
bagong gupit.. ^_^
ano na nga bang nangyayari sa akin nitong mga nakalipas na araw? di ko rin alam… masyado akong maraming iniisip.. masyadong maraming biglaang desisyon na hanggang ngayon ay di ko pa rin alam kung bakit ko ginawa.. nga pala, salamat po sa mga nagcomment dun sa last post ko.. salamat talaga.. di nyo man nasagot ung mga tanong ko, nabigyan nyo naman ako ng mga bagong outlook sa buhay.. ^_^
gusto kong tigilan na muna ang pagbo-blog at pagi-internet.. gustong-gusto pero kasama kasi ito sa buhay ko.. di ko ata kakayanin ang isang buong aaw na di humaharap sa aking laptop para lang magonline.. iniiiwasan ko na rin kasing magdrama.. pinipilit maging masaya…
pero sa aking pagmumuni-muni, naisip ko, bakit ko naman titigilan ung tanging bagay na nagpapasaya sa akin? bakit ko titigilan ang tanging bagay na kung saan nailalabas ko kung sino talaga ako? kaya patuloy pa rin akong magbo-blog at this time, pipilitin ko nang maibalik ung pangungulit ko.. namiss ko rin kasi un…
bagong buwan.. bagong buhay… tapos na ang buwan ng Mayo.. tapos na ang lahat…
oo, magbo-blog pa rin ako.. magi-internet.. pero iiwasan ko na ang friendster…….












