huling hirit!

Add comments June 19, 2007 » 1005 days ago
emo daw

you might say that i was the first to let go between us.. i said GOODBYE and you let me go just like that! when all i ever wanted for you to do is to come after me and say ‘PLS. STAY’… but you never did..

sa halip na manood ako ng Ant Bully nadito ako sa harap ng computer at gumagawa ng post tungkol sayo.. tungkol sayo na naman.. lagi na lang ikaw.. gusto na kitang kalimutan pero bakit ganon, lagi ka na lang nasasagi sa isip ko.. kahit na anong galit ang maramdaman ko, gusto pa rin kitang makausap.. gusto ko pa ring marinig ang boses mo.. ang tanga ko talaga.. sobra! bakit pa ako naghihintay ng kahit anong move galing sayo.. siguro dahil umaasa pa rin ako na maayos pa tayo.. na may pag-asa pang maging tayo ulit…

sabi mo tatawag ka.. pero hanggang ngayon di pa rin nagri-ring ang telepono.. ang tanong tatawag ka pa ba? at bakit ko naman iniintay pa ang tawag mo? ang gulo ko talaga.. gusto ko syang makausap pero ngayon parang ayoko na.. natatakot siguro ako sa pwedeng mangyari.. dahil baka mahulog at mainlove na naman ako sayo.. wag ka na sanang tumawag.. wag na…

halos isang buwan na tayong wala.. wala naman akong pinagsisisihan sa ginawa ko.. pero may mga panahon lang na nalulungkot ako.. nagiisip na baka may mali rin ako.. na baka kasalanan ko rin kaya nagkaganito tayo.. pero matapos kong makaramdam ng pagkalungkot, napapalitan ito ng galit.. galit dahil niloko mo ko.. actually, ginago mo ako! ang kapal ng mukha mong gawin sakin to.. gusto kitang murahin, sampalin.. galit na galit ako sayo…

ewan ko kung mababasa mo ‘to.. kung mabasa mo man, eh di nabasa mo….

last na hirit na to pramis! ako rin naman kasi ang nahihirapan sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari noon.. ako rin ang hindi makapag-move on..

i’ll be happy..

i know i will be….

Mga Kahalintulad na Posts



One Response to “ huling hirit! ”

  • ate karen says:

    love is lovelier the second time around. i dunno. it depends siguro sa sitwasyon.mahirap din naman kung lagi naing iisipin ang “what might have been”

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.