not just your ordinary ‘after hiatus’ post

Add comments May 15, 2007 » 1038 days ago
blog update, so random

hay, sarap kumain ng Doritos Nacho Cheese at Dr. Pepper.. nakaka-inspire magsulat.. parang nabusog ata ako dun ah.. malamang extra fats na naman ang abot ko nito! makapagexercise nga mamayang paguwi ko ng bahay… *dighay* ayos! solb na! ok, start na ng pagkukwento..

kamusta naman un? after 5 days eh saka na lang ako ulit nakapagupdate.. busy kasi.. yah right! hahaha.. lagi ko namang dinadahilan un diba? pero this time, totoo na! naging busy kasi ako sa trabaho at pagtulog maghapon.. nakakapaginternet pa naman ako pero wala rin kasi ako sa hulog magsulat.. mga ilang beses ko ring bubuksan tong blog ko para lang tingnan kung may dumadalaw pa ba.. meron pa naman pala.. :) and now im back again.. and again.. and again… buti na lang at may idle na oras dito sa trabaho kaya nagawa ko ito.. blah.. blah.. blah.. hehehe..

sa dami ng kwento na gusto kong ilagay dito, di ko na alam kung pano ko pagdudugtong-dugtungin.. di naman kasi sila masyadong related sa isa’t-isa kaya pagpasensyahan na kung maguluhan ka.. basahin mo na lang ulit pagtapos o kaya, magcomment ka na lang na ‘ang gulo mo karmi!‘ sabay sara sa browser mo.. basta lang may magcomment sa post ko na ito.. ok? salamat and enjoy reading..

isang pag-uusap kahapon (May14):

**tuwing Lunes ng umaga, naiiwan sa akin ung Sunday newspaper.. at kapag Linggo, madaming mga brochure ng kung anu-anong mga tindahan.. Best Buy, Walgreens, JC Penny’s, Dilliards.. dito nila nilalagay ang mga sale at mga special offers nila for that week..**

Tinitingnan ng aking bossing ung brochure ng Best Buy*, nakisilip ako dahil nakikitingin din ako kung ano pa bang accesories meron ang PSP.. habang nagbo-browse kami, nakita ko na may HD DVD player na palang ibinebenta.. sabi ng boss ko, naglabas daw sila ng HD DVD player na compatible din sa ordinary DVD para nga naman kapag naglabasan na ang HD DVD eh di mo na kailangang bumili pa ng isa pang player.. gets? sabi ko naman ok, sabay tanong na..

me: What’s the difference between HD** DVD and an ordinary DVD?
bossing: (medyo gulat) EVERYBODY KNOWS THE DIFERRENCE, CARME..
abay, ginawa pa akong tange..
me: i know, its with the sounds and sharper image.. but why bother? like, they can just go to the IMAX theather and its even better..
me: its just that why buy another DVD player if its just for HD DVD? and i bet that HD DVD is not compatible with an ordinary TV, so you should also have HD TV right?
bossing: yup you should.. well, they buy it so they can experience Dolby-Surround sound at home and feel like you are in a theather while just wearing pajamas..
napaisip….
me: i guess so.. :)

silence.. naubusan ako ng english dun ah.. hehehe..

me: and then there’s HD Radio..
bossing: yup and that’s another story….

ok, technology overload! di kinaya ng powers ko ang usapan namin ng bossing ko.. masyadong technical.. pero ok na rin at least napa-praktis page-english ko.. hehehe.. grabe nga naman kasi ang teknolohiya ngayon.. lahat na lang ng bagay ginagawan ng upgrade na pihadong pagkakagastusan ng publiko.. mula sa computers, mp3 players, games, DVD’s, CD’s, TV, radio.. and the list goes on.. and on.. and on….

minsan, gusto ko ring bumalik sa simpleng pamumuhay.. ung tahimik lang at di pa masyadong kumplikado ang buhay.. wala pang mga mp3 player kaya’t kwentuhan at halakhakan ang naririnig sa paligid.. buo ang pamilyang nanonood ng TV o kaya’y nakikinig ng drama sa radyo, wala pang celphone kaya’t mas madalas magkita-kita sa mata ang bawat isa at hindi idinadaan sa simpleng text message.. walang computer…

ha? wait lang.. walang computer?

teka, ibang usapan pala un.. hehehe…

——————-

naaaliw ako dun sa Who’s Viewed Me?*** ng Friendster… parang ang galing lang kasi nalalaman mo kung sino ba ung nagvi-view sayo.. naiinggit nga ung kapatid kong babae dahil bakit sya daw, 10 lang ung nasa Who’s Viewed Me nya samantalang ako, 141.. sindami na halos ng friends ko.. nice.. madami pa pala ang nagvi-view sa akin.. *tuwa*

katulad kanina, bago ako pumasok ng trabaho, tiningnan ko muna ung friendster account ko.. kini-lick ung Who’s Viewed Me at nakita kong binisita pala ng aking highschool crush ung page ko.. *kilig* syempre, binisita ko rin page nya.. magmemessage sana ako, kaso may gf na pala sya.. *ouch* ilang taon ko rin syang crush tapos ngayon may gf na sya? how dare he!! ok, hehehe, di naman ako nagalit up to that extent.. natuwa lang ako kasi sa dami ng friends nya, binisita pa nya ako.. :)

kaso minsan, di rin maganda ung naka-on ung pagvi-view mo sa ibang tao.. meaning, kapag nalalaman mo kung sino ung nakakaview sayo, pihadong malalaman din nila na vine-view mo sila.. di ka na makakapag-stalk kasi lalabas ung picture mo sa who’s viewed me page nya.. alam ko to eh.. hehehe.. madalas kasi akong magbisita sa mga friendster ng nasa friendlist ko.. binisita ko once ung page ng ex ko.. kinabukasan, vi-niew ng current gf nya ung page ko.. hahaha!!! patay… buti na lang naka-private ung profile ko…

di ko na ulit ginawa un…. mahirap na, baka magalit pa sa akin….

—————–

nga pala, out na ung bagong book ni Bob Ong****.. :) yahoong-yahoo!!!!

—————–

ayun lang ung kwento.. hanep ang haba! pede na ulit akong magpahinga ng ilang araw.. :D hehehe…

—–
* – Best Buy ay isang tindahan ng mga electronics e.g. TV, computer, games, DVD, appliances… :)
** – Hidden desire? hahaha.. high-definition…
*** – kung wala kang friendster account, gawa ka na para malaman mo kung ano ung pinaglala-lagay ko dito.. add mo na rin ako.. :) cutecarme@yahoo.com
**** – 6th book ni Bob Ong, Mac Arthur..

Mga Kahalintulad na Posts



19 Responses to “ not just your ordinary ‘after hiatus’ post ”

  • mawee says:

    wahh~ no PC?!? no internet.. ilang oras pa nga lang na di na ako makapaginternet feels like days to me.. heehee. addict me ^^

    pero yun nga, ako din naman ate~ di ko alam yung hd dvd thingy na yan >.

  • ria says:

    karmi, dami mo kwento pero isa lang muna komento ko. yes, labas na ang bagong Bob Ong buk. ibang-iba sa mga nauna… sana mabasa mo na agad :) may mabibilhan ka ba dyan?

  • karmi says:

    @mawee – hehehe, o nga, mahirap na talaga ang walang pc o kaya internet man lang!!!

    @ate ria – nabasa mo na ate?! waaaaaa.. maganda ba? wala akong mabibilhan dito, kaya ung bestfriend ko ang bumili para sa akin.. nakabili na sya, malamang ipadala na nya sa akin un one of these days….

  • rHo says:

    ganun?! HD naman ngayon! masyadong ng nagiging advance ang technology ngaun ah!!

    Who’s viewed Me… maganda yan, nakikita mo kung may nang is-stalk ba sayo! nyahaha!

    susmeee…. dumarami na ang mga libro ko dito! aya’t out na pala ang book ni Bob Ong, kala ko McDo ang title nun! hahahaha! joke lang.. nung nakita ko kasi yun e untitled pa! sasabihin ko pala kay Mike… magpapabili ako!

  • karmi says:

    @rho – hehehe.. Old Mcdonalk had a farm nga ung kanta dati sa website ni idol Bob ong eh.. nito lang ata napalitan.. kaya naging Mac Arthur kasi ‘i shall return..’ :D

    sabihin mo na kay papa mike!!!! :D

  • jesse says:

    gastos lang yang HD na yan..hehe! siguro sa US mabenta yan dito sa pinas hindi masyado…

    ayos ah may bago napala book si bob ong matingnan nga mamaya sa national…nga pala yung sa “whos viewed me” gagana lang pag sinet mo..pero kung naka anonymous ka pwede ka pa ring mang istok! :D

    kaya kung titingnan mo ex mo eh set mo muna sa anonymous.. i-ON mo na lang ulit pagkaalis mo sa page nya…veteran moves! :D

  • eli says:

    wag naman no computer.. :) wala na tayong trabaho.. hehehehe..

    ayan, ni-add na kita sa friendster… parehas kmi ng sis mo, ako naman 61 views.. hehehehe

  • Raych says:

    huy, sino ung crush mo nong HS? parang hindi ko gano maalala. :D

  • miztakumi says:

    haaloooO!! nabuhay ako d ba? wahaha. anyway,

    pareho lang tau karmz, wala na masyado time makapag blog pero nakakapag surf. hiatus mode na pala iyon T__T ouch! dami kong namiss sa pagbloblog. better days and not.

    kamusta na ang lovelife karmz ? wala ata akong nababasa .. ahah joke. :P

    miss u ^^

  • neng says:

    … bumawi naman :P

    mukhang masaya na siya ngayon ah ;)

    naintriga tuloy ako, sino nga ba crush mo noon?
    pakibulong naman baka mapunta ako sa profile
    ni Willi Revillame heheheh

  • rHo says:

    ano nga ba ang website ni bob ong??!

  • Janis says:

    Hahayyy… Dr. Pepper tastes… erm.. weird. Haha. Ayaw ko nun!! Hihihihi.
    Lam mo para sakin pareho lang ang ordinaryong DVD at HD DVD, gastos lang talaga kung bibili ka pa ng HD DVD kung meron ka naman nang existing na DVD…unless nalang na sira yon diba. Haha. :)

  • karmi says:

    @jesse – oo nga, mabenta dito ung mga HD na yan.. ewan ko ba! buti na lang di pa ako nalolokong gumastos!! hehehe.. oo meron na, nakabili ung bestfriend ko sa powerbooks.. baka sa national meron na rin.. :)

    para-paraan jesse ah!! :P heheeh

    @kuya eli – na-add na rin po kita sa friendster.. :D o nga, di ko kaya ng walang computer!!!

    @sis – ano ka ba!! di mo ba kilala ung crush ko? si ano.. :P sino nga ba dun?!

    @miztakumi – waaaa.. bc ka rin pala.. oo, hiatus ang tawag dun.. di ko rin natatagalan masyado na hindi magblog eh.. kaya eto, balik ulit.. :)

    lovelife ba? nxt question pls.. hehehe.. ok naman po.. :D

    @ate neng – sobrang bawi ate! hehehe.. mukha bang masaya ate? kailangan eh.. :P so crush mo si papi willie?

    @rho – ito po.. http://www.visprint.net/publications/bob/ :D

    @janis – hahaha.. ayoko rin ng Dr. Pepper nung umpisa, pero ngayon nato-tolerate ko na lasa nya.. wala bang difference? pansin ko nga rin.. gastos lang talaga nila!!!

  • Peter says:

    thnx for the comment!

    i agreee.. sobrang rumphant na ng technology.. actually the main culprit behind my sickness is because of Technology…

    maghapon ba naman akong naka headset..so na irritate si Ear Drum.. namaga.. so.. yun.. i had to go to the hospital..then stupid rest.. nakakainis!

    asteeg. ang HD DVD pero i think sa mga naglulustay lang yun ng pera un.. and u actually made a point when you were talking to yur boss.. go to imax nalang!

  • karmi says:

    @rho – ur welcome!

    @peter – np! i know, di ka na makakagalaw ng walang technology ngayon.. we actually breathe and live with it nowadays… hala ka, baka naman masyadong malakas ang sounds mo kaya ganyan… rest ka na!!!

    yup, IMAX na lang!!

  • Aisha says:

    haha ntwa ako sau sis bglang ibang usapan na eh noh xD hehehe hayyy exercise na argh sis pki change naman po link ko
    http://heartiziia.net/blog po ksi dapat hehehe pls!!

  • paolomendoza says:

    minsan tlga nakaka-windang ang technical na terms. para kang nasa ibang mundo.

  • karmi says:

    @aisha – hehehe.. ^_^ cge sis, palitan ko ung link mo..

    @paolomendoza – naman.. parang alien!!! :P

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.