stainless longganisa
Paunang salita:
Sir Bob Ong, hiramin ko po muna ung title ng inyong 5th Book.. :)
Maraming Thank you po and rak on!! ^_^Mula sa inyong namber wan fan:
karmi ^_^
sino nga namang tao ang di marunong gumamit ng ballpen o kaya ng lapis? kahit siguro ung mga bata eh alam ang gamit ng ballpen.. try mong bigyan ng ballpen ang isang 3 taong gulang na bata, pihadong didiretso ito sa dingding at magdo-drowing ng aso o kaya tao na istik.. pagtapos maturuang magbasa ang mga bata ay tuturuan naman itong magsulat.. una’y matabang lapis na kulay itim muna ang gamit na panulat tapos ay magiging ballpen na ito pagtanda.. lahat ng tao, nakapag-aral man o hindi ay marunong magsulat at gumamit ng ballpen..
mahalaga ang ballpen sa ating pang-araw-araw na buhay.. isipin mo na lang kung walang ballpen, pano na lang magbibigay ng autograph ang mga artista? pano mo na lang ifo-forge ang pirma ng nanay mo sa report card na mababa ang grade? pano na lang tayo makakapagvandal sa loob ng CR? mahirap talaga kapag walang ballpen.. lalo na kapag nawalan ng tinta ang ballpen mo kung kelan magsisimula na ang exam.. pano mo na lang masasagutan ang exam? pano ka papasa? in short, importante talaga ang ballpen…
The pen is mightier than the sword
ang simpleng ballpen ay pwede ring maging mapanganib na sandata.. napatunayan na yan ni Dr. Jose Rizal at ng iba pang bayani na nakipaglaban sa pamamagitan ng pagsusulat.. sila ata ang mga palaban na bloggers noon.. di nga lang sila sa internet naglalagay ng post kundi sa dyaryo at sa mga libro.. un nga ata ang namana ng karamihan sa mga noypi ngayon.. ang paggamit ng kanilang ballpen sa pakikipaglaban.. pinapaalam nila ang kanilang opinyon sa madlang pipol.. mas malayo ang mararating nito kumpara sa paggamit ng espada na pwede mo pang ikamatay on the spot..
kaso kadalasan, di na napapansin ang ballpen.. lalo na ngayon na lahat na ata ng gamit ay high-tech na bibihira na ang manual labor.. marami nang naging substitute ang ballpen sa paglipas ng panahon.. aminado ako na isa na ako sa mga bihira nang gumamit ng ballpen.. dahil may computer naman kaya diretso ko nang ginagawa ang mga kwento at kadaldalan ko sa notepad.. kaya madalas, natutuyo na ang mga ballpen ko..
napagisip-isip ko, pano na lang kung mawalan ng kuryente? pano na lang ako makakakapagsulat?
babalik ako sa paggamit ng ballpen.. dahil matuyo man ito, pwedeng-pwede naman akong bumili ng bago.. :D





natuwa lang ako rito…pano mo na lang ifo-forge ang pirma ng nanay mo sa report card na mababa ang grade? pano na lang tayo makakapagvandal sa loob ng CR?
tanungin kita ha, from experience ba to? hehehe
@ate karen – hmmmmm…. mejo po! hehehe.. :P pero di naman masyadong mababa ung grade ko.. saka ako na po ung pumirma para sa nanay ko, with her permission naman po.. :D
:D
hay karmi kaw talaga… bilib ako sayo, napaka interesting lagi ng mga posts mo :)
so pag nawalan ng kuryente, balik snailmail na lang.. masaya yun :D
lagi ako may dalang bolpen. kahit san ako pumunta siguradong may bolpen sa bag ko. at kahit sa pagtulog.. kelangan may bolpen na abot-kamay ko lang. para kong magsusulat lage =)
at kahit uso na ang internet.. email.. friendster.. mahilig pa din ako sumulat sa papel. sinusulatan ko ang aking mga superfriends pag naiisip ko sila. tapos binibigay ko din pag nagkita na kame, mnsan kahit super tagal na panahon na ang nakalipas. ala lang.
pag walang kuryente mag-uukit na lang ako sa bato! hehehehe!
natawa naman ako kay master, panahon yun nin flinstones ah!! hehehehe!!
naku karmimay, ako rin ang dami ng tuyong ballpen dito!! usually kasi lapis ang ginagamit ko para madaling burahin pag nagkamali ako at hindi sya magiging maduming tingnan! hehehe!