bakit kasi apektado?
eh ganon talaga…
kundiman[dot]netdahil ang tanging panalangin ko ay ikaw.
double-job
Posted 5 years ago
blabbers
araw-araw double job ako.. araw-araw, halos ilang oras lang din ang tulog ko, depende na lang kung day-off ako dun sa isa kong trabaho.. di naman nakakapagod, enjoy pa nga.. enjoy ako dahil gusto ko naman ung ginagawa ko.. minsan busy, minsan din naman petiks lang ako.. minsan nga lang kailangan kong umabsent sa isa kong trabaho dahil sa sobrang pagod ko dun sa isa.. pero ayos lang, nakakabawi naman ako kinabukasan.. tambak man ang mga gagawin, kaya pa naman.. :) pang-gabi ako sa una kong trabaho.. mula 12mn-9am ang oras ko.. ok naman ung kita, nakakabili pa naman ako ng mga luho ko at may pambayad pa sa mga kautangan.. sa ospital ako nagtatrabaho.. di ako nurse, sa computer operations ako ng ospital nagtatrabaho.. magdamag kaming nagbabantay ng mga servers, programs at applications na ginagamit ng mga users sa ospital.. magdamag nakaharap sa computer at nakikigamit ng internet.. sa 8 oras na un, minsan sumasakit ang mata ko.. minsan din ay dinadapuan ng antok.. masaya ako sa trabaho ko, kahit ano atang trabahong related sa computers, minamahal ko.. pagpatak ng 9am, aalis na ako sa trabaho ko para pumunta sa second job ko… pagkalabas na pagkalabas ko ng ospital, sasakay ako ng bus, papunta sa pangalawa kong trabaho.. walang sahod, wala ring eksaktong oras kung anong oras ako makakarating.. walang clock in o clock out.. walang bossing dahil hawak ko ang oras ko.. saan ang pangalawa kong trabaho? sa bahay.. bilang isang blogger/youtuber/multiplier (may multiply account)/ka-friendster/chatter.. pagkadating ko ng bahay, magbibihis ako agad ng pambahay na kumportable ako.. di ko kailangang magpormal-pormalan dahil wala namang nakakakita sa akin.. pagtapos magbihis, kukunin ko na ang laptop ko at dadalhin ito sa kusina habang naghahanap ng malalafang.. iisa-isahin ko nang bibisitahin ang email ko, friendster at itong blog ko.. iisa-isahin ko na ring replyan lahat ng nag-message sa akin at dadalawin ang mga ka-blog habang kumakain ng noodles na may itlog.. walang eksaktong oras kung kelan ako magsisimula at matatapos.. depende rin kasi sa dami ng naka-pending na gagawin.. depende rin kong may kausap ako sa YM.. depende rin kong may pasok ako kinagabihan sa ospital.. kapag may pasok ako sa gabi, 1pm kailangang tulog na ako.. kung wala naman akong pasok, magO-OT ako para matapos kong panoorin ang mga chinovelang pinapanood ko sa youtube.. kaso madalas akong umabsent sa trabaho kong ito.. kapag kasi sobrang antok, natutulog na lang ako.. bumabawi na lang ako kinabukasan o kung kelan ako libre.. dalawa ang trabaho ko.. wala akong iiwan dahil kailangan ko pareho.. dahil kung wala ang isa, di ko kakayanin.. malamang, dahil kung aalis ako sa trabaho ko sa ospital, pano ko na lang magagawang bayaran lahat ng gastos ko sa pangalawa kong trabaho? at pano na lang ang social life ko kung di ako magiging active sa second job ko? :) ************* dahil sa ingitera at isip-bata ako
Posted 5 years ago
gadget and stuff
kanina habang naghihintay ako ng bus, may nakita akong babae, nakikinig sa PSP nya.. ang kulit.. ang gandang tingnan.. naisip ko tuloy bumili ng PSP ko.. ano nga kaya kung bumili ako ng sarili kong PSP? hmmmmm… feasible ba? magkano nga ba ang isang PSP console? $200 kasi dati un eh.. kaya naman sa kung sa kaya pero masyadong mahal.. pero worth it naman siguro dahil madami ka rin namang magagawa sa PSP mo.. una, games — yup, madami rin namang games na mabibili, di rin naman ganon ka-mahal dahil may used games naman.. pangalawa, movies — pede pa akong manood ng movies dun.. pangatlo, internet — nakukuha nya ung wireless connection sa bahay namin.. panghuli, pede pang magsave ng pictures, songs at videos.. in short, lahat na nasa PSP.. feasible naman.. oo, pede.. bibili na ako ng PSP ko! inintay ko ang 2 kong kapatid na lalaki dahil sila ang mga “games guru”.. tinanong ko pareho kung worth it ba ang bumili ng PSP.. ok lang naman daw.. pero sana PS3 na lang daw.. so nagpunta kami ng mall para magcanvass.. sabi ng kapatid ko, $175.99 daw ung huling kita nya.. ayos na rin.. kaya pa ng pera, sakto sahod din this week.. ano nga bang tunay na meaning ng happiness?
Posted 5 years ago
emo daw
title pa lang, post na.. para sayo, kelan mo nga ba masasabing masaya ka na talaga? ung kasiyahan na nararamdaman ng mga bata.. ung kasiyahan na gumagaan ang pakiramdam mo.. ung kasiyahan na wala ka nang iniisip pang problema, na di ka nakakaramdam ng guilt dahil masaya ka pero ung ibang tao hindi.. ano nga ba para sayo ang happiness? pinagtanong-tanong ko ito, may nagsabi sa akin na contentment daw ang happiness.. oo nga naman, kapag kuntento ka na, masaya ka na.. wala ka nang hihilingin pang iba dahil nakuha mo na ang gusto mo.. pero ang tao kasi minsan, walang kakuntentuhan, so ibig sabihin ba nito, di mo rin masasabi kung masaya ka na talaga? so ibig sabihin rin ba nito, sa tao ung problema dahil pede na nga syang maging masaya pero mas pinili pa rin nyang mamoroblema at magisip pa ng iba? maari.. may nagsabi rin na ang happiness daw eh ung magaan na pakiramdam, di maipaliwanag kaya’t wala kang ibang magawa kundi ang ngumiti na lamang.. happiness daw ung kapag masarap ung halakhak mo, na kapag tinatawanan mo ang sarili mong pagkakamali.. in short, kahit na mababaw lang ang dahilan eh nasisiyahan ka na.. ganito ang mga bata diba? di na sila nagiisip ng dahilan para maging masaya.. basta masaya sila, masaya sila.. ganon lang kasimple.. so bakit ba ganito ang post ko ngayon? medyo malabo rin nga eh.. dapat kasi masaya na ako ngayon eh, pero bakit parang hindi pa rin? kung kelan naman posible nang mangyari lahat ng plano, saka naman parang nawawalan ako ng pag-asa.. saka naman parang malabo.. ako nga siguro ang malabo.. sa akin nga siguro ang problema..
|