laging bigo, laging sawi sa pag-ibig.. minamalas o kay sakit, may balat nga ba ako sa pwet..
– “Tumatakbo” – Mojofly
bago na namang pangalan ng blog.. bago ring theme.. na-inspire kasi ako dun sa kanta ng Mojofly.. sakto sa kasalukuyan kong nararamdaman.. di nga kaya malas lang ako sa mga nakikilala ko at minamahal na lalaki? kelan kaya darating ung oras na mas mahal na ako nung lalaki? ang tanong darating pa kaya un? sana.. sana talaga…
kailangan ba talagang meron?
yan ang tanong sa akin nung bestfriend kong si ion nung huli kaming magusap sa YM.. bakit daw ba ako masyadong namomoroblema dahil single na ako.. kailangan daw ba talagang meron kang bf/gf para lang maging masaya? ilang araw ko ring pinagnilay-nilayan ang tanong nya.. tama sya eh (lagi naman!).. di ko naman kailangan.. siguro namimiss ko lang ung thought na may taong nagaalala at nagmamahal sa akin.. ung kahit na malayo eh ramdam mo ung pagmamahal nya.. na kahit na magkaiba ung oras namin, nagagawa naming maging pareho… sayang.. malaking panghihinayang ang nararamdaman ko ngayon pero un ang dapat.. this time, kailangan ko namang gamitin ang utak ko kesa sa puso…
i’ve been trying so hard looking for love.. trying so hard looking for somebody to love me.. kaso kapag pilit, di mo mae-enjoy diba? so siguro antay na lang muna ako ulit.. antay na lang.. antay lang…
gusto ko lang maranasang umibig, tamaan ni kupido.. gusto ko lang maranasan ang langit, tumibok muli ang puso ko….
i guess, its time to move on.. kaya rin di ako makapagblog masyado.. kaya wala sa hulog magsulat..
di naman siguro ako malas sa pagmamahal.. masyado lang kasi akong madaling mainlove….













karmi! pahiram naman ng flashlight..masyado madilim dito sa blog mo eh!
di yan kamalasan…
I can relate to this post. Just broke up with BF (or kami pa din pero ewan ko…). Naitanong ko na din sa sarili ko kung kailangan nga ba talaga merong BF. Hindi naman sa kailangan ‘yun eh. You can survive without a boyfriend. Pero paano kung may mahal kang tao pero hindi mo naman siya makasama or puedeng mahalin kasi hindi ka naman niya mahal or hindi ka na niya mahal or may mahal na siyang iba? You can survive a life without a boyfriend, pero when you’re in love, definitely having a boyfriend can enrich a rather bland life. Pero kung sakit ng ulo ang boyfriend mo, huwag na lang. Hehe :-)
maranasang tamaan ni kupido at mahulog sa bangin ng pag-ibig?? minsan, nakakasawa na… yung tipong, nakakapagod ng magmahal… parehas tayu ng nararamdaman ngayun kaya nasasakyan kita..
^_^
Yup, it can be draining and tiring. Especially if in all the relationships you had, you have invested so much of your time and emotions and you’ve thought that every relationship was the last. And yet, your partner would be the one to destroy everything that has been accomplished, merely because he can’t take responsibility for his choices. Sigh.
Ay karmi, I just want to give you a hug.
kaya habang di pa kita napupuntahan, eto, virtuall hug muna. *hugs*
alam mo, okay lang naman makaramdam ng ganyan noh. wala naman magsasabi sayong ang drama mo dahil maraming nakakarelate sayo… at ano ka, kung tutuusin recently lang naman yan eh. grabe ha.
usap nga tayo sa ym! (naku ang demanding!)
guguluhin kita sa multiply & friendster :))
ei! di ka malas, siguro hindi ka lang swerte! hehehe! cheer up! may darating din sa ‘yo along the way. sabi nga nila, “patience is a virtue.”
pinakapaborito ko pa rin ang mojofly, hehe=) ganda kasi ni lougee, hehe.
wala naman sigurong malas habambuhay, minsan-minsan lang yan. maly mo swerte yan na nakadisguise sa pagiging malas, weird, hehe=)
nasa isip lang ang malas at swerte, baka.
aww. masarap naman talaga ung feeling ng “inlab” pero ok lang yan. shempre meron darating… mabuti na rin yan tagsolo muna. enjoy lang!
bunso,
wag mo isiping malas ka sa aspetong pag-ibig… always remember that when a door close a window will open for u…for every season there is a reason.
always hang on…God has a masterplan for u. :)
keep on smiling and keep ur vibrant youth
all is fair in love and war eka nga – walang swerte o malas..
sadyang mapagkait palang siguro ngayon ang tadhana..
wait ka lang – waiting din naman siya panigurado =)