laging bigo, laging sawi sa pag-ibig.. minamalas o kay sakit, may balat nga ba ako sa pwet..
– “Tumatakbo” – Mojofly
bago na namang pangalan ng blog.. bago ring theme.. na-inspire kasi ako dun sa kanta ng Mojofly.. sakto sa kasalukuyan kong nararamdaman.. di nga kaya malas lang ako sa mga nakikilala ko at minamahal na lalaki? kelan kaya darating ung oras na mas mahal na ako nung lalaki? ang tanong darating pa kaya un? sana.. sana talaga…
kailangan ba talagang meron?
yan ang tanong sa akin nung bestfriend kong si ion nung huli kaming magusap sa YM.. bakit daw ba ako masyadong namomoroblema dahil single na ako.. kailangan daw ba talagang meron kang bf/gf para lang maging masaya? ilang araw ko ring pinagnilay-nilayan ang tanong nya.. tama sya eh (lagi naman!).. di ko naman kailangan.. siguro namimiss ko lang ung thought na may taong nagaalala at nagmamahal sa akin.. ung kahit na malayo eh ramdam mo ung pagmamahal nya.. na kahit na magkaiba ung oras namin, nagagawa naming maging pareho… sayang.. malaking panghihinayang ang nararamdaman ko ngayon pero un ang dapat.. this time, kailangan ko namang gamitin ang utak ko kesa sa puso…
i’ve been trying so hard looking for love.. trying so hard looking for somebody to love me.. kaso kapag pilit, di mo mae-enjoy diba? so siguro antay na lang muna ako ulit.. antay na lang.. antay lang…
gusto ko lang maranasang umibig, tamaan ni kupido.. gusto ko lang maranasan ang langit, tumibok muli ang puso ko….
i guess, its time to move on.. kaya rin di ako makapagblog masyado.. kaya wala sa hulog magsulat..
di naman siguro ako malas sa pagmamahal.. masyado lang kasi akong madaling mainlove….












