huling hirit!

Posted almost 5 years ago emo daw

you might say that i was the first to let go between us.. i said GOODBYE and you let me go just like that! when all i ever wanted for you to do is to come after me and say ‘PLS. STAY’… but you never did..

Read the rest of this entry »

stainless longganisa

Posted almost 5 years ago writings

Paunang salita:

Sir Bob Ong, hiramin ko po muna ung title ng inyong 5th Book.. :)
Maraming Thank you po and rak on!! ^_^

Mula sa inyong namber wan fan:
karmi ^_^

 sino nga namang tao ang di marunong gumamit ng ballpen o kaya ng lapis? kahit siguro ung mga bata eh alam ang gamit ng ballpen.. try mong bigyan ng ballpen ang isang 3 taong gulang na bata, pihadong didiretso ito sa dingding at magdo-drowing ng aso o kaya tao na istik.. pagtapos maturuang magbasa ang mga bata ay tuturuan naman itong magsulat.. una’y matabang lapis na kulay itim muna ang gamit na panulat tapos ay magiging ballpen na ito pagtanda.. lahat ng tao, nakapag-aral man o hindi ay marunong magsulat at gumamit ng ballpen..

mahalaga ang ballpen sa ating pang-araw-araw na buhay.. isipin mo na lang kung walang ballpen, pano na lang magbibigay ng autograph ang mga artista? pano mo na lang ifo-forge ang pirma ng nanay mo sa report card na mababa ang grade? pano na lang tayo makakapagvandal sa loob ng CR? mahirap talaga kapag walang ballpen.. lalo na kapag nawalan ng tinta ang ballpen mo kung kelan magsisimula na ang exam.. pano mo na lang masasagutan ang exam? pano ka papasa? in short, importante talaga ang ballpen…

The pen is mightier than the sword

ang simpleng ballpen ay pwede ring maging mapanganib na sandata.. napatunayan na yan ni Dr. Jose Rizal at ng iba pang bayani na nakipaglaban sa pamamagitan ng pagsusulat.. sila ata ang mga palaban na bloggers noon.. di nga lang sila sa internet naglalagay ng post kundi sa dyaryo at sa mga libro.. un nga ata ang namana ng karamihan sa mga noypi ngayon.. ang paggamit ng kanilang ballpen sa pakikipaglaban.. pinapaalam nila ang kanilang opinyon sa madlang pipol.. mas malayo ang mararating nito kumpara sa paggamit ng espada na pwede mo pang ikamatay on the spot..

kaso kadalasan, di na napapansin ang ballpen.. lalo na ngayon na lahat na ata ng gamit ay high-tech na bibihira na ang manual labor.. marami nang naging substitute ang ballpen sa paglipas ng panahon.. aminado ako na isa na ako sa mga bihira nang gumamit ng ballpen.. dahil may computer naman kaya diretso ko nang ginagawa ang mga kwento at kadaldalan ko sa notepad.. kaya madalas, natutuyo na ang mga ballpen ko..

napagisip-isip ko, pano na lang kung mawalan ng kuryente? pano na lang ako makakakapagsulat?

babalik ako sa paggamit ng ballpen.. dahil matuyo man ito, pwedeng-pwede naman akong bumili ng bago.. :D

randomness…

Posted almost 5 years ago so random

pano ko ba to sisimulan?

nagfe-feeling estudyante ako dahil ngayon na lang ako ulit nakapag-update dito sa blog.. di ko naman pedeng idahilan na simula na kasi ang klase kaya di ako makapagblog dahil unang-una graduate na ako at pangalawa, summer dito sa america… ayoko namang idahilan na naman ang katamaran ko dahil sakit na ko ata talaga ito, wala na akong magagawa dito…

sa dami rin ng aking iniisip (teka ano nga ba iniisip ko? lalaki.. lalaki.. lalaki..), wala rin akong matinong mailagay dito.. dahil ata sa summer eh nakikisabay sa break ang utak ko.. di masyadong gumagana, pwera na lang kung maglalaro ako ng Dance Dance Revo na kailangan ang coordination ng aking mga kamay at mata.. nakakapagod talagang gumawa ng wala.. kung tutuusin, ma-swerte tlaga ako dahil wala akong masyadong inaalala o pinoproblema.. ako na lang talaga ang gumagawa ng sarili kong poproblemahin…

kagabi, napanood ko ung I-witness.. topic nila eh tungkol sa lumalaking populasyon ng Pilipinas.. may mag-asawang dose ang anak.. meron namang teenager pa lang ay may anak na.. walang trabaho ang mga magulang, wala tuloy makain ang mga bata.. grabe, nakakaawa ung mga bata.. :( alam kong labag sa pananaw ng Simbahang Katoliko ang Family Planning, dahil naniniwala sila na biyaya ang mga anak pero di ba kapakanan pa rin ng bata ang mahalaga? ok sige, pede namang magkaroon ng 12 anak basta ba kaya ng mga magulang na buhayin lahat ng anak nila ng maayos diba? kaso ang nangyayari, pati ang mga bata nahihirapan.. so ano ba naman ung sumunod sa Family Planning? kaya ako kapag nagka-pamilya na ako (un eh kung mangyayari pa), siguro 3 anak pwede na.. one big happy family na kami nun! ^_^

11:50pm na pala, katatapos lang ng NBA.. Champions na SPURS! yahoong-yahoo!!!!

may nagmessage sa akin sa multiply ko..


i-click mo para mabasa mo ung message…

wow.. love at first sight? di nga? ganda ko naman!! ah ewan…

balak ko rin palang magpasa ng kwento sa ADARNA Publishing.. kailangan ko lang daw magpasa ng manuscript sa address na nasa website nila.. saka daw self-addressed, self-stamped envelope para kung ibabalik daw ung kwento ko.. pwede.. kwento na lang ang kulang! hehehe.. may naiisip na nga ako, kaso di ko alam kung papatok ba sa panlasa ng mambabasa.. di ko rin alam kung matatapos ko ba un.. siguro naman matatapos ko ung kwento.. pero baka di ko na lang ipadala mula dito.. June 2008 uuwi naman ako ng Pinas, baka i-hand carry ko na lang at ako na mismo ang dala sa opisina nila!

inaantok na ko.. gusto ko lang magpost ng random na mahaba para next week na ulit ako mag-update.. 

tanong lang.. magreply ba ko dun sa nagmessage sa akin?! hmmm.. tingin mo?

passenger seat

Posted almost 5 years ago inlove, writings

sensya ka na magulo pa rin ung loob ng kotse

un ang sabi mo sa akin habang aking binubuksan ang pintuan ng kotse mo.. ngumiti lamang ako sabay sabing ‘OK lang..’.. ok lang naman talaga sa akin, ako na nga itong nakikisabay, ako pa ba tong magiinarte? habang nakaupo ako sa iyong sasakyan, iniisip ko kung tama bang sa passenger seat ako umupo.. malamang no? kasi kung sa backseat ako uupo, eh di ginawa naman kitang driver.. nilagay ko na ang aking seatbelt at inayos ang bag sa ilalim ng glove compartment.. hay, parang kumportable na ako dito sa loob.. ilang beses pa lang naman kitang nakakasama pero kumportable na ako agad.. siguro dahil masarap kang kausap.. oo nga, siguro nga dahil don..

dahan-dahan mong iniurong ang kotse sabay kusot sa mata mo..

ako: salamat nga pala sa pagintay sa akin ha.. isang oras din halos un..
sya: ok lang, nagsimba naman ako eh kaya di naman din matagal pagiintay ko sau..

nadatnan kita kanina sa lobby na nakapikit.. nakatulog ka na ata sa pagiintay.. di ko mapigilang di matawa dahil sa itsura mo.. nakakahiya talaga eh, di naman tayo ganon ka-close para magpaintay ako sau diba? pero ginawa mo.. siguro ganon ka lang talaga sa mga kaibigan mo.. ang bait mo naman.. sobrang bait..

di rin naman kasi malayo ung bahay mo sa akin.. on the way kaya siguro pumayag ka rin na intayin ako.. saka ayoko rin kasing magintay ng higit isang oras para lang sa bus.. sabihin na nating gusto lang din kitang makita at makasama.. sa loob ng 30 mins., parang magkakilala na tayo sa pagbibiruan at paguusap natin.. parang matagal na tayong magkakilala..

habang nagmamaneho ka, tuloy pa rin ang kwentuhan natin.. minsan tumitingin ka rin habang kinakausap ako.. kung anu-ano lang naman ang pinaguusapan natin – trabaho, buhay sa San Antonio, kung kakilala ko ba si ganito.. di na nga natin napapansin na kumakanta pala si Francis Magalona sa background.. hmmmm… di kaya.. di naman siguro… masyado pang maaga para masabi…

tumigil na ang makina ng kotse sa tapat ng bahay namin.. parang ayoko pang bumaba pero kailangan.. madaming tumatakbo sa isip ko.. kelan kaya kita ulit makikita? kelan kita ulit makakasabay umuwi? kelan nga kaya?

ako: uy, salamat kuya.. tulog ka na ha..
sya: kuya ka dyan.. walang anuman ate.. sige ingatz..
ako: ingat din..

tumigil ako sa tapat ng bahay namin sabay kumaway habang papalayo na ang iyong sasakyan.. salamat sa paghahatid sa akin.. salamat talaga.. kelan kita ulit makikita? pwedeng bukas, sa makalawa o kaya next week.. depende.. pwedeng-pwede naman kitang i-text eh.. :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.