko, ang galing nila.. pano nila nagagawa un.. di ko kasi mapagsabay ang pagtipa ng chords at pag-strum ng string.. magaling akong magmulti-task pero di ko talaga kinaya un… dumaan ang ilang taon, nawalan na ako ng interest sa pag-aaral ng gitara.. siguro nga di lahat ng tao may angking kagalingan sa pagtugtog ng kahit anong instrumento… o baka naman ibang inrtrumento ang kaya kong tugtugin… baka nga naman….

pa-graduate na ako ng highschool nang mahilig akong gumawa ng tula.. sabi nila lapatan mo lang daw ng melody o tono ang tula na iyong ginawa, instant kanta na.. muling bumalik ang aking pagkagustong matutong mag-gitara.. gusto kong gumawa ng kanta.. gusto kong ilabas ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng awit.. pero di pala ganon kadali.. nalaman ko ring di sapat ang self-study na ginagawa ko, inborn gift o kaya nama’y mula pagkabata pa lang eh dapat mahilig na ako sa pagtugtog.. eh ang kaso, di ako nahilig sa musika noon.. muli kong iniwan ang pangarap na maging musikero.. patuloy akong humanga sa mga bagong talent na isinasakatuparan ang aking pangarap.. pero ayos lang sa akin.. dahil sa ibang paraan na lang ako nagpapahayag ng damdamin.. :)

kanina nagpunta kami ng kapatid ko sa Game Stop, bibili sana ng bagong bala para sa PSP ko.. may nakita ako, Galaga.. :) nice, gustong-gusto ko ung larong un.. may nakita na ring game ung kapatid ko.. kaso di namin nabili.. iba ang binili namin….

Read the rest of this entry »

blanko

Posted almost 5 years ago emo daw, LSS

Blanko – Session Road

Blanko
walang laman ang isip ko
Blanko
bulag at para bang tuliro
Blanko
walang halong biro
Blanko…

Blanko
di alam kung saan magtatagpo
Blanko
bumabalik na naman sa iyo
Blanko
pangarap na sadyang totoo
Blanko…

[refrain]
pikit matang sumusunod
sa yakap mo nalulunod
at hindi makaramdam
mula nung ika’y nagpaalam

Blanko
sabik sa alaala mo
Blanko
di sinasadyang maging ganito
Blanko
nananaginip pang palayo
Blanko

Blanko
limilipad sumasaiyo
Blanko
inaalay lahat ng ito
Blanko
patawad sa kahinaan ko
Blanko…

[repeat chorus]

at hindi makaramdam
mula nung ika’y nagpaalam
Blanko(Blanko)
Blanko(Blanko)
Blanko(Blanko)

di ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman.. nakakapagod nang magalit, nakakapagod nang magpatawad.. nakakapagod na ang ganito…

mabuti pa atang blanko na lang…….

bakit daw ako nagbo-blog?

Posted almost 5 years ago meme

medyo matagal-tagal na naman pala bago ako nakapag-update.. madami lang kasing ginagawa at wala sa hulog minsan kaya wala ring maisulat dito..

ok, ano bang post ko ngayon? tag-ay ulit galing sa aking pinakamamahal na ate melai.. BAKIT DAW AKO NAGBO-BLOG? hmmm.. bakit nga ba?

1. DAHIL SA GUSTO KO. natural diba? di naman ako gagawa ng blog kung ayaw ko.. matagal na rin akong blogger at nakailang lipat ng blog pero di pa rin ako nagsasawa.. minsan nga lang kulang sa oras magblog at walang mai-blog pero di pa rin mawawala sa puso’t isip ko ang blogging.. nasa dugo ko na nga ata.. :)

2. DAHIL SA MGA BAGONG KAIBIGANG NAKIKILALA. malayo ako sa Pinas kaya naman nakakatuwang simula noong nagblog ako, madami na akong nakilala.. nakakawala ng pagka-homesick dahil parang pamilya at kaibigan talaga ang turingan dito sa blogging community.. kahit na di nagkikita-kita, ramdam mong handa silang tumulong kahit na anong mangyari.. :)

3. DAHIL SA NAIPAPAKITA KO KUNG SINO TALAGA AKO. kapag masaya, i-blog lang.. kapag malungkot, why not magdrama sa blog, kapag naman galit, ilabas lang ang galit sa pagbo-blog. di ko kailangang mangpanggap na ibang tao dahil malalaman naman sa mga entries ko sa blog.. kung matagal man akong mag-update, ito’y dahil sa tinatamad ako o kaya nama’y tinatamad.. hehehe…

4. DAHIL NAGKAKABOSES AKO. di talaga ako outspoken na tao in real life kaya dito ko sa blog nailalabas lahat ng gusto kong sabihin.. parang ang dami kong alam kapag gumagawa ako ng entry.. di na matigil sa pagtipa sa keyboard dahil sa mabilis na paglabas ng ideya.. dito sa blog ko, feeling ko, mahalaga ang bawat salitang aking binibitawan..

5. DAHIL MADAMI AKONG NATUTUTUNAN. sobrang dami! dahil sa palitan ng kuro-kuro dito sa WWW, madami talaga akong nalalaman.. sa araw-araw na pagbo-bloghop ko, sari-saring impormasyon ang aking nasasagap.. para na rin akong nanood ng TV, nakinig sa radyo at nagbasa ng dyaryo.. :)

madami pang dahilan kung bakit ako nagbo-blog.. iba’t-iba ng dahilan ang bawat blogger pero iisa lang naman ang gusto nila, ito ay ang mai-share sa ibang tao ang buhay at kaalaman nila.. :)

dahil sa isang bote ng Coke

Posted almost 5 years ago inlove, writings

crush na kita noon pa, alam ko nga alam mo na eh.. alam na nga rin ata ng buong klase, pero gentleman ka pa rin dahil kahit na tinutukso tayo sa isa’t-isa di ka nagtake advantage sa sitwasyon.. tahimik ka lang at ngingiti-ngiti kapag inaasar tayong 2.. ako pa nga ang nahihiya para sayo, kung bakit pa kasi nakita nila ung tula na ginawa ko na nandon ang pangalan mo.. ano nga ba ang nagustuhan ko sayo? hmmm.. matangkad, gwapo rin naman, mabait at mapangasar din.. nakakatuwa kang panoorin kapag nakikipagkulitan ka sa mga kaklase nating lalake.. tapos ngingiti ka pa, hay.. wala na, mahuhulog na naman ako sa kinauupuan ko..

PE natin ngayon, social dance.. maghahanap ng dance partner.. bunutan ang mangyayari.. ilang santo na ata ang natawag ko para lang maging partners tayo.. pati ata ung mga kaklase natin eh gusto na tayo ang magkapareha.. tutal, pareho kasi tayong magaling sumayaw.. malamang sa malamang eh uno* na ang grade natin dito.. no sweat para sa atin, tapos malay mo pa maging more than dance partners tayo…. hay, iba pala ang epekto kapag hotdog lang ang nakain kapag lunch, gutom na nga, ang dami ko pang iniisip.. pero sana nga makapartner kita.. sana.. sana…

isa-isa nang nagtawag ung teacher natin, ikaw na ang susunod.. tumigil ata ang pintig ng puso ko pati na rin ang oras.. para akong aatakihin sa kaba.. sana ako.. sana ako…

………….. **

ha? ano? sino daw? bakit parang di ko ata pangalan ang nabanggit? hay, hindi nga.. dun ka pa na-partner sa pinagseselosan ko.. ayos! wala na, di ka na magiging akin.. wala nang pag-asa sa ating dalawa… dahil sa sobrang ka-depressan ko, di ko na narinig na tinawag na pala ako ng teacher natin.. may ibang dance partner rin ako.. nakakatuwa naman ung partner ko dahil maloko rin, pero di ko mapigilang hindi ka tingnan.. mukhang nage-enjoy ka rin eh.. saka bagay kayo ng partner mo…

Read the rest of this entry »

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.