Blue Moon

Add comments May 26, 2007 » 1024 days ago
inlove

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

 
Blue Moon – Orange and Lemons

True love happens only once.. but it is enough to last for a lifetime.

kahapon ko lang napanood ung movie na Blue Moon.. mag-isa lang kasi ako dito sa bahay, sakto un ang palabas.. nung una’y ayoko pang panoorin, buti na lang pinanood ko….

marami tayong makikilalang pwede nating mahalin.. minsan nga sabay pa sila, pero isa lang talaga ang masasabi mong true love.. sabi nila, nangyayari ito once in a blue moon.. at kahit na magkalayo kayo, kahit na magmahal pa kayo ng ibang tao, di pa rin mawawala ung true love mo.. hahanap-hanapin mo pa rin sya.. aasa ka na kayo pa rin sa huli ang magkakasama…

ang ganda lang ng kwento at ngayon na lang siguro ako ulit umiyak ng ganon dahil sa isang pelikula.. apektado.. kaso, pano mo malalaman na sya na pala ang true love mo diba? pano kung may iba pa palang tao ang nakalaan para sau? pano mo sya makikilala? pano kayo magtatagpo?

ang ibon daw nagpapadala lang sa hangin kapag may hinahanap..

darating na lang siguro un.. kung talagang kayo para sa isa’t-isa, mangyayari ang dapat mangyari.. magtatagpo kayo kung kelan tama ang lahat.. kung kelan pareho na kayong handa.. kung kelan wala nang hahadlang sa pagmamahalan nyo.. hay.. ang sarap lang sigurong isipin na sa mga oras na ito, may nagiisip sa akin, iniintay ako, na kahit di pa kami magkakilala eh mahal na nya ako, dahil kaming 2 ang tinadhana para sa isa’t-isa..

hay… sobrang nadala nga ako sa movie.. ang gwapo pa ni Mark Herras, la na.. hehehe.. ^_^

kapag dalawa ang full moon sa isang buwan, Blue Moon ung ikalawa. mas mabilog un saka mas maliwanag kesa dun sa una. alam nyo, bibihira lang yan…

-Pauleen Luna, Blue Moon

gusto ko ng DVD ng Blue Moon.. sino kaya magpapadala sa akin? ^_^

Mga Kahalintulad na Posts



3 Responses to “ Blue Moon ”

  • jesse says:

    love story :) dvd pirated copy gusto mo? kopya na rin sa original yun..hehe! 12 in 1 pa..pag uwi mo na lang sa pinas..madami choices

  • karmi says:

    @jesse – hehhe.. pede na rin cguro.. :) cge, paguwi ko na lang ha..

    ako rin, ngyon ko lang nalaman na blue moon pala ang tawag dun..

  • naglalayag says:

    uy, lunatic siya ngayon … romantic pala! :P

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.