
May 23, 2005:alas-6 ng umaga
dalawang taon na pala ang nakalipas ng umalis ang aking pamilya papunta dito sa US.. kita mo nga naman, 2 taon na pala kami dito.. sa loob ng dalawang taon, madami na ang nagbago.. well, una na ung pagtaba ko.. marami mang pagbabago, nakabuti naman sa aming lahat.. sobrang thankful talaga ako dahil naging maayos naman ang buhay namin dito sa US.. kahit na medyo nahirapan sa paga-adjust eh kinaya naman.. tama nga sila, magsipag ka lamang dito sa US eh magiging maayos ang buhay mo…
after two years, ito na kami ngayon..
ambilis talaga ng panahon.. di ko namamalayan na ang dami na palang nangyari sa amin dito.. at marunong na talaga akong mag-english! :D hehe.. basta sobrang thankful talaga ako sa mga ibinigay sa amin.. salamat talaga..
happy 2nd anniversary sa amin! ^_^
p.s. sensya na po kung di ako nakakapagblog-hop masyado.. busy lang kasi… pramis, kapag may time, mangungulit ulit ako.. ^_^












