sensya ka na magulo pa rin ung loob ng kotse
un ang sabi mo sa akin habang aking binubuksan ang pintuan ng kotse mo.. ngumiti lamang ako sabay sabing ‘OK lang..’.. ok lang naman talaga sa akin, ako na nga itong nakikisabay, ako pa ba tong magiinarte? habang nakaupo ako sa iyong sasakyan, iniisip ko kung tama bang sa passenger seat ako umupo.. malamang no? kasi kung sa backseat ako uupo, eh di ginawa naman kitang driver.. nilagay ko na ang aking seatbelt at inayos ang bag sa ilalim ng glove compartment.. hay, parang kumportable na ako dito sa loob.. ilang beses pa lang naman kitang nakakasama pero kumportable na ako agad.. siguro dahil masarap kang kausap.. oo nga, siguro nga dahil don..
dahan-dahan mong iniurong ang kotse sabay kusot sa mata mo..
ako: salamat nga pala sa pagintay sa akin ha.. isang oras din halos un..
sya: ok lang, nagsimba naman ako eh kaya di naman din matagal pagiintay ko sau..
nadatnan kita kanina sa lobby na nakapikit.. nakatulog ka na ata sa pagiintay.. di ko mapigilang di matawa dahil sa itsura mo.. nakakahiya talaga eh, di naman tayo ganon ka-close para magpaintay ako sau diba? pero ginawa mo.. siguro ganon ka lang talaga sa mga kaibigan mo.. ang bait mo naman.. sobrang bait..
di rin naman kasi malayo ung bahay mo sa akin.. on the way kaya siguro pumayag ka rin na intayin ako.. saka ayoko rin kasing magintay ng higit isang oras para lang sa bus.. sabihin na nating gusto lang din kitang makita at makasama.. sa loob ng 30 mins., parang magkakilala na tayo sa pagbibiruan at paguusap natin.. parang matagal na tayong magkakilala..
habang nagmamaneho ka, tuloy pa rin ang kwentuhan natin.. minsan tumitingin ka rin habang kinakausap ako.. kung anu-ano lang naman ang pinaguusapan natin – trabaho, buhay sa San Antonio, kung kakilala ko ba si ganito.. di na nga natin napapansin na kumakanta pala si Francis Magalona sa background.. hmmmm… di kaya.. di naman siguro… masyado pang maaga para masabi…
tumigil na ang makina ng kotse sa tapat ng bahay namin.. parang ayoko pang bumaba pero kailangan.. madaming tumatakbo sa isip ko.. kelan kaya kita ulit makikita? kelan kita ulit makakasabay umuwi? kelan nga kaya?
ako: uy, salamat kuya.. tulog ka na ha..
sya: kuya ka dyan.. walang anuman ate.. sige ingatz..
ako: ingat din..
tumigil ako sa tapat ng bahay namin sabay kumaway habang papalayo na ang iyong sasakyan.. salamat sa paghahatid sa akin.. salamat talaga.. kelan kita ulit makikita? pwedeng bukas, sa makalawa o kaya next week.. depende.. pwedeng-pwede naman kitang i-text eh.. :)












