because Love Stood Still

Posted 5 years ago LSS

Love Stood Still

Love was a lighthouse
Guiding the way
We were two boats on the ocean
Following shadows that led us astray
Case of mistake and emotion
Suddenly you’ve drifted back to my arms
And while we are lost in the dark

[chorus]
Love stood still
Movin’ us together
Love stool still
Leading us towards each other
Now we’re back at the start
‘Coz while we were apart
Love stood still

Love was a fire
Burned down to the close
Waiting for something to spark
We were two fireflies
Thrown to the glow
Saying you lit the flames in my heart
I had my reasons for letting you go
But holding you again
I know

[repeat chorus]

Now you ask me to stay
I’ll always feel this way
Now that nothing has ever changed

[repeat chorus]

Love stood still

current LSS ko ung song ng MYMP sa New Horizon album nila entitled “Love Stood Still”.. ganda ng melody at ang ganda ng boses ni Juris! hmm.. naisip ko lang, maybe love does stood still kapag magkalayo kayo ng mahal mo.. na kung kayo na talaga ang para sa isa’t-isa kahit ano pang mangyari, eh kayo na talaga.. in God’s time sabi nga nila, mangyayari ang dapat mangyari..

kung kayo, kayo talaga..

eh pano mo malalaman kung sya na nga talaga? sapat ba na dahil sa mahal mo sya at mahal ka nya? eh bakit minsan kahit na alam mo sa sarili mo na mahal ka nga nya, di mo pa rin mapigilang magisip na baka may iba na syang gusto? kung kayo, kayo talaga.. totoo kaya na kahit na makakilala ng iba eh kung mahal ka talaga nya, ikaw pa rin ang pipiliin? pano mo namang pagkakatiwalaan muli ung mahal mo kung inamin nya sayo na nagkamali sya? malamang papatawarin mo pa rin sya dahil mahal mo eh.. hay, ang hirap magisip…

I had my reasons for letting you go
But holding you again
I know

Love stood still
Movin’ us together
Love stool still
Leading us towards each other
Now we’re back at the start
‘Coz while we were apart
Love stood still

ang pagmamahal talaga kumplikado..

o di kaya, ginugulo lang kasi ng taong inlove?

meme galing kay ate melai

Posted 5 years ago blabbers, meme

sabi ko nga kay ate melai, saktong-sakto ung meme nya para sa akin dahil hanggang ngayon eh wala pa rin akong maisip na maipost.. kung di siguro ako binato ng meme na ‘to, pihadong next week pa ako muling makakapagupdate.. ^_^

ung unang meme eh ang sabi, list 7 songs that simply moves me.. 7 lang? hehehe.. sa dami kong nagugustuhang kanta ngayon, mahihirapan ata akong makapili ng 7 lang.. pero since 7 lang talaga, eto na ung 7 na kanta ko..

Love Stood Still – MYMP

Love stood still
Movin’ us together
Love stool still
Leading us towards each other
Now we’re back at the start
‘Coz while we were apart
Love stood still

Somewhere Only We Know – Keane

Oh, simple thing, where have you gone?
I’m getting old and I need something to rely on.
So tell me when you’re gonna let me in,
I’m getting tired and I need somewhere to begin.
AND if you have a minute why don’t we go,
Talk about it somewhere only we know?
This could be the end of everything.
So why don’t we go, somewhere only we know,
Somewhere only we know.

Only Reminds Me of You – MYMP

I tried to run from your side
But each place I hide
It only reminds me of you
When i turn out of the lights
Even the night
It only reminds me of you

May Tama Ako – Jay-R Siaboc

Walang saysay ang sinasabi kaya’t hindi mo mawari
Kung iimik pa ba o mananahimik na lang
At sa tuwing nagpapaliwanag pakinggan mo naman ito
Akala mo’y ikaw lang ang marunong tumama
Paminsan-minsan tama rin ako, may tama rin ako

Hiling – Frio

Ngumiti ka naman, wag ka nang lumisan
Nang mapawi na ang lahat ng sakit na nararamdaman
Ngumiti ka naman, wag ka nang lumisan
At kapiling ko ang lungkot sa akin pag-iisa
Kung wala ka na

Mine – Kim Chiu

Out of my mind
But still i see you here
Out of my time
But still i’m waiting here
I know there’s no way
But i know someday
You will end up in this heart of mine

Could not ask for more – Edwin McCain

I could not ask for more than this time together
I could not ask for more than this time with you
Every prayer has been answered
Every dream I have’s come true
And right here in this moment is right where I’m meant to be
Here with you here with me

second meme na.. :) 

FOUR JOBS I HAVE HAD
1. document analyst sa isang shipping company
2. sales and support agent sa isang call center
3. retail employee sa isang restaurant/store
4. computer analyst sa isang ospital

FOUR MOVIES I HAVE WATCHED OVER AND OVER
1. The Wedding Singer
2. 50 First Dates
3. A Walk to Remember
4. Cars

FOUR PLACES I HAVE LIVED:
1. Pilipinas
2. USA
3. to be announced
4. to be announced

FOUR TV SHOWS I LIKE TO WATCH:
1. Charmed
2. American Idol
3. kahit ano sa MTV/VH1
4. Sana Maulit Muli?

FOUR PLACES I HAVE BEEN ON VACATION:
1. Quezon
2. Tagaytay
3. sa bahay namin sa Marang Kaliwa, Proj. 2, QC?
4. Batangas

FOUR OF MY FAVORITE FOODS:
1. food ba ung mocha frapp?
2. chicken manok magnolia
3. kahit ano sa chinese restaurant
4. McDonalds Double Cruncher

FOUR PLACES I WOULD RATHER BE RIGHT NOW:
1. Pinas
2. Pinas
3. Pinas
4. Pinas ulit

FOUR PEOPLE WHO WILL ANSWER THIS MEME:
– di ko na lang ipapasa ‘to.. basta kung sino na lang gustong sumagot.. :)

done! ^_^

Kung bakit nasa ilalim ang sahog ng halo-halo

Posted 5 years ago Uncategorized

Hello=) Ako nga, isa rin nyan.
Sandali lang ha, marami pang order eh.
Ok, antayin ko na lang.

Isang epektibong business strategy talaga ang malaman mo kung anong produkto ang papatok sa mga tao. Kung anong bagay ang napapanahon, ang bebenta, ang pagkakaguluhan. Maging ito ma’y bulaklak at tsokolate tuwing valentines, gamit pang-eskwela kapag pasukan o kaya’y mga kandila’t glow-in-the-dark bracelets tuwing sasapit ang undas.

Pero kapag ganitong tag-araw at sobrang init ng panahon, na ang bahay mo’y nagmumukha nang isang malaking improvised solar-powered oven, ay wala na talagang makatatalo pa sa masarap at higit sa lahat ay malamig na halo-halo.

Dagdagan mo ng pinipig ha?
Gusto mo puro pinipig na lang eh, hehe =P
Nye, syempre hindi naman.

Para sa akin, the perfect halo-halo ay may pinipig, minatamis na saging na saba, nata de coco, beans, makukulay na sago’t gulaman, melon strings, langka, garbansos, leche flan, halaya, asukal, maraming gatas at nag-uumapaw na yelo. Iniisip ko pa lang, naglalaway na ako.

Pero kahit hindi isang perpektong halo-halo, kagaya ng hinihintay kong maserve sa akin ngayon, ay ok pa rin, basta ba kasing ganda niya ang nagbebenta.

Gusto mong lagyan ko ng leche flan?
Basta ba libre e, bakit hinde.
Oo, libre na dagdag =)

Makita ko pa lang siya’y napapawi na ang kainitan ng panahon na nadarama ko. Na para bang ang ihip ng hangi’y nagiging presko sa oras na masilayan ko ang kanyang mukha, di kaya’y marinig ang kanyang boses. Kaya nga hindi lang ang halo-halong itinitinda nila ang pinuputahan ko rito kundi higit dahil sa kanya mismo.

Pinagmamasdan ko siya habang ginagawa ang malamig na miryendang ito sa aking harapan. Una niyang inilalagay ang asukal sa malaking baso. Pagkatapos ay isa-isa niyang kukunin ang mga sahog sa garapon at kukutsarahin para maisama sa halo-halo. Isusunod naman niya ang ginadgad na yelo at kaunting leche flan bilang topping. Lalagyan niya ito ng gatas bilang panghuli.

Alam mo ba kung bakit nasa ilalim ang sahog ng halo-halo?

Nung una ay nauuna ang yelo at huling inilalagay ang sahog, ngunit ang naging tendency ng mga kumakain nito ay tirahin kaagad ang sahog imbis na haluin muna ito. At bakit pa ito tatawaging halo-halo kung hindi mo naman hahaluin? Kaya pinagpalit nila ang yelo sa sahog and the rest was history.

Madalas ganun naman talaga dapat di ba? We must dig in deeper to find something delightful. Kaya lang naman nasa taas ang sahog ng halo-halo sa Chowking ay para lang mas mahal tignan.

O, halo-halo mo.
Salamat=) Asa’n ang kutsara?
Ay sori, teka.

Sino kaya ang nagpangalan sa halo-halo? Parang uncreative naman kasi. Kung ang mga desserts sa ibang bansa, pangalan pa lang nakakatakam na, tulad ng sherbet, sundae, frostee, mousse, tapos sa atin, halo-halo? Ano yun, mix-mix?

Paabot nga ng asukal, parang ang tabang.
O? Ok naman na yung inilagay ko ah.
Ewan, parang ang tabang nito e.

Iniabot niya sa akin ang bote ng asukal at agad ko namang nilagyan at inihalo sa aking baso. Siguro ay hindi pa lang natutunaw masyado ang asukal kaya ganun ang lasa.

Penge pa ha, tabang talaga e.
Baka naman may nakain ka lang na matamis kanina.
Ganun ba ‘yon?
Oo kaya.

Mabuti na lang at tumigil pansamantala ang mga bumibili sa kanila kaya’t nakausap ko siya ngayon nang mas matagal sa karaniwan. Madalas kasi ay sobrang busy niya. Minsan pa nga e tinutulungan ko pa siya.

Tabang pa rin talaga.
Baka nga may nakain ka lang na mas matamis.
Hinde… Alam ko na..
O, tingin mo bakit?
Tama ka nga, nasasapawan lang ang lasa.
Sabi sa ‘yo e.
Nasasapawan nga, sobrang tamis kasi ng ngiti mo.
=) … … salamat *blush*

Kahit ang perpektong halo-halo ay hindi makatatapat sa tamis ng kanyang ngiti.

Kaw naman, joke lang yun, naniwala ka ata, hehe.
Langya ka, hinde no. Hmph.
‘Pag tanghali, halo-halo, tapos sa gabi, may barbeque.
Asensado e. Teka, babalik ka ba mam’ya?

Ang totoo, hindi kumpleto ang araw ko nang hindi kumakain dito sa kanila, este hindi pala, hindi kumpleto kapag hindi ko siya nakikita. Parang may kulang kapag hindi ko siya nakakausap di kaya’y masilip man lang kahit sandali’t masilayan ang nakabibighani niyang mukha.

Mamaya? Bakit naman ako babalik pa?
Ganun?
E hindi naman kasi ako aalis.
=)

Ang katawan, kailangan ng pagkain. Ang puso, kailangan ng minamahal.

panalo si idol kuya master! :)

Posted 5 years ago sports minded

Pac-man wagi!

San Antonio, Texas – Matapos ang walong rounds ng umaatikabong na laban, babalik ng pinas si Manny “Pacman” Pacquiao na lalong nagpatunay na sya nga ang “People’s Champ”. Napatumba nya ng dalawang beses si Jorge Solis sa kalagitnaan ng Round 8 sa kabila ng pagkakaroon nya ng hiwa sa kanyang kaliwang kilay. Ito ang itinatalang unang pagkatalo ni Solis at sya namang pang-44 na panalo ni Pacman. Di mapigilan ng bawat manonood sa loob ng Alamodome, Pinoy man o hindi, ang pagtili at pagsigaw sa bawat suntok na binibitawan ng bawat boksingero. Nakagawa na ng pangalan noon si Pacman dito sa San Antonio nang kanyang talunin si Marco Antonio Barrera at ngayo’y lalo syang ginagalang dahil panibagong Mexicano na naman ang kanyang napabagsak. Marahil ang pagkanta ni Geneva Cruz ng pambansang awit at ang libo-libong mga Pilipino sa buong mundo ang naging inspirasyon ni Pacman sa laban na ito. Tunay ngang ang laban nya’y laban ng bawat Pilipino.

ayos.. sports writer ang dating! hehehe.. :) waaaaaaaa.. panalo si Pacman!!!

Read the rest of this entry »

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.